CHAPTER 14 - Lucky I'm in love with my BESTFRIEND

Start from the beginning
                                    

Nagsimula na kaming sumayaw, ewan pero ang saya ko ngayon.

Do you hear me?
I’m talking you you
Across the water, across the deep blue ocean
Under the open sky
Oh my, oh Baby I’m trying…

Sumayaw kami ni Khym, minsan nauupakan ko yung paa niya pero tumatawa lang sha. Sabi niya sumabay lang daw ako sa kanya. Nahihiya na nga ako sa kanya, pero what I’m feeling right now is something so special, hindi ko nga ma describe kung anung nararamdaman ko ngayon.

Boy I hear you, in my dreams
I feel your whisper across the sea
Keep you with me in my heart
You make it easier when life gets hard

Alam mo ba yung feeling na makasayaw ang taong matagal mo ng minahal? Yung parang ang buong mundo mo lumilibot na sa kanya? Yung feeling na siya lang ang taong nagpapasaya sa buong araw mo? Feel niyo ba yun? Feel na feel ko yun araw-araw kahit minsan nasasaktan ako, pero ngayon I can see the old Khym that I know, na minahal ko ng husto, ang babaeng first crush ko hanggang ngayon at nag-iisang tao na nasa puso ko.

Lucky I’m in love with my best friend.
Lucky to have been where I have been
Lucky to be coming home again
Lucky we’re in love in every way
Lucky to have stayed where we have stayed
Lucky to be coming home someday.

Every word of the song hits me. Yes I’m in love with my best friend. I can feel my heart beating so loud, mas naririnig ko pa ang tibok ng puso ko kesa tugtug ng kanta. Ang bawat ngiti ni Khym ang nagpapatibok ng puso ko. Para akong natutunaw sa mga titig niya, sa mga hawak niya. Pero what I’m confused is that ang feelings ni Khym ngayon. Hindi ko inasahan na mangyayari ito, I don’t know what’s going on pero I’m hinting on something.

“Nicole.” tawag niya.

“H-hmm?” hindi ako makatingin sa kanya. Namumula na talaga ako. Parang pumunta ang lahat ng dugo ko sa pisngi ko, ang init!

“I-I need to tell you something. Promise me something.” Sabi niya.

Huh? Na curious tuloy ako sa kung anung sasabihin niya. Magpromise daw ako?. May tinatago ba sha sa akin at ngayon niya lang sasabihin? Nagpromise nlng ako para malaman ko kaagad kung anong sasabihin niya.

“Promise talaga ha? Umm.. I hope na kung ano ang sasabihin ko ngayon, di masisira ang friendship natin. This is really hard for me to say, umm…”

Ninenerbyos talaga si Khym, kaya hinawakan ko yung kamay niya para mabawasan yun. Ngumiti naman sha at sinimulan na niya.

“I know I was really bad girl before, minsan nga I didn’t care of everyone. Kahit ang mga mahal ko sa bahay tinatabuyan ko, sinasaktan at pinahihirapan. Pero Nicole, you were still there for me. Kahit sabihin ko na lumayo ka sa akin, hindi ka pa rin sumusuko. Kahit iniiwasan kita noon, di ka pa rin nagsawa para samahan mo ko. I know I was stupid and dumb at that time pero it all changed dahil sa’yo.”

“Nag move on ako para makalimutan ang mga nagawa ko noon. You helped me during that time. Tinulungan mo ko para umayos ako sa buhay ko. Naalala ko pa nga yung pagligtas mo sa akin eh, ang laki ng pasasalamat ko sayo, dahil kung hindi mo ko iniligtas, wala ako dito sa harapan mo, wala kang makulit at masama na bestfriend na sinisira yung araw mo.”

Naiiyak ako sa mga sinasabi ni Khym. Ngayon ko lang ulit narining si Khym na naging sincere sa mga sinasabi niya. I know totoo talaga ang mga pinagsasabi niya, I can see it in her eyes. Parang naiiyak na nga siya eh. Hinigpitan ko yung paghawak ko sa kamay niya.

“Kung hindi dahil sa’yo, anong klase ng tao na kaya ako ngayon? I’m sorry kung ginamit kita para mawala si Janeth sa puso ko, I’m sorry kung naging distant ako nung time na iniwan ako ng babaeng yun. It’s all my fault naman kasi, I pushed you. Nagmakaawa ako sayo na tulungan mo ko para mahulog ang loob ni Janeth sa akin. I was so selfish, I neglected you dahil halos lahat ng oras ko nasa kay Janeth nlng. Nung iniwan na ako ni Janeth, andun ka pero I ignored you at that time. Ang salbahe ko nun, pati ang parents ko dinadamay ko na rin. Ako nga yung dahilan kung bakit sila nawala eh, kung naging mabait na anak lang ako sa kanila, nandito pa sana sila ngayon.” Naiiyak na sabi niya.

“Wag mong sisihin ang sarili mo Khym, hindi mo kasalanan ang lahat. Kaya nga ako andun para sa’yo para maramdaman mo na hindi ka nag-iisa. Kung anung problema mo, problema ko rin. Mahal kita Khym, tandaan mo yun.” sabi ko.

Sinabi ko na sa kanya. I confessed my feelings for her.

.

.

“T-thank you Nicole. Ikaw talaga ang pinakaaaaaaaaabest kong bestfriend.”

.

.

.

</3

Bestfriend :’)

.

.

Bestfriend lang pala, pero okay na yun. Dahil alam ko naman na hindi pa ready si Khym na buksan ulit ang puso niya. Kahit masakit tanggapin na hanggang bestfriends lang ang pagtingin niya sa akin, sinabi ko pa rin sa kanya ang totoo kong nararamdaman.

Niyakap niya ako ng mahigpit at di ko na mapigilan ang pagtulo ng mga luha ako. Umiiyak na rin siya. Umiiyak siya dahil sa kasiyahan, habang ako naman umiiyak dahil nasasaktan. Kasalanan ko naman talaga ang lahat eh, bakit pa ba ako nag expect na mahalin ako ni Khym?

.

Lucky I’m inlove with my bestfriend

.

.

Lucky nga ba?

.

“Wag ka ng umiyak, ang mahal ng gastos ko sa make-up mo tapos sinasayang mo lang!” tukso ni Khym.

“E-eh ikaw rin nga eh! Tignan mo, para kang baboy.” Tukso ko rin.

Tumawa nlng kami, at hinaplos ko yung mukha niya. Magkayakap pa rin kami pero magkaharap na ang mukha namin. Tinitigan ko siya at di ko na talaga mapigilan ang nararamdaman ko.

“I love you Khym.”

Nagulat si Khym, pero huli na nung hinalikan ko ang kanyang malalambot na labi.

-----------------------------------------------------------------------------------------------------

Thank you for reading! :))

Heart Lies (gxg)Where stories live. Discover now