1

1.4K 20 0
                                    

"Señorita ano po ba ang nais nyong maging ayos ngayong gabi ng kapistahan ng patron nyong si San Francisco? "

Ginawaran nya ng mahinhin na ngiti ang tagasilbi at masuyong nagsalita.

"Gusto ko sana maging maaliwalas ang aking kasuotan Lourdes,yung tipong pormal ngunit simple at nakakatawag ng pansin ng mga ginoo. "

Nagningning ang mga mata ng tagasilbi at na nanabik na yumuko bilang hudyat na masusunod ang kanyang hiling.

Sumilip siya sa balkonahe ng kanilang mansyon nakita nya ang nagliliwanag na kahabayan ng Biringan kung saan sya nakatira.

Libong taon...hindi...hindi sya sigurado kung ilang taon na ba sya at ilang taon na syang patuloy na nabubuhay bilang labing-walong taon na dalaga.

Sa mga lumipas na mga taon na hindi nya mabilang,palagi syang na nanabik sa bawat kapistahan na nagaganap dahil malaya syang nakakalabas,malaya syang nakikipagsalamuha at nakikipaglaro sa mga mortal.

Ang Biringan na tirahan ng mga engkantado't engkantada na tulad nya, lugar na kung saan walang pagtanda, lugar na kung saan Hindi mauubos ang yaman at kapangyarihan mo.

Isang lugar na pinaghalong hiwaga,pantasya at lungkot.

Hiwaga dahil lahat ng makikita mo ay kakaiba mula sa uri ng materyales ng mga mansyon na pawang gawa sa diyamante at ginto.

Pantansya dahil walang pagtanda,habang buhay na kabataan,walang kamatayan at higit sa lahat kayamanan na higit sa yaman ng mga mortal.

Lungkot? Sobra. Wala kaming nararamdaman lalo na ang mga kababaihan bukod sa ngiting pilit at kunwaring pagtawa wala na kaming ibang emosyong alam, di katulad ng mga ginoong engkantado na naninirahan rito may iba silang emosyon na nailalabas sa mga binibining kanilang nagugustuhan.

Pag-ibig ata yon? Ano ba'yon? Bakit sa tuwing nakikita ko ang mga mortal na nararamdaman ang ganoong klaseng damdamin ay parang nais kong malungkot at ipikit ang mga mata ko?

"Señorita, hinihintay na po kayo ng inyong ama. "

Isang mahinang boses na pumukaw sa kanyang malalim na iniisip.

Bahagya syang lumapit sa tagasilbi na nag-ngangalang Delia ilang linggo na rin ito sa kanila mula ng maakit ito na kainin ang mga pagkaing itim(Isang uri ng pagkain na para lamang sa mga engkantado't engkantada na may ibang epekto sa mga mortal kapag nakain nila ito nakukulong ang kanilang kaluluwa sa Biringan .) Muli syang humakbang palapit rito ngunit umatras ito ng bahagya na animo'y takot na takot mahawakan niya.

"Natatakot ka ba sakin Delia? " isang mahinahong boses ang pinakawalan nya na nagpatingala sa nakayuko nitong ulo.

Bakas sa mga mata nito ang takot at mga luhang malapit ng umalpas.

Luha? Pano nila nagagawang lumuha?

Ipinikit nya ang mga mata upang alisin ang mga tanong na nagsasalubong sa kaniyang isipan.

"H-H-hindi po señorita Farina... "

Pilit syang ngumiti at masuyo itong niyakap na bahagyang ikinatigas ng katawan nito.

"Noong 1565 naisipan kong lumabas sa mundo ko at nakita kong niyakap ng isang babaeng mortal ang batang babaeng nadapa at agad itong tumigil sa pag-iyak. "

Humiwalay sya ng bahagya rito at pinunasan ang luha ng tagapagsilbi gamit ang laylayan ng kanyang suot na magarang damit na hinatid kanina ni Lourdes.

"At naisip ko na baka tumigil ang pagtulo ng mga luha na'yan kapag ginawa ko ang ginawa ng babaeng mortal sa isang batang nadapa sayo. "

Nakita nya ang unti-unting pagbakas ng isang ngiti sa mukha nito. Hindi ito katulad ng kanya... hindi pilit ang mga iyon.

"Sa tingin ko napakabait mong nilalang at napakaganda pa. " Komento nito na bahagyang nagpahinto sa kanya.

"Sa tingin mo...napakaganda ko? " diretsong tanong nya sa taga silbi.

"Opo!" Masiglang bati nito at nakita na naman nya ang mga ngiti nito.

Bigla nyang naisip na hindi pala sila katulad ng mga tao na kapag nagsasalamin ay nakikita ang kabuuan na walang kahirap-hirap. Iba sila. Nakabaliktad ang kanilang repleksyon sa salamin at madalas nyang kinabubuntong hininga iyon dahil hindi nya makita ng maayos ang repleksyon ng kanyang mukha.

"Halika may ipapakita ako sayo. "

Hinila nya ang mga kamay nito sa harap ng salamin, masaya itong humarap roon ngunit ng pumunta sya sa likuran nito ay biglang nanlaki ang mga singkit nitong mata.

"B-bakit po kayo nakabaliktad? Y-yung repleksyon nyo po nakabaliktad! " Nahihintakutan na pahayag nito.

"Mas lalo ba kitang natakot? " walang emosyong tanong nya rito.

"Hindi po. " Siguradong sagot nito.

"Napakabait nyo po at parang kayo lang po ata ang medyo nagsasalita rito sa wika naming mga tao,hindi katulad ng ibang nilalang rito na nakakatakot ang pagiging tahimik bagama't mala-anghel ang mga mukha nakakatakot naman po ang kawalan ng emosyon ng mga mukha nila at pagiging tahimik lalo na po ang mga binibini na nakatira rito. "

Isang buntong hininga ang pinakawalan nya bago ito hinila palayo sa salamin.

"Hindi ka ba nagtataka na wala kang nakikita na salamin sa mansyon namin bukod sa kwarto ko? Sapagkat ayaw naming nakikita ang repleksyon namin na nakabaliktad."

Bahagyang lumungkot ang mga mata nito na nakatingin sa kanya.

"Nakikita ko po na kakaiba kayo." nakatitig na turan nito sa kanya.

"Tama ka, kakaiba talaga ako Delia dahil pinanganak akong lalang ang kapangyarihan ng hangin,paglimot at pag-alala. Iba ako dahil isa ako sa mga maharlika sa mundo namin."

Ngumiti ito at hinawakan ang kamay nya na kasing lamig ng bangkay.

"Iba po kayo dahil pakiramdam ko may puso kayo ng tao, nakakaramdam kayo ng emosyon pero pinipigilan nyo lang."

Yumuko ito sa harapan nya bago inabot ang sidora ng kwarto nya.

"Paalam Señorita. Bumaba nalang po kayo kapag tapos na po kayo mag-ayos. "

Isang simpleng ngiti ang ibinigay nito sa kanya bago tuluyang tumalikod.

Napakapit sya sa tapat ng kanyang dibdib at pinakiramdaman ang munting bagay roon na ni-isang beses di nya naramdaman tumibok.

"Kung totoo ang tinuran mo, bakit hindi tumitibok ang bagay na ito katulad ng sa inyo? bakit hindi ko naranasan lumuha o sumaya ng tunay? Bakit wala akong maramdaman? "

Isang buntong hininga na naman ang pinakawalan nya bago tuluyang lumabas ng kwarto niya.




The Enchantress of BiringanWhere stories live. Discover now