Tried and Tired

12.5K 201 37
                                    

Poster by: exowhaddup
"Pag bali-baliktarin mo ang salitang TRIED, mabubuo mo ang salitang TIRED. Dahil minsan, sa kasusubok, mapapagod ka rin."

PROLOGUE

Sinubukan kong intindihin. Sinubukan kong tanggapin. Sinubukan kong itago.

'Yun ako, eh. Mahilig akong sumubok ng mga bagay-bagay. Hindi ko naman alam na darating sa point na susubukan ko namang baliwalain ang lahat.

Sa kakasubok, namalayan ko nalang.. pagod na ako.

Nakakapagod pala noh? Nakakapagod ang panoorin ang taong mahal mong nagmamahal ng iba.

"Loving someone who doesnt love you back is like hugging a cactus. The tighter you hold on, the more it hurts." Una kong tinweet. Hindi naman niya ako fina-follow kaya malamang hindi niya 'to makikita. Tsaka, ano naman kung makita niya? Hindi naman niyang malalamang siya ang lalaking tinutukoy ko dito. Isa lang naman akong Jessie Jung, kakambal ni Janey Jung na pilit na niyang kinakalimutan.

"It hurts the most to see the one you love loves someone else." Pangalawa ko namang tinweet. Ang sarap sarap talagang magdrama sa twitter. Lalo na kapag hindi ka niya finafollow. At least mailalabas mo ang lahat ng sama ng loob mo. 'Di ba? Hindi ako sarcastic. Hindi ako bitter dahil hindi niya ako finafollow. Ano naman diba?

Isa lang naman ang finafollow niya eh. Isa lang ang sinusundan niya. Isa lang ang nakikita niya. At malamang, hindi ako 'yun. Masasabi kong magkamukha kami ng babaeng 'yun, magkaugali.. medyo. Parehas nga kami ng apelyido. Pero hindi kami iisang tao. Siya si Janey Jung, kakambal ko. Ang babaeng minahal at kasalukuyang minamahal ng taong mahal ko.

1 New Interaction - agad kong clinick ito pero madali ko ring isinara ang laptop ko nang makita ko kung sino ang nag reply sa tweet ko.

"@JessieJung Uy! Relate ako diyan, ah. Nandiyan ba si Kai?" hindi ko siya ni-replyan. Para saan pa? Alam ko namang ang pinakatanong niya ay "Nandiyan ba si Janey?" Dahil alam naman nating lahat na kung nasaan si Kai, nandoon rin si Janey.

"Uy! Relate ako diyan, ah" naalala kong reply niya. Nagtaka ako. Saan siya nakakarelate? Kaya binuksan kong muli ang laptop ko at tinignan kung saang tweet ko siya nagreply.

"It hurts the most to see the one you love loves someone else." Oh. So doon pala siya nakakarelate? Tama nga naman.

Parehas kami ng pinagdadaanan.

Ako, nakikita't pinapanood siyang mahalin ang kakambal ko. Siya naman, nakikita't pinapanood ang kakambal kong mahalin ang kaibigan niya.

Parehas kami ng pinagdadaanan at parehas kaming nagluluksa. Naisip ko, bakit kaya hindi nalang kami?

"Uy Jessie!" Nagulat ako nang makita kong nakabungad ang ulo niya sa pintuan ng kwarto ko. Hawak-hawak niya ang ipad niya.

"Halika!" Masigla niya akong hinila papalabas pero agad din akong nakawala sa hawak niya. "Bakit?" Pagtatanong ko. Himala kasi. Himalang ako naman ang nakikita niya.

"I need your help." naging seryoso na ngayon ang mukha niya. Tulong? Sa akin siya humihingi ng tulong? Ang alam ko.. siya si Luhan. Isa siyang Luhan.. siya ang tumutulong at hindi ang humihingi ng tulong.

Tinignan ko lang siya at hinintay na magsalitang muli.

"Tulungan mo 'kong makalimutan siya."

"Si Janey. Ang kakamabal mo."

Ang galing noh? Hihingi siya ng tulong.. sa kamukha pa ng gusto niyang kalimutan. Matulungan ko kaya siyang makalimot? O... sa huli, ako ang dapat na makalimot?

Tried and TiredNơi câu chuyện tồn tại. Hãy khám phá bây giờ