Chapter 6: Mga Dakilang Extra

9.6K 305 35
                                    

Hindi ko alam kung gusto ko pa bang magising o tuluyan nang mama-alam sa mundong ibabaw habang buhay. Sa lahat ba naman kasi ng pwedeng makakita sa kahihiyang ginawa ko ito pang mga taong to??!!      

" Bat ang tagal gumising ni Ate Claire?" I can hear Devon's voice asking

And I can also feel someone poking my cheek. Claire wag kang didilat wag na wag mong ididilat ang mga mata mo. Relax Claire relax. Wag mong ibubuka ang mga mata mo kung gusto mo pang may maisalba sa natitira mong hiya sa katawan

" Don't poke Ate Claire's face, pare. That is rude" I can her Cee's voice talking

" Did I here you say rude?" Devon said

" Ow ow I read a lot of memes about that" I can here Tommy's voice

" Ano na namang kabaliwan yan Alexander?" I heard Baby Dave's bored voice

So ibig sabihin andito sila lahat ngayon at napapalibutan ako. Lord pwedeng humingi ng pabor kahit ngayon lang? Pwede niyo ba akong gawing invisible? O di kaya e erase mo nalang sa memorya nila ang kahihiyang ginawa ko kanina, please?? Promise magpapakabait na ako. Hindi ko na tatawaging linta si Claint, tatratuhin ko na siya bilang tao... Pleassssssse Lord!! Huhuhuhu

" Ang KJ mo talaga mahal na reyna. Devon explain" Tommy said

" Ikaw nalang Tito, mas idol ko si Vice kesa sa babaeng yun" Devon said

" Sinong babae?" Cee asked

" Yung si miss Your so ROAD you know hahahahaha I can't still get it out from my system. I think I'm gonna die laughing my butt out hahahaha" Devon laughed

Okay wala akong ma gets.

" Talk like a human, Devon" I heard a voice just like Devons but it sound so bored and lifeless.

Kilala ko yang boses na yan, wala namang ibang ka share ng pagkatao niya si Devon kundi ang kakambal niyang kabaliktaran niya, Devin.

" Ayaw tinatamad na akong mag explain" Devon said

Mana talaga sa tiyuhin niya..

" Your so ROAD you know, Your ROAD" I heard Tommy said

Road? Kalsada? Diba dapat rude yun?

" Hahahahahahahaha" At sabay pang tumawa ang dalawa

Okay walang naka gets sa joke nila. Kawawang joke..

" Let's bow our head, a joke just died" I heard Baby Dave said

Pilit na pinipigilan ko ang sarili ko na hindi mapabunghalit ng tawa, shit this is bad hahahahaha shit!!

" Amen to that" I heard an unusual voice...a voice na minsan mo lang marinig

" Marunong ng magsalita si Tito Luther, Tito!!" Devon and I bet nagtatatalon na siya ngayon

" Pinapatawad na kita mahal na reyna sa pambabara sa amin ng aking wonderful na pamangkin, dahil sapagkat datapwat ay iyong napag- pasalita ang aking sweetheart after being silent for 2 hours and 34 minutes" mahabang litanya ni Tommy

" And 48 seconds, don't forget about the seconds Tito. Every time counts" Devon said

Diba every drop counts yun? Letse maloloka na talaga ako

" Bakit ang daldal niyung dalawa?" sabi ni Baby Dave and I'm sure nakataas na ang kilay ng alaga ko

Pero teka kanina pa ako nakikinig sa mga boses sa paligid ko pero bakit parang hindi ko pa naririnig ang boses ni Claint?

" I remember!!" bigla na namang sabi ni Devon after a second of silence, oo second lang kasi hindi nabubuhay ang batang yan kapag hindi nakadaldal within a span of seconds

Babysitting The Hot Jerk  ( C O M P L E T E D)Where stories live. Discover now