1 - Try

5K 123 18
                                    

Note: Ito 'yung nangyari sa 6 years na paghihintay ni Janey sa I'm Not Your Sasaeng Fan. Pero hindi na si Janey ang bida dito kundi ang kakambal niyang si Jessie. Pero kung hindi niyo pa nababasa ang INYSF, its alright. Hindi naman ito sequel ng story na yun. :)

Sinasabi ko, hindi ito humor. Haha! Madrama ang peg ko sa story na 'to. :) Sana magustuhan niyo and comment kayo okay? Hehe. Napansin kong sa INYSF gustong gusto niyo si Luhan. Dito kaya, ganun pa rin?

❝When you want something you've never had, you have to do something you've never done.❞ - unknown

Chapter 1

"Tulungan mo 'kong kalimutan mo siya." Nang marinig ko palang ang sinabi niya ay nanghina na kaagad ang tuhod ko. Sa mga oras na sinabi niya 'yan ay tila aso akong gusto nang tumakbo at iwan siya. Dahil alam kong 'pag manatili pa ako rito ay magiging mamon ako sa lambot. Magiging isa na naman akong masukista. Magpapakatanga na naman ako. Pero ano pa ngang magagawa ko? Minsan lang mangyaring siya ang lumalapit sa akin. Minsan lang ako ang makita niya. Nanatili ako sa harap niya at hindi na tinuloy ang pagtakbo at pagiwan sakanya dahil siya si Lu Han. Ang taong matagal ko nang patagong minamahal.

"T-tulungan? P-paano naman ah?" Nauutal ko pang tanong sakanya. Dahil minsan lang mangyari 'to. Ang kausapin niya ako. Ang humingi siya ng tulong sa akin. Dahil kadalasan, siya ang tumutulong. Kadalasan, ang kausap niya ay ang kakambal ko o di kaya ang mga kagrupo niya. Para sakanya, hindi ako nageexist. Dahil para sakanya, isa lang akong baliw na taga-hanga.

"Kailangan ko lang ng kasama. Ng kausap. Ganun lang naman, eh. Pwede mo ba 'ko tulungan do'n?" Seryoso ang mukha niya at halatang hinihiling niya na pumayag ako. Sino ba ako para tanggihan siya? Matagal ko na 'tong hinihiling. Syempre, hindi ko na palalagpasin pa.

"'Yun lang naman pala, eh. Sige! Game!" Pagsasangayon ko. Hindi naman masamang sumubok 'di ba? Sabi nga nila.. Try and try until you succeed. Well, sana nga 'yun ang mangyari at hindi Try and try until you get tired.

Kung hindi niyo pa ako nakikilala, magpapakilala ako. I'm Jessie Jung at may kakambal ako. Si Janey. Magkaparehas man kami ng mukha, magkaibang magkaiba naman kami sa tipo at ugali. Si Luhan naman ay ang matalik na kaibigan ni Kai, ang special someone ng kakambal ko--na minahal at kasalukuyang minamahal naman ni Luhan--ang taong mahal ko.

Kung tatanungin man ako kung sino ang mahaba ang buhok sa storyang ito, hindi ako 'yun kundi si Janey Jung. Dahil ang dalawang tao ang nagmamahal sakanya at sa akin.. ewan ko kung meron ba.

"Halika!" Natauhan nalang ako nang maramdaman ko ang pagdampi ng mga palad ni Luhan sa braso ko. Eto 'yung feeling na matagal ko nang hinihiling na maramdaman eh.. 'yung mahawakan ka ng taong minamahal mo. Palahim nalang akong napangiti sa sarili ko. Eto 'yun eh.

"Saan tayo pupunta?" Pagtatanong ko habang hila-hila niya ako sa braso ko.

"Ililibre mo ako!" Napatigil ako sa paglalakad. "A-ano?" Imbes na sagutin niya ang tanong ko ay tumawa lang siya ng tumawa, nakahawak pa siya sa tiyan niya.

"P-para kang baliw. Ano ba yan," pabulong ko lang na sabi. "Wait lang, kunin ko lang 'yung wallet ko--" pinigilan niya ako. Nahablot niya ang braso ko.

"Joke lang 'yun. Ako ang manlilibre sa'yo kasi may helper na ako!" Parang batang sabi niya. Natawa nalang ako sakanya. Helper? Kung hindi siya si Luhan baka nasapok ko na ang mukha niya. Pero wala eh, anong magagawa ko? Si Luhan ang nasa harap ko. Si Luhan ang tumawag sa aking helper ako kaya pagbibigyan ko.

"Hindi ka ba magagalit?" Pagtatanong niya habang sabay kaming naglalakad papunta sa pinakamalapit na Coffee Shop. Napatingin ako sakanya at napailing sa tanong niya.

Tried and TiredTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon