22 - Don't try. Figure it out.

1.3K 63 14
                                    

CHAPTER 22

Akala ko noon, wala nang mas sasaklap at mas sasakit pa sa tatlong salitang, "Hindi kita mahal." Hindi ko alam na mas may sasakit pa pala sa mga salitang ito.

It was last last night, sa airport, bago pa ako tuluyang sumakay ng eroplano at takasang saglit lahat ng nakakainis na pangyayari sa Pinas. Pagkatapos ng kaba at pagtatalon ng pusong naramdaman ko sa "Jessie, can we talk." Ni luhan ay saka ko lang naramdaman ang parang mga panang tumusok sa akin. How foolish am I to feel this only now? Is this some kind of disease na hindi mo muna mararamdaman ang sakit dahil itinakda itong saktan ka ng bonggang-bongga isang araw? Sa takdang panahon? Is love some kind of virus? Can it still be cured? For how long? Gaano katagal sa kagaya kong tanga? Gaano katagal sa kagaya kong patuloy tuloy tuloy tuloy tuloy na umaasa?
"Sorry." Una niyang sinabi sa akin 2 nights ago.
"Because you don't feel the same way I do? It's fine, Luhan. I'm trying my best to let go of this damn feelings for you." Hindi ko inakalang lalabas sa bibig ko ang mga salitang iyan. Never in my life I thought of saying these dumb words.

Napayuko siya at hindi na sumagot. "I'm going. Baka ma-late kami sa flight." Pinangunahan ko na siya. Kung mayroon man sa aming dalawang magpapaalam o aalis ngayon, gusto ko ako naman ang mauna.

Pero bago pa ako makaalis ay nagsalita siya na nagpatigil sa akin. The most painful words, more painful than the 'hindi kita mahal'.
"But, I'll try, Jessie. I'll figure out.." If I could just slap him hard, here, in this place, I already did.

"Do I look that desperate, Luhan? Do I look like I'll die without your love?" Umiling siya at parang nataranta, "I don't mean it that way. Its just that.. ayokong.. ayokong masaktan ka. Ayokong masaktan kita just because of this. You're special to me, Jessie. You're such a special friend.. and I dont want to lose you. Just because of me. Just because of me being so idiot for not seeing you,--" I cut him off, "You can't try loving someone, Luhan. That's not the love I'm longing for from someone. Sorry kung maarte ako but I'm not wasting any more time hoping for nothing."

I can't feel so soft and feel pain again. No thanks.

"Just give me one more chance, Jessie, please." Umiling ako at sarcastic na tumawa. I want to, Luhan. I want to. But my insides are saying no.

"No. Thanks. I gave you a lot of chances already but you just threw all these chances away like its just a dirt you don't need in your life." I managed to say. Bumuntong hininga siya at sumagot, "Yes. O.K. You did gave me chances pero alam ko bang 'yun na 'yung tsansa ko? Alam ko bang 'yun na ang oras ko? Hindi. Now, I'm asking for a chance na alam nating parehas. Na tayong dalawa ang involved."

Ako naman ang umiling sa kanya, "So you're saying kung sabihin kong mahalin mo ko, Mamahalin mo ako? At kapag sabihin kong kalimutan mo siya, gagawin mo? You're saying ngayon na gagawin mo ang lahat ng sasabihin ko? Tama ba?" Hindi siya sumagot. But i'm taking yes for an answer.

"Then, I'm telling you to leave me alone. I can't anymore hope, try and get tired. Not again." It was a lie. What I'm trying to do? I want him to think he's out of my life and that way, we'll figure out if its a yes or a no.

Sabi nga diba, let her go and you'll know you love her.

"Hello? Helloooo? Kanina ka pa nakahiga diyan, ah. Hindi 'to hotel, pinapaalala ko lang." She's Chesca. Ang babaeng tinutukoy ni Aiden na kaibigan niya.

"You look so broken-hearted. Bakit? Binasted ka na ba ni Den?" Napakunot ang noo ko, "Den?"

"Duh, Aiden. Den. Wala ba kayong personal nicknames tulad namin? Sed nemen neh?" And with that, she left the room.

Napagisipan kong dito na lang muna manatili at hindi sa kung anong engrandeng hotel na inayos na sa akin ni Mama at ng pamilya ni Aiden. Mas maganda kasi rito, may makakasama ako at mukhang mas at home.

Binuksan ko ang laptop ko at pumunta agad sa facebook para sumilip lang kung ano nang ganap kina Mina at sa Pinas. Laking gulat ko nang magpop-out ang chat na galing kay Janey.

Janey: hoy! Nasan ka? Wala kaming matuluyan heeeelp

Sineenzoned ko muna siya at chineck ang profile niya. At sa timeline niya ay nakita ko ang uploaded photo 1 day ago: Yey! Hello Cali! Goodbye muna, PH!

Marami pa ang likes at comments dahil kasama nito si Kai. Nakita ko pa ang ilang comments dito:
Sino po kasama niyo ate janey? Sino po ang third wheeeel?!

Ililipat ko na sana ng site nang magreply siya. Nasa pinakadulo ang comment niya kaya kitang kita ko agad: Si Luhan! Gusto niyo ba ng fansign? Hahahahaha sorry di sya pwede nakakunot ang noo e! Bawal magpic ang sad! @luhan diba?

Ti-nag pa niya. Nirefresh ko ang profile niya sa hindi ko malamang dahilan.
Uploaded 3 secs ago: Smile na Luhan!

Stolen picture ito ni Luhan na nakaupo sa sofa habang naka earphones at nakikinig sa music. Hindi ko pa maiwasang tingnan ang photobomber na nasa likod niya, isang babaeng nasa hagdanan at naka posing pa.

Kasabay nito ay ang pagbukas ng pinto ng kwarto. Obviously its the jealous, Chesca. Ibinaling ko na lang muli ang tingin ko sa laptop nang mapansin kong parang may mali. Parang...

"Uy may naghahanap sayo sa baba. Medyo magkamukha kayo. Kambal mo?" Napatingin ako sakanya at sa photobomber sa stolen photo ni Luhan. Si Chesca ang photobomber! Nasa bahay na 'to sila Janey! Meaning? Stairs and walls away lang din si Luhan...

Nakakaloka. Pilit kang lalayo pero pilit din kayong pinagtatagpo ng tadhana. Love is indeed, a virus. Can't be avoided. Can't be easily cured.

Tried and TiredTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon