19 - Trying to be patient

1.1K 57 15
                                    

CHAPTER 19

"Hoy Jessie! Lumabas ka nga diyan! Buksan mo 'tong pinto!" Kasalukuyan akong nakaupo sa living area, hinihintay ang pagdating ni Aiden pero parang iba ang dumating. Si Mina.

Binuksan ko ang pinto at as expected, nakapamewang siya at magkasalubong ang kilay niya.

"Why are you rejecting my calls? Ilang ticket na pang sine ang nasayang at ilang date na rin ang hindi ko nasipot sa kakaplano sa mga supposed to be date niyo ni Luhan!" Hindi pa rin talaga siya sumusuko. Push na push at G na G la rin siya sa idea niyang ipaglapit kami ni Luhan.

"Sayang talaga yung mga ticket!" Napailing na lang ako sakanya.

"Mina, stop it. Kaya ko nire-reject ang calls mo kasi ayoko nang ituloy mo 'yan. Please?" Umupo siya sa tabi ko.

"Bakit? May nahanap ka na bang bago?" Bakas sa tono ang pangaasar niya. "Sorry to disappoint you, Mina pero walang bago. On the process la lang." Tumawa naman siya rito at tinignan ako mula ulo hanggang paa.

"Saan pala lakad mo?" Umiling ako. Ayokong magkuwento muna sa kanya.

"Wait wait wait! Sino nga pala tong nababalitaan kong Aiden? Narinig ko kay Janey, eh." Ayan na. Curious na ang reyna.

"Wala. Just a childhood friend." Sa mukhang ipinapakita ni Mina ay halatang hindi siya kumbinsido sa mga sagot ko. Hindi kaya may naikuwento si Janey sa kanya?

"Ahh, childhood friend na dating pinangakuan ka na liligawan ka niya at pakakasalan?" Pangasar siyang tumawa at tinapik ang balikat ko.

"Tell me more about Aiden. Baka puwede ko siyang magamit sa plano ko." Sinamaan ko siya ng tingin. Ang hirap talaga niya minsan kausap. "Mina--" she cut me off, "Yes yes. I'll stop with the plan. Ikaw na ang bahala diyan kay Luhan. Basta ipamukha mo sa kanya na wala na at tapos na ang storya namin ah? Ipamukha mo namang ikaw na ang leading lady niya! Kayo na ang bida. Okay? Im out of here. Byebye!" Pero bago pa siya tuluyang makalabas ng gate ng apartment ko ay napabalik siya sa akin.

"IS THAT THE AIDEN GUY? Omg. Layas na! Nandiyan na ang pagseselosan ni Luhan!" Tinapik niya ang balikat ko at bumulong, "Goodluck! Pagsisisihan ni Luhan 'to. I promise you." Saka na siya tuluyang lumabas at pumasok naman si Aiden.

Napatigil siya sa may pintuan nang makita ako. Titig na titig siya na para bang kakain ako at matutunaw na ako. "A-ah, Aiden?" Napaiwas siya ng tingin at napa awkward na ngiti.

"You're beautiful," lumapit ito sa akin at inilahad ang kanang kamay niya. "Ready?" Tumango ako.

Yes. I'm ready. Ready to try forgetting him again. Ready to try falling inlove again. But this time, not with the same guy. Not with Luhan.

But with this guy, Aiden Mark Lee.

**

"Seryoso, Aiden?" Pagtatanong ko sa kanya in disbelief nang tumigil ang kotse niya sa tapat ng ihawan.

"What? Dito tayo magde-date." Nakangising sabi niya. Napailing na lang ako at bumaba na ng kotse.

"Seriously, Jessie?" Kinunutan ko lang siya ng noo. Ano naman ang problema?

"Kapag nagde-date at bababa sa sasakyan, dapat hihintayin mo 'yung ka-date mo na pagbuksan ka ng pinto." Natawa ako sa kanya at tinapik siya sa balikat niya, "Sorry to say pero hindi ako katulad ng mga dine-date mo sa States." Tumawa din siya at nagulat ako nang hawakan niya ang kamay ko.

"Kaya type kita, eh." Hinintay ko. Hindi ang sabihin niya 'yan. Hinintay ko na tumibok ng mabilis ang puso ko. Hinintay ko na may mga paru-parong magparamdam sa tiyan ko pero wala. Maybe its too early.

Tried and TiredWhere stories live. Discover now