Chapter 13: His Missing

8.8K 283 22
                                    

Isang buwan na ang nakalilipas magmula ng huli kaming magkita ni Claint. I miss him so much and kahit na sabihin niya pa sa aking nakipag date talaga siya sa mga babaeng yun matatanggap ko parin siya.

Martyr na kung martyr pero for the whole month na wala akong balita sa kanya mas lalo ko siyang minahal. Ewan ko ba kungg bakit sadyang baliw lang ata talaga ako

" Anak can I have a bite on that chocolate chip cookies,please?"

Isa pa tong makulit eh. Kung di ko lang to ama naku!!

" Daddy chocolates are not good for your health, and don't pout at me Dad because I will never let you eat even a tiny bite" pangangaral ko sa Tatay ko

" Ayan makinig ka sa bunso mo, Daddy" singit naman ni Ate habang kumakain ng chocolate chip na gawa ni Lola- Lola ni Ate Artemis

Si Ate lang ang dumalaw kay Daddy ngayon dahil wala sa mood ang mga pamangkin ko na lumabas ng bahay sa kadahilanang ayaw nila sa snow kaya ayun naiwan sila kay Lola, ewan ko ba sa mga yun kebabata palang ang lalakas na ng trip sa buhay.

At dalawang linggo palang pala ang nakakaraan mula ng maka recover si Daddy. Buti nalang minor heart attack lang due to stress ang nangyari sa kanya at buti nalang din naagapan agad.

Di ko mapapatawad ang sarili ko kung merong nangyaring masama sa Tatay ko. Hindi ko man siya nakasama buong buhay ko, pero Tatay ko pa rin siya. Laking pasasalamat ko talaga kay Papa na ginising niya ako ng maaga sa katotohanan.

" Fine" naka pout na sabi ni Daddy

" Dad wag kanang magpa-awa please" I told him

" Princess slow down with your tagalog words. Remember that this old man can't really understand tagalog that much" Daddy said

" Hahahahahaha" natawa nalang kami ni Ate sa mukha ni Daddy na parang na-e-alien sa salita namin

" Ay siya nga pala Sis, kailan mo gusto mag celebrate ng birthday mo? Isang buwan ng delay Ang celebration mo" sabi ni Ate

Maka delay naman to si Ate parang regla lang hahaha pero oo nga no? Dumaan na pala birthday ko? Di ko namalayan. Na busy din kasi ako sa pag aalaga kay Daddy, hindi naman kasi pwede si Ate. Every other week lang sila dumadalaw kasama ang quads dito and after three days balik Pilipinas na naman sila.

" We should celebrate My Princess, this will be your first birthday that I will be attending" sabi ni Dad

Hihindi pa sana ako kaso nagi-guilty ako sa mukha ni Daddy. Parang sabik na sabik siya. Ikaw ba naman mangulila sa anak na ni minsan hindi mo nakita dahil pinoprotektahan mo.

" If that's what you want Daddy, we could celebrate my birthday anywhere you want" I told Daddy at hinawakan ang kamay niya.

" Thank you My Princess. How about the day after tomorrow? Or Next week so that we can invite your Papa and his girlfriend? What do you think?" tanong ni Daddy

" That's a good idea Daddy, I can't also wait to meet my future-mama-in law" Excited kung sabi

"How about you Daddy when will you have yourself a girlfriend?" I tease Daddy na i-kinasimangot ng Tatay ko

" That's what I'm asking him for years now sis, ewan ko diyan kay Daddy masyadong pihikan sa babae" sabi ni Ate

" Hanapan kaya natin Ate? Para may Mommy din tayo" sabi ko

" That would be a great idea, sis" sabi ni Ate

" You two are making fun of this old man" sabi ni Daddy sa amin habang nakasimangot

Babysitting The Hot Jerk  ( C O M P L E T E D)Waar verhalen tot leven komen. Ontdek het nu