Chapter 17: Shotgun Wedding

10K 268 50
                                    

" Bakit ka nagluluto, Honeypie?" parang batang tanong ni Tommy kay Claint habang nagluluto ng agahan namin

" Bawal?" nakataas ang kilay na sagot ni Claint kay Tommy

" Sungit!! Hmp!" sabi ni Tommy at tumabi nalang ng upo sa akin

" Ate Claire bat ang sungit niyang fiancé mo?" tanong niya sa akin at inagaw ang iniinum kung kape

" TIMOTHY!!! That is KC's coffee mag timpla ka ng sayo" nakasigaw na suway ni Claint kay Tommy

" Ate o si Honeypie" sumbong naman sa akin ni Tommy

Diyosko po, kung si Tommy pa nga lang na isip bata ang ingay na ng bahay paano pa kaya pag anak na talaga namin? Puputi ata talaga ng maaga ang buhok ko

" Claint okay lang ibigay mo na sa kanya" parang Nanay na sabi ko

" Bleeeeeeh" Tommy

" Putulin ko yang dila mo eh" Claint

" Ate oh" sumbong na naman ni Tommy

Diyosko po mababaliw na talaga ako sa dalawang to. Lord sana naman po kahit konti lang kung magkaka anak man kami ni Claint makuha niya naman ang katinuan ko kahit 50 percent lang okay na ako doon. Natatakot tuloy akong magbuntis

" Morning" bati ng kakapasok lang na si Luther sa amin

Nagtitipid na naman siya. Masipag naman yang si Luther eh kaso nga lang tamad lang talaga siya magsalita ewan kung ano trip niya buti nalang nagkaka-intindihan sila nitong si Tommy

" Good morning sweetheart!! Kumusta ang alikabok sa labas?" maligalig na bati ni Tommy sa bestfriend niyang kabaliktaran niya

" Tsk" tanging sagot ni Luther sa kanya at umupo na sa kaharap na upuan ko

" Hala naputol na naman ang cord ng dila ni Sweetheart, Ate tulungan mo Nurse ka naman" sabi ni Tommy sa akin

" Kaninong cord ng dila ang naputol? O good morning humans" singit ni Law na kakapasok lang

" Good morning" sabay naming sagot ni Tommy sa kanya

" Morning Captain, chef ata tayo ngayon ah" bati niya kay Claint

Hindi pinansin ni Claint ang sinabi ni Law..

" Saan ang girlfriend mo?" tanong ni Claint kay Law

" Girlfriend? Wala pa ako nun dito sa Tanzania, Captain..naghahanap palang pero kung sa Pilipinas syempre nasa mga bahay nila" sagot niya habang kumikindat kindat sa akin

Kaya naman pala inis na inis si Chris sa kanya, babaero din palang kagaya ni Claint noon. May lahing linta din pala ang pilotong to, I wonder kung lahat ba ng piloto babaero? Pero infairness may future and dalawa, nakikita ko sila sa amin ni Claint noon

" Hindi Kuya Law ang ibig sabihin ni Honeypie saan si Ate Head Steward, diba future wife mo yun?" Tommy said

Bilib din ako sa taong to, kahit na isip bata at may pagkabaliw. Napaka galang parin. Wag mo nga lang galitin kasi nakakatakot pag si Tommy ang nagalit, hindi ko pa man nakikita sa personal na nagalit si Tommy pero si Baby Dave na mismo nagsabi sa akin and she let me promise to her that I would never tell a soul to anybody that she's afraid when Alexander Timothy is mad

" Ang amasonang ulo na yun? Hindi ko yun future wife ano, ayaw ko pang mabaog ng wala sa oras" sabi na Law na parang kinikilabutan

Babysitting The Hot Jerk  ( C O M P L E T E D)Where stories live. Discover now