Chapter 25

615 20 5
                                    

Night We Spent Together

"Leave? Pwedeng sumama?" Jai kid.

Seryoso lang siyang tinitigan ni Luke. "No."

Napatingin si Jai sa akin. Ayan naman ang I-told-you-so look niya! Aniya kasi nagseselos si Lucas. Tinanong ko si Jai kung bakit, sinagot niya naman akong baka nagseselos dahil hindi na raw masyado kaming magkasama ni Luke. Baka nasa isip na raw ni Luke na si Jai na ang bago kong best friend.

Ang nabaw nga eh.

Natawa nga ako eh. May pagka-loko-loko rin 'tong si Jai. Although, alam kong nililibang lang 'nun ang sarili mula sa pangungulila.

"How long will you take her away?" Tanong ni Jai kay Luke.

Nakaupo lang ako sa isang gilid at nakikinig sa kanila. I know LaVega has always been a busy and prosperous company. Pahirapan ang leave. Tunay na mabait ang President Jairus dela Vega ng LaVega pero alam niyang sa oras ng sobrang pagka-hectic, no leave is allowed!

Sinabi ko ang concern na 'yun kay Luke. Bigla niya na lang akong hinila papuntang opisina ni Jai. Siya ang nagpaalam para sa akin.

"One week," matipid na sagot ni Lucas.

"No. Three days," ani naman ni Jai. Nawala na ang ngiti sa kanyang mukha at naging kasing-seryoso na siya ni Luke.

"Five days," hirit ni Luke.

Napabuntong-hininga si Jai. "I can only give her two days plus her day-off so only three days," ani Jai. "I need her."

"Four days," humirit pa rin si Luke.

"Sige na. Three days na lang," pagsagot ko para matigil na.

Ayun! Napagkasunduan na three days ang aking pagliban sa trabaho.

"Will you even enjoy in three days, Ruth?" Tanong ni Luke.

"Of course," ani ko sabay tango. "Saturday night after my work here, sunduin mo na lang ako. Didiretso tayo sa pupuntahan natin tapos para buong Sunday at Monday makaliwaliw tayo. Then, Tuesday night, uwi tayo."

It's settled. Sa Carles kami pupunta. Sobrang excited ako!

"Wear a red two-piece," utos sa akin ni Kaye.

"I don't wear two piece," sabi ko.

"Backless one piece, then."

"Not backless."

"One piece. Sige ang ang pinaka-conservative."

Binisita lang naman ako ni Kaye Montreal-Salvaloza. Tutulong daw sa pag-iimpake. Nalaman kay Lucas na aalis kami papuntang Carles. Tapos ang walang hiya, iniwan ang anak niya kay Tita Lucy!

"You should have brought baby Carrie here," sabi ko.

"Mag-iimpake tayo hindi babysitting," aniya. "Sige na. Bilisan na natin ang pag-iimpake nang makauwi na ako kay Carrie."

Then, Saturday came. Mabilis kong tinapos ang mga tatapusin sa araw na ito.

Nakatanggap ako ng text mula kay Lucas.

From Lucas:

Nakuha ko na ang mga dadalhin mo. I'll fetch you 7p.m. sharp.

I replied 'okay' then sent it to him.

Feeling ko tuloy, kami na. Iyung tipong nagbabakasyon kami together...

Damn! Snap out of it, Ruth! Stop imagining things!

"Hindi pa nga bumalik si Engineer Franco, pati ikaw, Architect?" Ani Molly. isa siya sa team.

"Mr. dela Vega will be with you. He will be your Engineer as well as your Architect as of now," sabi ko at nginitian sila. "I'll only be gone for two days. And dami niyo naman dito kaya kahit wala kami ni Engineer Franco ay kayang-kaya niyo 'yan."

HaywiredWhere stories live. Discover now