Chapter 20: Philippines

10.5K 315 20
                                    

" Fasten your seatbelt everyone specially my Angel, where going to land this baby" I heard Claint's voice from the cockpit

" Favoritism" ungot ni Tommy at naghalukipkip pa talaga sabay irap sa speaker hahaha parang bata talaga

Kami lang tatlo nina Tommy at Luther ang pasaherong laman ng Wangu plane ngayon dahil si Chris at Law ay nasa eroplanong dinala ni Claint noon papuntang Tanzania..

So in short Law is the one flying the Captain America while my husband is flying this Wangu Plane. Ang weird lang ni Claint pangalanan ba naman mga eroplano niya. Paano pa kaya pag anak na namin pinangalanan niya

At kaya namumutok ang butsi ng lalaking baliw natu dahil pinaasa raw siya ng asawa ko. Nag promise raw kasi ito na siya ang magpapalipad ng Captain America pag uwi kaso dumating ako at dala ko ang Wangu plane kaya binawi ni Claint ang sinabi niya at hindi niya hinayaang si Tommy ang magpalipad at baka kidnappin na naman raw nito ang Captain America niya at dalhin na naman sa kung saan.

" Isusumbong ko kayo kay Mahal na Reyna inaapi niyo ang gwapong si ako" Tommy

" Geh mangarap kapa" natatawang sabi ko sa kanya

" Che!! Di tayo bati Ate!!" sabi niya sa akin at inirapan ako

" Okay sasabihin ko kay Dave na inaaway mo ako tapos sasabihin ko sa kanya na never ka niyang sasagutin as in ever" sabi ko

Agad namang nanlaki ang mata niya at nag beautiful eyes na lumapit sa akin

" Alexander Timothy, seatbelt" suway sa kanya ni Luther ng tanggalin niya ang seatbelt niya

" But" parang bata niyang sabi

" No buts" yun lang ang sagot ni Luther at bumalik na sa pagbabasa ng dala niyang libro

" Ate Claire naman eh" naka pout niyang sabi sa akin

" Di tayo bati diba? So don't talk to me" mataray kung sabi

" Ate naman!!" parang bata niyang ungot

" Magdusa ka" sabi ko sa kanya

" Ateeeeeeee!!!" nagpapadyak niyang sabi

Hahahaha peste nakakabaliw ang kabaliwan natu ni Tommy, sarap niyang ipakain kay Tweety

" Bati na tayo!! Sige na sige na waaaaaaaah!!" umatungal ng iyak si Tommy at infairness ang sakit niya sa tenga

" Oo na oo na bati na tayo magtigil kalang diyan, argh sarap mong itapon sa labas ng eroplano" sabi ko sa kanya

Bwesit lumabas ata lahat ng tutuli ko..

" Yeeeeeeeey" parang batang sabi niya

Ang bilis mag change ng mood ng taong to para lang buntis. Wait? Speaking of buntis.. We've been doing it almost everyday —and I can't help but blush everytime I remember our Kitty time— this past three days and I am fertile during those days even today, oh shit gosh!!

Pero teka? Handa naba akong magbuntis? Am I capable of being a mother? Oo mahilig ako sa mga bata at mataas ang pasensya ko sa kanila pero anak ko na ang pinag-uusapan dito. It's my child and I don't know if I could handle it well.

Ang anxiety na nararamdaman ko kanina, ngayon ay mas na triple pa. Will I be a good mother? Alam ko ba kung papaano maging ina?

" Welcome to the Philippines!! Air Angel Airline is happy to serve you. Magandang paglalakbay"

Rinig kung sabi ng speaker pero hindi boses ni Claint ang nagsasalita doon, boses babae ito? Teka wala namang ibang kasama si Claint sa cockpit ah?

Babysitting The Hot Jerk  ( C O M P L E T E D)Where stories live. Discover now