EPILOGUE

1.7K 59 18
                                    

EPALOGS

Kumalas si Aiden sa pagkakayakap namin at hinawakan ako sa magkabilang balikat ko.

"Jessie, makinig ka. Hindi sa lahat ng pagkakataong napapagod ka, eh, susuko ka na. Minsan akala mo lang napapagod ka na hindi mo alam na nawawalan ka lang pala ng pagasa. Pero tignan mo, open your eyes, Jessie. 'Yung pagasang akala mo wala na, isang maling akala lang talaga." He pulled away at sumakay ng kotse.

"Huwag ka nang sumama. Ako na lang." Hindi na ako umangal. Pinanood ko nalang na umandar ang sasakyan at maiwan ako rito, wala nang takas sa realidad. Kay Luhan.

"Jessie." Hinarap ko siya.
"Luhan." Nakatungong sabi ko.
Lumapit siya at inalalayan ako papasok sa bahay.

"Jessie," muli niyang panimula.
Tinignan ko lang siya, handang makinig muli sa mga sasabihin niya. Ngayon, wala na akong pakialam kung positive o negative ang sasabihin niya. Wala na akong pakialam basta marinig ko lang ang sasabihin niya at malaman na kung mayroon ba o wala.

"Jessie, uulitin ko, IKAW ang pinili ko. Ikaw. Ikaw. Ikaw. At handa akong ipakita at ipapaniwalang totoong ikaw talaga at wala nang iba." Hinintay ko lang siya. Nakikinig ako, Luhan. Ituloy mo lang. Nagulat ako nang ilabas niya ang cellphone niya at inaabot sa akin. Naguguluhan ko naman itong kinuha mula sa kanya.

"Tawagan mo si Mina." Nang sabihin niya ito ay naliwanagan na rin ako. Tumanggi ako.

"Jessie, please." Tumanggi pa rin ako.

"Please.." Hinawakan niya ang kamay ko at cellphone niya. "Call her."

Bumuntong hininga ako at saka binuksan ang cellphone niya at pumunta sa contacts. Hinanap ko ang pangalan ni Mina pero hindi ko ito mahanap.

Tinignan ko siya, "Walang Mina?" Sa ilang segundo ay kinabahan ako. Papaano kung iba pala ang pangalan ni Mina dito? Paano kung ngayon ko pa matuklasan ang ideal endearing nila?

Kinuha niya ang cellphone at iniscroll ang contacts. Tumingin siya sa akin, "May number ka ba niya? Wala pala kong contact sa kanya." Tila nahihiya pa niyang tanong. Sa totoo lang, gusto ko nang ngumiti. Pero pinigilan ko ito. Kinuha ko ang cellphone ko sa bulsa ko't finorward kay Luhan ang number ni Mina.

Nang nasa akin na uli ang cellphone niya ay tinawagan ko na.

CALLING. Ini-speaker pa ito ni Luhan.

"Hello? Sino to?"

"Si Luhan 'to." Silence.

"Ah, kamusta? Anong balita?" Pagtatanong ni Mina.

"Tumawag lang ako para ipaalam sayo na si Jessie ang pinili ko." Kinabahan ako nang hindi agad sumagot si Mina. Baka pinagloloko lang pala nila ako. Baka may nagaabang na sorpresa na naman itong si Luhan.

"HAHAHAHAHAHA! Bravo! Ngayon mo lang naisip 'yan? I'm happy for the both of you. Double date minsan!" Laking gulat ko nang i-end lang bigla ni Luhan ang sabay binitawan ang cellphone at hinawakan ang magkabilang kamay ko at hinalikan ito. "Please, maniwala ka. Please, trust and believe me." Hinawakan ko rin ang mga kamay niya at nagtagpo ang mga tingin namin.

"Luhan,"

"No, Jessie. Call me selfish pero hindi valid ang reason na pagod ka na. Kung pagod ka, edi sige. Ngayon na ngayon, magpapabook tayo ng flight kung saan makakapagrelax ka at mawawala 'yang pagod mo. Araw-araw ipagluluto at susubuan kita. Araw araw kong ipapapaniwala sayong IKAW talaga. Araw araw kong ipararamdam sayo na ikaw ang priority ko na hindi ka second option. Kahit na gaano ka na kapagod, handa akong gawin ang lahat maging malakas ka ulit at tatayo tayong sabay. Jessie, handa akong mapagod nang mapagod nang mapagod para sayo pero hinding hindi ako susuko. Mapapagod lang ako pero kahit anong mangyari, tatayo pa rin ako at hihintayin ka. Jessie, sorry. Sorry kung late ko na narealize. Sorry kung pinaghintay at pinagod pa kita." Binitawan niya ang mga kamay ko at hinawakan naman ang magkabilang pisnge ko at tinitigan ang mga mata ko pababa sa labi ko.

"Luhan," Tinakpan niya ang labi ko gamit ang hintuturo niya.
"Wala kang dapat i-explain. Is it a yes, Jessie Jung?" Tumango ako. "Yes. I'm giving you another chance. Sana this time, maayos na."

Ngumiti siya nang nagpakalaki-laki at mahigpit akong niyakap. Pagkatapos ay ibinalik niya ang pagkakahawak sa magkabilang pisnge ko at onti-onting lumapit ang labi niya sa labi ko. Ngumisi siya at kinurot ang magkabilang pisnge ko at saka ako niyakap ulit.

"Hihintayin ko yung sinabi mong magpapabook ka na ng flight at magrerelax tayo ah?" Tumawa siya habang yakap-yakap pa rin ako.

"Oo, tsaka yung lulutuan at susubuan? Gusto mo ako na rin magpapaligo sayo?" Hinampas ko ang pwet niya.

"Baliw ka!" Tumawa siya.

"Sayo." Kumalas siya sa pagkakayakap sa akin at hinila niya ako papalabas. "Treat ko, Mcdo. Pambawi sa mga nagawa at nasabi ko sayo." Tumawa na lang ako. Yes, I gave him a chance kahit na napagod na ako. Hindi naman kasi porke pagod ka na, eh isusuko mo na diba? That's why second, third, fourth or million chances exist.

AUTHOR'S NOTE
Akalain niyo 'yun? Happy ending? Dapat talaga sad ending yan or open ending eh hahaha pero may puso naman ako at gusto ko silang magkatuluyan. Pero ayun, sorry ang fast paced na niya. Ayoko na kasing ipagdusa si Jessie at baka pati ako mapagod na charot! At ayun, dapat talaga may sequel 'to entitled Forever or Over kaso ayoko na wala naman kasing forever baka mag break sila sa 23. Hahaha!

Meron akong bagong medyo heartbreaking story at about one sided love ulit pero this time, sa mag ex na. Hoping for your support din sa new story ko! Oh and, magkakaroon ng story si Aiden at Chesca pero i decided na idraft muna siya para hindi na maulit yung maghihintay yung mga nagbabasa hehehe. Thank you sa mga readers na todo ang antay at comment dito! May mga pamilyar na nga sa akin dito dahil kadalasan sila ang comment nang comment hehe.

Hi hellweeks! Siya nga pala yung kaisaisahang naispoil ko sa tried and tired pero hindi naman natuloy yung mga naispoil ko hahaha.

Tried and TiredTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon