Chapter 27

574 26 3
                                    

Peace Of Mind

Nagpatuloy kami sa pamamasyal sa isla hanggang maghapon. Nang mag-alas kwatro, napagdesisyunan naming maligo sa dagat. Umoo na lang ako.

Pinapanood ko lang siya sa malayo habang ako naman ay nandito lang sa manabaw.

I watched his perfect silhouette. The orange setting sun is behind him as well as the colorful hues of the afternoon sky. Parang isang napakagandang painting o 'di kaya'y litrato. If only I have a camera right now with me, I should've already captured this moment.

"Ruth, 'lika!" Tawag sa akin ni Lucas.

"Malalim!" Sagot ko. Takot kaya ako. Malunod pa ako d'yan. Kahit anong gusto kong lumangoy, hindi ko talaga magawang matuto nito.

"Hindi. Abot mo pa rito," aniya.

I stood up. Hanggang tuhod ko lang ang tubig dito. Dahan-dahan akong naglakad papunta sa kanya. The more that I get to the deeper parts, the more I became cautious of my steps.

Hindi na siguro nakapaghintay, kaya siya na mismo ang naglakad papunta sa akin at hinawakan ako sa kamay.

"Dito na lang tayo," sabi ko. Hanggang dibdib ko na ang tubig. Malayo-layo na rin kami sa pangpang.

"Tuturuan kitang lumangoy," aniya.

Napangiti na lang ako sa kanya. "Baka mainip ka kakaturo sa akin."

"Hindi 'yan," aniya.

Isang oras niya akong tinuruang lumangoy. Kahit sa tubig, marahil ay pinagpapawisan ako. Unang attempt ko ay nalunod ako. Nakainom pa ako ng maalat na tubig.

Ikalawang attempt , the more I struggled, mas lalong lumubog ako.

"Mali ka kasi," napakamot ng ulo si Lucas.

Sa huli ay natuto rin ako... Well, partly. I manage to float on water. Ang problema ay kahit ano kong langoy, hindi ako umaalis sa kinalalagyan ko.

Humagalpak si Lucas.

"Okay na. Ayoko na." Sabi ko. Kaysa naman pagtawanan lang ako rito ni Luke.

"Hindi ka pa naman marunong eh."

"Pagtatawanan mo lang ako."

"Hindi tayo titigil kung 'di ka pa marunong."

Sa huli, natuto rin ako. Flutter kick nga lang. Pero atleast, sapat na 'yon para hindi ako malunod at maka-survive ako sa oras ng emerhensya.

Matapos nun ay bumalik na kami sa kanya-kanyang silid. Matapos kong maligo at magbihis ay agad kong dinampot ang phone kong naiwan dito.

Nanlaki ang mata ko nang nakita ang pangalan ni Rosanna dela Vega sa screen. Nakailang missed calls siya!

Kilala na ako ni Madame Rosanna dela Vega bilang kaibigan ng anak niya. She's in Manila. Siya roon ang namamahala ng mga kompanya nila kasama ang kanyang asawa at nakakatandang kapatid ni Jai. Si Jai lang naiwan dito sa Iloilo.

Sobrang kabang-kaba ako. Rosanna dela Vega is basically my higher boss. She might reprimand me or something!

Agad kong tinawagan ang numero niya.

"Thank god! Ruth, nasaan ka?" Tanong ni Madame Rosannang puno nang pag-aalala o galit? Hindi ko alam... Baka galit?!

"Madame, I'm on leave," sagot ko.

"Saan ka ngayon?!" Now, she sounds panicky. Pati ako natataranta rin. "How's my son? Maayos na ba siya?"

"Huh?" Napakurapkurap ako. "Nasa Carles po ako, ngayon. Maayos naman si Jai..."

HaywiredWhere stories live. Discover now