Chapter 12: At Fault

8.7K 282 19
                                    

Pagpasok ko palang sa mansion nina Ate Artemis agad akong sinalubong ng apat na cute na bata na nagsisimula palang matutong lumakad.

Wow may apat na pamangkin ako agad, grabe talaga mag biro ang tadhana. May instant Kapatid ako na umagaw sa crush ko noon tapos ngayon may apat na akong pamangkin at may dalawang Tatay pa. Buhay nga naman kung makapag biro masyadong hard. Tsk

" O Claire what happen?" Agad na bungad sa akin ni Ate ng makita niya ang pamamaga ng mata ko

He happened, that Jerk happen ate. Gusto ko sana sabihin sa kanya

" W-wala lang to Ate" sagot ko naman at ibinaling ang atensyon ko sa apat na bata

" No! You have a problem Claire, sa ayaw at sa gusto mo pag-uusapan natin yan" She said at tumayo papunta sa kung saan ng walang paalam

Matapos akong iwan ng magaling na Ina ng apat natu, napag desisyonan ko na lamang na sumalampak pa upo sa sahig..

" Babies alam niyo ba na sinaktan ako ng linta niyong tiyuhin?" sabi ko sa kanila

At parang matatanda naman na nakinig ang tatlo pwera nalang kay Feyann na humiga sa Baby playmat at tinalikuran ako, okay wala siyang paki.

" Ang sakit sakit eh. Kung kelan tanggap ko na sa sarili ko na mahal ko na siya tsaka naman niya ako sasaktan ng ganito. I remembered him already at handa na sana akong sabihin yun sa kanya. Pero what did he do? Mas pinili niyang pairalin ang pagiging makati niya!!" talak ko habang pilit na pinupunasan ang mga luhang sunod sunod na tumulo mula sa mga mata ko

Letse akala ko wala na akong maiiyak pa dahil naiyak ko na kanina habang papunta kami dito ni Baby Dave kaso ito meron pa pala. Shit!! That jerk doesn't deserve my tears bwesit siya mamatay na sana siya argh!!

" Bakit ba kasi sa damuho pa na yun ako na inlove? Pwede namang sa iba nalang, kaso itong bobo kung puso siya ang pinili kaya ito ngayon, broken hearted ako. Kaloka!! Ang sarap magmura!!" tuloy ko sa pagtalak ko

Bwesit talaga siya bwesit!!! Argh!! Mabaog ka sana Claint!!

" Makikita ng Claint na yun, mag mo-move on na ako sa kanya. Kakalimutan ko ng mahal ko siya! Makikita niya!!" patuloy ko pilit na pinapaniwala ang sarili na makaka-move din ako sa hinayupak na yun

Magsasalita na naman sana ako uli ng may pumalakpak sa akin

" Wow Claire napatulog mo ang makukulit kung anak" Ate Artemis said at para bang amaze na amaze siya

Pagtingin ko sa tatlong bata na kaninang kausap ko, nakahiga na pala siya at nakatulog na. Grabe ah tinulugan ba naman ako.

" Alam mo bang kanina pa ako nahihirapang patulugin silang apat? Tapos ikaw wala pang ilang minuto tulog na agad ang mga anak ko. Anong ginawa mo sa kanila?" Ate Major said at inayos ang pagkakahiga ng apat

Wala akong ginawa sa kanila. Bwesit ganito na ba ka boring ang buhay ko at pati batang walang alam nakakatulog dahil sa kaboringan ng pinagsasabi ko?

" Ngayong tulog na ang Apat let's go to the pool area at pag usapan natin yang problema mo" Ate Artemis said

" Paano to?" Tanong ko sa kanya aabay turo sa mga bata na natutulog

" Sina Butler Santos na ang bahala sa kanila" she said at hinila na ako patungo sa pool

Pagdating namin sa may pool area, pina upo ako ni Ate sa isang picnic mat na inilagay doon.

" Now speak" she said ng maka upo kami

" Nahihiya ako ate" sagot ko naman

Tinaasan lang ako ng kilay ni Ate at napatangu tango. Ibang iba na talaga si Ate Artemis ngayon. Napakalayo na niya sa Major Roswell na una kung nakilala noong nasa Palawan ako.

Babysitting The Hot Jerk  ( C O M P L E T E D)Where stories live. Discover now