Chapter 44

698 20 7
                                    

ℒ𝓊𝒸𝒶𝓈 ℰ𝓁𝒾𝒿𝒶𝒽 𝒮𝒶𝓁𝓋𝒶𝓁ℴ𝓏𝒶

Protective

Have you ever been confused in your life?

Of course, you have!

Lahat naman kasi tayo nalilito. Nalilito sa mga bagay na nasa paligid natin. Nalilito sa ating sarili... Sa katauhan natin.

Siguro nga noon, hindi ko pa napapansin sa sarili ko. I just realized it when I was in high school.

Despite na halos lalake ang pinsan ko. Lalake rin ang kapatid ko. Pero napalapit ako kay Sky, sa babaeng pinsan namin.

Sa kanya ako kumportable. Hindi ko gawi ang trip ng mga pinsan kong lalake. They love basketball so much. Ako naman walang kahilig-hilig. Imbes nanonood ako sa PBA o NBA tournaments, doon ako kasama si Sky, dinadamitan at sinusuklay ang mga Barbie dolls niya.

Palagi kasi siyang umiiyak dahil puro kaming mga lalake at wala siyang nakakalaro. Ako na lang palagi ang nagvo-volunteer na makipaglaro sa kanya. Sa huli, nasiyahan ako kakalaro sa Barbie dolls niya. Maraming outfit na pwedeng pagpipilian na idadamit sa dolls. Pwede mo ring ayusin ang buhok niya. Hindi mo 'yan magagawa sa robots.

"Bakit walang lalakeng doll?" Kuryoso kong tanong.

"Mayroon kaya!" Sabi ni Sky. "Don't worry magpapabili ako kay Papa para may paglaruan ka kapag pumupunta kayo dito. Mukha ka kasing pervert na hinuhubaran ang Barbie dolls ko eh."

Napatingin ako kay Sky. She wiggled his brows.

Namutla ako sa sinabi niya. Seriously?

"Lucas!" Skylar grinned at me. Winagayway niya na ang lalakeng doll sa harap ko. "Ito ang Ken doll. Iyan na ang paglalaruan mo ha!"

I smiled at her. We all treated Sky like a younger sister. Unica hija siya kaya nagiging protective kami sa kanya.

Grade Six.

I entered an all boy school. Marami rin naman akong kaibigan. Kahit sa mga higher years sa school namin. And I have liked one of them.

His name. Jairus dela Vega.

Funny but true. I did have a crush on Jairus Vincent dela Vega.

Hindi ko alam paano nangyari. Maski ako litong-lito.

Matalino. He's also good-looking. I liked looking at his curly hair. Iyung ngiti, ang boyish tingnan. Palangiti. Friendly.

At first, I thought I just admired him. Sa kalaunan, I just found myself jealous when he brings her girlfriend to our school.

I was confused. Hindi ko alam kung ako ba talaga ako.

Pinilit ko pa ngang maghanap ng babaeng pwede kong maging crush. Marami namang naggagandahang mga artista at models. Unfortunately, I just found myself admiring them kasi ang galing nilang rumampa.

I remembered I was fond of watching Victoria Secret Angels. Parang gusto ko ring rumampa.

Hindi naman nakakabakla ang pagiging model, di'ba?

Naging conscious ako. Am I really a gay?

Isang araw sa school ay napatingin ako sa direction ni Jai. He's with his another girlfriend again. Napataas ako ng kilay nang huling-huli kong nag-P-PDA sila.

"Type mo?" Bigla akong inakbayan ng kaibigan kong si Krios.

Never would I admit that I'm crushing on Jai!

"No," tugon ko.

"Halatang type mo eh. Kanina ka pa nakatingin sa kanila eh," aniya at inakbayan pa ako.

HaywiredWhere stories live. Discover now