Chapter 15: Fooled

9.4K 281 48
                                    

" Saan daw siya ngayon?" tanong ko kay Miss Ella

Kanina pa lumapag ang eroplanong sinasakyan namin dito sa Airport ni Claint na nakabased sa Tanzania.

At kanina ko pa din gustong umalis na dito pero nakalimutan pala ni Miss Ella na kunin kay Claint ang address niya dito sa Africa dahil narin sa pagmamadali

" I got his address Madam, well go now if you want" sagot niya sa akin

" Pwedeng Claire nalang Miss Ella? And yes will go now" sabi ko sa kanya

" Okay Claire, you can call me Chris" sabi niya

" Okay Chris, punta na tayo?"

" Napaghahalataang miss niyo na si Captain" sabi niya

Namula naman ako sa sinabi niya. Oo totoong namimiss ko na talaga si Claint and I am excited as hell to meet him again and I really hope that he feels the same way.

Nang makarating kami sa subdivision kung saan ang bahay na tinitirhan nina Claint, nag pa iwan lang sa labas si Chris kasama ang piloto namin na si Captain Law na naging instant driver din namin pero infairness to him gwapo siya at bagay sila ni Chris yun nga lang sinusungitan ni Chris si Law sa hindi ko malamang dahilan, kaya ako nalang ang pinapasok nila sa gate at pinakatok sa maindoor

" Walang matinong taong nakatira dito kaya tsupe!!" bungad sa akin ni Tommy pagkabukas niya ng pintuan at may hawak pa talaga itong feather duster

Baliw-baliwan na naman ang trip ng batang to porke't wala dito ang mahal na reyna niya na si Dave at pinapabayaan lang siya ni Luther sa kabaliwan niya

" Trip mo Tommy?" sabi ko sa kanya na ikinagulat niya, nakayukong hawak hawak niya pa ang dibdib niya na parang hulat na gulat talaga

Kapre kasi kaya hindi ako agad nakita. Pasalamat siya hindi ako ganun ka sensitive sa height ko

" Oy ikaw pala yan Ate, welcome ka dito sa bahay kasi baliw ka ring kagaya ko!! Come in come in Mwahahaha meiiadglfylckg rin ako bwahahahaha" Sabi niya at parang may ibinulong pa siya bago tumawa na parang mangkukulam

Ano na naman kayang kabaliwan ang pumasok sa utak ng lalaking to.

" Ikaw lang ba mag isa dito? Saan si Claint at Luther?" tanong ko ng bumungad sa akin ang napakatahimik na bahay

" Andiyan lang sa tabi-tabi si Sweetheart, and as for Honeypie. Sorry Ate hindi ko siya napigilan" sabi niya at parang ang lungkot ng boses niya

Shit!! May nangyari bang masama kay Claint?? Nauna ba siyang umakyat? O umakyat siyang mag isa?

" Anong nangyari Tommy?? Please anong nangyari kay Claint, sabihin mo sa akin!!" nagpapanic kung tanong sa kanya

" Hindi ko siya napigilan Ate, pasensya niya" sabi niya sa akin

" Shit Timothy!! Sabihin mo sa akin kung anong nangyari kay Claint!!" sigaw ko sa kanya

No!! Hindi pwedeng may mangyaring masama sa kanya!!

" Ikakasal siya ngayon sa anak ng Lion King, Ate" malungkot na sabi niya

Babysitting The Hot Jerk  ( C O M P L E T E D)Where stories live. Discover now