Chapter 8: His Confession

9.2K 276 19
                                    

Isang linggo na ang nakakaraan since Papa's mind-blowing-earth-shattering confesion tungkol sa pagkatao ko. Dumaan na din ang blue moon at nakakalakad na ang dakilang linta na hindi ko alam kung na overdose ba o sadyang may saltik lang at tinatarayan ako.

At ngayon nga ay kami nalang dalawa, nalang ang naiwan sa islang ito. Sa kadahilanang kailangan ko pa siyang alagaan ng isang buwan bago siya maka recover ng talaga.

" Master Claint saan ka na naman pupunta? Hindi ka pwedeng lumabas ng bahay at baka maabutan ka na naman ng pagkahimatay sa kung saan" I told him

Isa sa mga side effect ng gamot na ipina- inum ni Baby Dave sa Kuya niya ay ang mahimatay nalang bigla. Noong una nga halos magpanic na ako sa sobrang kaba buti nalang andito pa sila Baby Dave nun at inexplain sa akin kung bakit ganun ang nangyayari kay Claint.

" Paki alam mo naman" mataray niyang sabi

Yan!! Yan ang sinasabi ko!! Ang taray taray ng lolo niyo at parang nag-p-PMS lang..

" Syempre may paki alam ako sayo, nangako ako kay Baby Dave na aalagaan kita at hindi ko ugaling pumako sa isang pangako. Kaya makinig ka sa akin kung ayaw mong itapon kita sa dagat kapag nahimatay ka" mataray ko ding tugon sa kanya

Mamili siya ng taong tatarayan niya. Kasi kung siya mataray aba ako ata ang reyna. Bwesit natu!! Nakuuu!! Makita niya kapag nahanap ko na si CC siguradong who you sa akin tung hudyo natu

" Talaga lang ah.. Hindi ka pumapako sa pangako mo? Sino niloloko mo? ako?" Siya

Aba't inu ubos talaga ng hampas lupa natu ang natitirang pasensya ko ah.

" Hindi naman talaga ah? Hindi ako kagaya mo!!" sabi ko sa kanya

" For your information Miss Paasa, hindi ako yung nakalimot sa pangakong binitawan niya. Umaasa ako ng labing walang taon sa pangako mo--" hindi niya na natapos ang sasabihin niya ng bigla na lamang siyang nahimatay

Ano daw? Miss Paasa? Ako?? At paanong naging paasa ako? Kelan ko siya pinaasa?

At ano yung pinagsasabi niyang umasa siya ng labing walong taon sa pangako ko? Pangako ko kanino? Argh!! Sarap mo talagang itapon sa dagat Claint!! Bwesit ka talaga!!

" Nakakainis kang lalaki ka!! Akala mo hindi ka mabigat na kapre ka pwes akala mo lang yun" talak ko habang hinihila siya gamit ang paa niya papunta sa sofa na nasa malapit

" Tapos kung magsalita kapa parang anlaki ng naging kasalanan ko sayo. Ikaw tong malanding paasa tapos sa akin mo ituturo" talak ko parin

Walang makakapigil sa pagtatalak ko ngayon. Kami lang namang dalawa sa malaking bahay natu..

" Ewan ko ba kung bakit tumitibok ng abnormal tung puso ko para sayo. Bwesit ka kasi eh dinapuan mo ako ng virus kaya na a- abnormal na rin tuloy ako" ako

Padabog kung binitawan ang paa niya.. Dahil hindi ko naman siya magawang kargahin pahiga sa sofa. Umupo ako sa tabi ni at pinasadahan ng tingin ang buong mukha niya

" Alam mo Claint gwapo ka sana eh, may yummy kang katawan at medyo responsable naman. Pero ang kinaiinis ko sayo ay yang pagiging vain at malandi mo. Tanggap ko pa na vain ka pero yang kalandian mo ewan ko pero umiinit talaga ang ulo ko.. ang sarap mong sakalin eh" talak ko parin sa kanya

Ang tangos ng ilong niya, yung mga pilik mata niya ang hahaba and those lips ang ganda ng pagkaka-kurte

" Bwesit ka talaga Claint kung hindi lang talaga ako matinong tao naitapon na kita sa dagat at ginawang pulutan para sa mga pating, your making me crazy Claint Christian!!!" Talak ko

Babysitting The Hot Jerk  ( C O M P L E T E D)Where stories live. Discover now