"Oo naman! Pero alalay lang tayo kasi may pasok pa bukas." -Jordan

"Okay lang. Kahit ako lang yung uminom."

"Mahal!" tawag ni Jordan kay Ange kaya napatayo ito at naglakad papunta sa kusina nila. Pagbalik nito ay may dala na itong maliit na baso at yelo.

Sobrang tahimik lang ng inuman namin. Hindi narin nila ako kinulit. Hindi parin mawala sa isipan ko yung nangyari. Sobrang nakakasama talaga ng loob. Iisipin ng iba napakababaw ko pero pakiramdam ko talaga niloko niya ako. Pakiramdam ko hindi ako mahalaga sa kanya.

"Ice dahan dahan lang." saway sa akin ni Ange.

"Tol? Ano ba kasing nangyari? May problema ba?" tanong ulit ni Jordan.

Napabuntong hininga muna ako bago nagsalita.

"Ewan ko! Ang sakit lang sa pakiramdam na option ka lang talaga."

"Sino ba 'to? Boyfriend mo?" -Ange

"Tsk!" saway ni Jordan kay Ange.

"Hindi naman ako demanding na tao pero wag naman sanang ganito." napahawak ako ng noo ko kasi anytime, alam ko iiyak na ako.

"Tol relax. Sige i kwento mo lang. Ilabas mo yan."

"Tinanong ko kasi siya kung pwede niya akong samahan—"

"Si Ry ba?" -Ange

"Hindi daw kasi may trabaho nga siya. Okay, I understand. Syempre trabaho yun eh, di ba? Ang di ko maintindihan, ba't kailangan niyang magsinungaling?"

"Oo tapos?" -Jordan

"Tapos makikita ko siya sa mall kasama yung boyfriend niyang wala namang ibang ginawa kundi magbigay ng problema sa kanya!"

"Baka naman biglaan lang tol?"

"Biglaan? Whatever! Kapag siya, isang sitsit niya lang, para akong aso na sumusunod agad. Pero kapag ako, ang dami niyang dahilan. Kesyo ganito kesyo ganyan."

"Iinom nalang natin yan Ice tapos bukas, mag-usap kayo." -Ange

"Ayoko na! Bahala na siya sa buhay niya!"





"Wala kang kasama dito sa bahay niyo?"

"Wala! Nasa bakery sila Nanay."

"Kapatid?"

"Nagiisa lang akong tagapagmana ng bakery ng parents ko. Magbasa ka na diyan para matapos na natin 'tong report natin."

"Sungit mo naman."

"Ako masungit? Sige uulitin ko... mahal na prinsesa pwede bang magbasa na muna tayo para matapos na itong report natin? Kung pwede lang prinsesa? Yan, okay na?"

"Walang problema Recca!" sakay niya sa trip ko.

Ito yung hindi namin magawa kapag maraming tao. Hindi namin kayang magasaran dahil hindi pa naman kasi kami ganun ka close at komportable sa isa't isa. At magkaiba talaga ang mundo namin.






Lumipas ang araw. Pilit ko talagang iniwasan si Quinn. Panay tawag niya pero hindi ko sinasagot. Kahit mga texts niya, wala ng basa basa, delete agad. Isang beses pumunta siya sa bahay, mabuti nalang late na ako umuwi nun kaya hindi ko na siya naabutan.

Dahil nagkasalubong yung schedule namin ni Kris, naisipan kong tumambay muna sa kanila at maglaro ng video games.

"Anong plano mo? Ay kingina!" tanong nito sa akin habang tutok sa nilalaro namin.

P A N S A M A N T A L ATahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon