11

171 7 5
                                    

*Photo of Amilio Hernandez De Villa III above. He's Rico Yan (But you can imagine and have your own version of Amilio De Villa III in your mind.)

This is for you nessameee. Thank you for being the first who love my characters! Lovelots.

Magarbo ang suot ng bawat imbetadong bisita sa kaarawan ni Fatima Mercado, hindi na iyon kataka-taka sapagkat galing sa isang marangyang pamilya ang binibini.

Habang papasok sya sa malawak na bulwagan ng Mansyon ng pamilyang Mercado hindi maiwasang pagtinginan sya ng mga bisitang naroon lalo na ang mga ginoong galing rin sa matataas na angkan, ngunit masyado syang abala sa pagsaway sa kanyang katabi na hindi na ata nauubusan ng dahilan para mamangha sa mga nakikita.

"Ganito pala maghanda ng isang kaarawan ang mga mararangyang angkan? Samantala sa amin, isang tinapa na gawa ni ina at kamote lang sa hapagkainan ay masaya na kami basta ang mahalaga ay nagunita namin ang aming kaarawan. " Masayang pagkikwento nito nang sila ay maka-upo, hindi nya alam kung matatawa ba sya o malulungkot sa naging pahayag nito ngunit mas nanaig ang lungkot dahil sa kasalatan ng pamilya nito sa buhay.

Masaya sya na kahit para talaga sa sarili ang paglalayas nya sa Biringan kahit papano'y nakatulong naman sya kay Delia, sa pamamagitan ng pagpaparanas rito ng buhay ng isang dalaga na mula sa marangyang pamilya na kailan ma'y di nito nasumpungan.

"Masasanay ka rin sa ganito Delia. " Tugon nya.

Nasa kasagsagan sila ng pag-inom ng isang alak na inalok ng isang dalagitang tagasilbi ng mga Mercado ng sila'y tawagin ng isang pamilyar na boses.

"Irog ko. " Nanlaki ang kanyang mata at pinamulahan sya sa labis na hiya na dinulot ng walang habas na pagtawag ng kanyang nobyo kuno...

Irog ko? Punyeta. kailan pa sya naging irog ng kung sino?

"Magandang gabi ginoong Amilio!" Maligayang pagbati ng kanyang katabi habang tinatago sa dalang abaniko ang namumula na nitong mukha.

Napailing na lamang sya sa pinakitang pagkagiliw nito sa ginoo.

"Hindi mo ba ako babatiin pabalik,irog ko?"

Nakita nya ang magaang ngiti na pinamalas nito sa kanilang dalawa ni Delia dahilan upang mangisay sa tuwa ang kanyang tagasilbi.

"Oo nga po binibining Carolina, wala po ba kayong balak bumati sa inyong kasintahan?" Sinamaan nya ito ng tingin dahilan upang umubo ito ng mahina at halatang nagpipigil ito ng tawa sa likod ng abanikong hawak.

"M-magandang gabi sayo A-milio." Napahawak sya sa tapat ng kanyang dibdib dahil sa malakas na pintig mula roon na kinataka nya.

"Ayos ka lang ba binibini?" Napansin ata ni Delia ang pagbilis ng kanyang hininga.

Itinaas nya ang kanang kamay dahilan upang bahagyang lumayo si Delia na balak na ata syang alalayan.

"May masakit ba sa iyo mahal ko? " Napatingin sya sa mga mata nito na ngayo'y direkta nang nakatingin sa kanya na para bang nakikita sya nito.

Baka nagkataon lang?

"A-ayos lang ako." Kimi nyang tugon rito dahilan upang lumambot ang ekspresyon nito na kanina lamang ay mababanaagan ng pag-aalala.

"Naku! Hindi ba si Fatima na po iyan? Napakaganda nya!" Bulalas pa ni Delia dahilan upang mapalingon sya sa direksyon ng mga mata nito.

"Mas maganda ang aking mahal." Marahang sambit ng ginoo sa kanya habang may nakakaakit na ngiti sa labi na kinakunot ng noo nya.

Inaakit ba sya nito? Kung gayon ay.... Tumatalab.

Naramdaman na naman nya ang mabilis na pintig ng puso nya dahil sa marahang pagkapit nito sa isa nyang kamay na walang hawak na abaniko.

The Enchantress of BiringanWhere stories live. Discover now