Chapter 21: Insecurities

Start from the beginning
                                    

"Pfftt! Hahaha. Para kang tanga!"

Saka lang napag-tanto ni Czarina na wala naman pala talagang sunog at pinag-tritripan lang siya ni Jaeger.

"Tawa pa! Sige galing-galingan mo sa pag-tawa."

Nang dahil sa nakikitang reaksyon ni Jaeger sa mukha ni Czarina ay mas lalo siyang natawa.

"Pucha! Tumawa nga. Tss! Bakit ka nandito? Anong kailangan mo?"

"Ikaw." Kinindatan ni Jaeger si Czarina at nilabas nito ang kanyang killer smile.

"A-anong ako?" Nauutal na wika ni Czarina.

"A-ano..."

"Ano?" Namumula pa rin ang mukha ni Czarina dahil sa sinabi ni Jaeger kanina.

Napakamot si Jaeger sa kanyang noo at nahihiyang tingnan si Czarina. "L-lab-laba——-. Tumayo ka dyan! Ayusin mo ang sarili mo at aalis tayo." Tinalikuran na ni Jaeger si Czarina at nag-tungo na sa pintuan para lumabas.

"Bakit ba kasi?"

Humarapnsi Jaeger kay Czarina at nakakunot noo ang binata. "Huwag ka ngang umangal kung ayaw mong mabawasan ang sweldo mo."

"As if naman ikaw nag-papasweldo sa akin. Ang kapal." Nag-make face si Czarina at ginaya-gaya ang sinabi ni Jaeger. "Wag ka ngang umangal kung ayaw mong mabawasan ang sweldo mo."

"May sinasabi ka ba?"

"Meron ba?"

"Tingin mo? Bilisan mo na nga! Ang tagal mo! Huwag mo akong pag-hintayin. Assistant lang kita. Tandaan mo iyan. Kaya huwag mo akong kakalabanin."

Walang nagawa si Czarina kaya inayos na nito ang kanyang sarili at dumiretso na siya sa baba.

"Manong Henry nasan po yung sasakyan?"

"Parating na po."

"Manong, huwag niyo na po papuntahin ang sasakyan dito." Pag-kontra ni Czarina kay Jaeger.

"At bakit? Ano sa tingin mo ang ginagawa mo?"

"Mag-kocommute tayo. Halika na."

Hinawakan ni Czarina ang kamay ni Jaeger at hinala niya ito patungo sa pampublikong sakayan.

"Saan tayo pupunta?"

"Sa s-simbahan?"

"Sa Baclaran Church tayo mag-simba. Maganda doon. Ayon na ang bus, tara na sumakay na tayo." Hinawakan ni Czarina ang kamay ni Jaeger at hinila niya ito papasok sa loob ng bus.

First time ni Jaeger makasakay sa isang pampublikong bus kaya hindi siya mapalagay. Sa tingin niya ay nahihilo siya. Napansin iyon ni Czarina kaya tinanong niya si Jaeger kung okay lang ito. Sumagot si Jaeger ng Oo kaya pinabayaan na niya ito. Tumingin-tingin na lang si Czarina sa mga lugar na nadadaanan nila. Bigalng nag-lean si Jaeger kay Czarina. Ipinatong nito ang kanyang ulo sa balikat ni Czarina. Nang dahil sa pag-kabigla at pag-kagulat ay lumaki ang mga mata ni Czarina.

"J-jaeger a-a-anong?" Namumula ang pisngi ni Czarina dahil sa posisyon nila ngayon.

Humikab si Jaeger saka pinikit nito ang kanyang mga mata. "I want to stay like this forever. Huwag mong tatanggalin ang ulo ko sa balikat mo ha. Pag-bigyan mo ako... maski ngayon lang."

Tiningnan ni Czarina ang pag-mumukha ni Jaeger at nakita niyang nakapikit na ang mga mata nito at mahimbing na natutulog.

Nakarating na sila Czarina sa Baclaran Church kaya ginising na niya si Jaeger. Nang dahil sa kakagising lang ay nag-patianod na labg siya sa hatak ng dalaga.

When the Princess in Disguise Meets the Arrogant Prince (EDITING)Where stories live. Discover now