6

188 5 0
                                    

Unibersadad ng Santa Isabela? 

"Pinahanda ko na apo ang dormitoryong inyong tutuluyan ngunit kung nais mong dumalaw rito sa mansion, kahit anong oras ay maari. " Mahinahong paliwanag ng kanyang abuela na umani ng isang pilit na ngiti mula aa kanya.

"Naku po Señorita Farina!  Ako po ay labis na nagagalak sapagkat matutupad na po ang aking nais na makapag-aral!" Maligayang palatak ng kanyang tagapaglingkod habang iniimpake ang mga gamit na kanilang dadalhin sa bagong dormitoryo na kanilang titirhan sa loob ng unibersidad.

"Maraming salamat po Doña Felicia! Nangangako po akong pagbubutihin ang pagsisilbi sa aking Señorita habang pareho kaming nag-aaral,napaka laking bagay po na ang isang indio na tulad ko ay matutong magsalita sa wikang Español at makakatungtong sa napaka gandang eskwelahan!  Salamat po! " Yumakap pa ito sa kanyang abuela at sinuklian naman ito ng ginang.

"Walang anuman Delia,  basta kahit na anong mangyari apo na rin kita, Kikilalanin ka narin na Gonzales at dahil riyan tawagin mo na rin akong abuela at hindi Doña.  Maliwanag ba? "  Magaan na tumango si Delia atsaka pinagpatuloy ang pag-iimpake.

"Kapag kailangan nyo ng tulong o kahit na ano,  tumungo lamang kayo sa mansion mga apo."

"Opo Doñ--abuela! " Maligayang tugon ni Delia na umani ng isang ngiti mula sa mabuting Doña.

"Mauna na kami abuela, tutungo nalang ako rito kapag kailangan ko po ang inyong tulong." Walang emosyon na sabi nya sa abuela.

"Ikaw talaga apo, napakadiretso at walang tono lagi ng iyong boses hinihiling ko na sana may makapagbago nyan at matulad ka rito kay Delia aba! napakasigla at masiyahin."  Masayang paliwanag nito habang hinahawakan ang kamay nilang dalawa ni Delia.

Pinutol na niya ang pag-uusap nila ng mapansin na palapit na ang kutserong maghahatid sa kanila sa bagong mundo na kanilang pupuntahan... walang iba kundi ang eskwelahan ng mga mortal.

"Mag-iingat kayo mga apo! " Pahabol na sigaw ng kanyang abuela habang papalayo ang kalesa.

The Enchantress of BiringanOn viuen les histories. Descobreix ara