7 - Unpredictable

1.9K 78 15
                                    

Sorry andaming spaces. 'Di ko na naedit dito sa Wattpad eh haha. Comment x Vote!

Chapter 7

Kinaumagahan ay nakatanggap ako ng text galing kay Luhan.

"Jessie, can we talk?" ang laman ng text nito. Madali akong naligo, nagbihis at nagayos. Pero bago pa ako makalabas ng bahay ay napapikit muna ako ng matagal at huminga ng malalim. Magkikita na naman kami. Hindi ko na naman alam ang mga maaaring mangyari at hindi ko alam kung uuwi ba akong luhaan ngayon o uuwi akong may ngiting dala-dala. Hindi ko malaman kung bakit at paanong pumasok sa isip ko na uuwi akong luhaan. Is it possible?

Yes.

Because life is unpredictable. Hindi natin alam kung kailan tayo tatawa, iiyak o magagalit. Dadating nalang 'yan. Hindi natin alam kung hanggang kailan tayo lalaban at susubok. Dadating na lang bigla yung araw na susuko ka na. life is really, really, really unpredictable.

"Luhan?" Nakita ko kaagad siya pagpasok ko ng coffee shop kung saan napagusapan naming magkita at magusap. Maguusap kami? Ano naman ang paguusapan namin at bakit kailangang dito pa at bakit parang ang seryoso yata nito?

Tumayo siya at inalalayan ako paupo. How gentleman. Sinong babae ang hindi magkakagusto sa isang katulad niya?

"Ano bang paguusapan natin? Bakit parang ang importante yata?" Panimula ko. Kabang-kaba na ako. Gusto ko nang malaman ang paguusapan namin. Ni hindi ako nakapaghanda dahil walang-wala akong alam na kailangan namin pag-usapan. May mga iba akong naiiisip na maaaring ang paguusapan namin ngayon pero pinipilit kong tinatanggal ito sa isipan ko dahil sa totoo lang, hindi pa ako handa. Hindi pa ako handang malaman kung mayroon o wala ba akong pag-asa sa kanya.

How pathetic right? Parang ako pa ang lalaki sa amin. Ako ang naghihintay ng sagot kahit na wala naman akong tinatanong sa kanya.

Am I too desperate now?

Hindi naman 'di ba? Nagmamahal lang naman ako.. umaasa lang.. nangangarap lang. Umaasa't nangangarap ako. Ibig sabihin, alam kong pwedeng posible at hindi mangyayari ang ginugusto ko. Diba ganun naman? Kapag umaasa ka at nangangarap, alam mong mas malaki ang tsansa na hindi mo ito makukuha?

'Yon ang nararamdaman ko. But i'm a fighter. Kakayanin ko at tatanggapin ko ang kahahantungan nito.

Napabuntong hininga ako.

"Bakit ka kinakabahan?" Tumawa siya at ako naman ay parang tila taong nabunutan ng tinik.

"Gusto lang naman kitang makausap," mula sa pagkakayuko ay napataas ang ulo ko at napatingin sakanya. Bakit ako pa?

"Hindi naman kasi pwedeng si Janey ang kausapin ko dahil magdadrama lang naman ako at ang awkward naman no'n diba? Magdadrama ako sa dinadramahan kong tao." Tumawa muna siya. It was an awkward laugh. "H-hindi rin naman pwedeng si Mina..." mahina niyang sabi. Bigla akong naguluhan. Bakit at papaano napunta si Mina sa usapan?

"Bakit naman? Mabait naman si Mina.. actually, alam mo ba? Bestfriend ko siya," nagulat siya sa sinabi ko. Expected ko na ang magiging reaksyon niya dahil wala naman talagang nakakaalam doon. Tanging ako lang at si Mina.

"Nagtapos lang ang lahat sa 'min simula nung.." tumingin ako sa kanya pero umiwas siya ng tingin at tumingin nalang sa paligid.

"'Yung kay Janey ba?" Tanong niya nang magawa na niyang tumingin sa akin. Tumango ako at nakita ko ang pagbuntong hininga niya.

"I feel like everything's my fault," bumuntong hininga muli siya.

"Hindi ikaw ang may kasalanan noh." Simpleng sabi ko sakanya. Totoo naman eh. Hindi siya. Ako kasi. Ako ang nagpakilala kay Janey kay Kai at sa EXO kaya nangyari ang mga nangyari at nangyayari ang mga nangyayari ngayon.

Tried and TiredWhere stories live. Discover now