3

306 7 0
                                    

Kasalukuyan syang nakaupo sa harapan ng kanyang hardin na puno ng mga mirasol na sumasaludo sa sikat ng araw at mga rosas na pawang kasing kulay ng berdeng damo at preskong ulap ang iilan dahil sa matingkad na asul at berdeng kulay.

Ilang beses syang nagpabalik-balik ng tingin sa mga mirasol nya.

Ilang sandali'y bigla nyang naramdaman at naibulong sa kanya ng hangin na may tao sa kanyang likuran at kilala na nya ang mortal na iyon.

"Delia...hanggang ngayon ba'y takot ka parin sa akin? " Walang emosyong tanong nya sa tagasilbi. Kailan ba nagkaroon ng emosyon ang kanyang boses? Ni-minsan ay hindi pa.

"H-hindi po señorita Farina. " Nagkakanda-bulol na sagot nito sa kanya dahilan para bahagyang kumunot ang kanyang noo.

"Nagsisinungaling ka binibini, napakadali talagang hulaan ang damdamin ng mga tao."

Iwinestra nya ang upuan sa harapan nito upang anyayaan at saluhan sya sa pagkain.

"Ahh. Salamat po. " Natataranta itong umupo sa harapan nya at nanatiling nakayuko ang ulo nito.

"Paano mo ako masasaluhan kung nakayuko ka? Madalas talaga di ko maintindihan ang mga mortal. " Nakatitig na parinig nya sa tagapagsilbi na hanggang ngayon ay nakayuko parin.

"Itaas mo ang ulo mo Delia at saluhan ako at sa oras na suwayin mo ang utos ko kaya kong tanggalin ang hangin sa baga mo. Nakakalimutan mo ata na ako ang elemento ng hangin? " Matamlay na wika nya sa kaharap.

Agad namang inayos nito ang pagkakaupo at itinaas ng bahagya ang ulo ngunit ng makasalubong ang kaniyang mata ay bigla ulit itong napayuko.

Napabuntong hininga sya sa inasal nito.

"Itataas mo ang ulo mo o tatanggalan kita ng hangin sa baga? " Nababagot na wika nya sa tagasilbi.

"Pasensya na po S-señorita hindi na po mauulit. " Natatarantang tugon nito sa kanya habang sunod-sunod na pumipiyok-piyok ang talukap ng mga mata nito dahil sa labis na kaba.

Nagpatuloy sila sa pagkain at makalipas ang ilang oras naalala nya ang pinag-usapan nila ni Madello na tungkol sa pagmamahal.

Napabaling sya sa kaharap na ngayo'y magana na kumain.

"Delia nagmahal ka na ba? "

Sapat na ang tanong na iyon upang maibuga ng kaharap nya ang pagkain na nasa bibig mabuti na lamang at alerto sya dahil kung hindi ay sa mukha nya panigurado dadapo ang nanguyang pagkain nito.

Lumutang lamang sa ere sa mismong harapan nila ang pagkaing naibuga ng kanyang kaharap at dahan-dahan nyang inutusan ang hangin gamit ang isip na ibalik sa platong wala ng laman ang naibuga ni Delia.

Kinakabahan na napayuko ang kaharap at sunod-sunod na nanghingi ng pasensya.

"Patawarin nyo po ako Señ-ñorita d-di ko po talaga sinasadya! Patawad po, Patawarin nyo po ako. " Napapikit mata na lamang siya habang pinapakinggan ang pagsisisi sa bawat salita nito.

"Maupo ka ng maayos Delia at itaas mo ang ulo mo. " Seryoso nyang utos sa kaharap.

"Po? "

"Itaas mo ang ulo mo at sagutin na lamang ang tanong ko para makabawi ka sa kapangahasan mo kanina lang. "

"O-opo Señorita! "

Nakita nya na umayos ito sa pagkakaupo at inayos ang suot nitong saya na bahagyang nagusot.

"Ano ang pagmamahal? Paano ko 'yon mararamdaman? Sino ang maaring magparamdam sa akin non? Saan ko sya makikita? Totoo ba'yon? " Diretso at walang preno na tanong nya sa tagasilbi.

The Enchantress of BiringanTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon