13

339 10 5
                                    

* Hey mahal ko, thanks for reading this story!*

"Nakita ka nya at tumibok sya para sayo."

Isang kataga na paulit-ulit gumigising ng kanyang diwa, kanina pa nakaalis ang ginoo pero hindi parin maalis sa isip nya ang pagtitig nito sa kanya na parang binabasa ang kanyang kaluluwa na aakalain mong nakakakita.

"Ang ginoong iyon! Hindi ako makatulog ahhh." impit nyang sigaw habang tinatakpan ang mukha ng unan.

Dahil sa mga sinabi nito nawala sa isip nya na iniwan nya pala ang tagasilbing si Delia sa mansyon ng mga Mercado, kaya naman ng makauwi ito ay parang bata na nagmumokmok dahil hindi nya raw sinabay sa pag-uwi. Hindi nya na lamang ito pinansin at tuloy-tuloy syang pumasok sa kanyang silid dahil okupado ng naganap kanina ang kanyang isipan.

"Binibini. Binibini." isang mahina ngunit matipunong boses ang tuluyang nagpatayo sa kanya sa pagkakahiga. Ingat na ingat ang pagtawag non sa mismong tapat ng kanyang bintana at may kung anong binabato upang siguro'y mapansin at dungawin nya.

Maingat syang naglakad patungo sa tapat ng bintana at dahan-dagan iyong binuksan. Sumalubong sa kanya ang mahinang huni ng mga kuliglig at ang malamig na simoy ng hangin. Walang tao?

"Binibini. Dito." mahinang tawag parin ng boses na mula sa isang puno.

Lumabas ito sa likod ng puno at nakangiting tumingin sa kanya, isang binata ang nag mamay-ari ng boses na kanina pa tumatawag sa pangalan nya.

Victorino? Anong ginagawa nito rito sa disoras ng gabi?

"Ano ang kailangan mo ginoo?" Takang tanong nya rito na umani lamang ng isang magaan na ngiti mula sa binata.

"Nais kitang makita." Napakunot ang kanyang noo sa winika nito at bahagyang napailing.

"Bakit?"

"Bakit nga ba? Hindi ko alam...walang rason basta nais ko lang makita ka." isang ngiti at may kung anong kinuha ito sa bulsa.

Isang eroplanong papel iyon na basta na lamang nito hinagis patungo sa direksyon nya na madali nya namang nahuli.

"Nais kong ngumiti ka bago ako umalis." Saad nito ng makitang hawak nya na ang eroplanong papel.

"At bakit ko naman gagawin yon?" taas kilay nyang taong rito

"Nais kong ikumpara ang ganda ng gabi sa ganda ng ngiti mo." Hindi nya alam ngunit awtomatikong tumaas ang magkabilang gilid ng labi nya at bahagyang sumingkit ang kanyang mata.

Ngumiti sya.

"Tama ako. Mas maganda pa sa gabi binibini...mas maganda ka pa sa payapang gabi. Mauna na ako." Isang magaang halakhak ang pinakawalan nito na bahagyang nagpasingkit sa bilugan nitong mata at nagpalabas ng isang malalim na biloy nito sa kanang pisngi bago ito tuluyang tumalikod.

"Mag-iingat ka." Pahabol na bilin nya rito, lumingon ito at sumaludo.

"Tsaka mo bitawan ang mga ganyang kataga kapag hindi ka na sa kanya." Seryosong tugon nito bago tuluyan lumakad.

Wala sa sariling naisara nya ang bintana at mabigat na umupo sa kama, pinakatitigan nya ang eroplanong papel atsaka binuklat sa tapat ng lampara. Walang kung anong sulat roon, akala nya pa naman ay sumulat ito roon.

Balak nya na sanang itago sa isang maliit na baul sa ibabaw ng lamiseta ang papel ng mapansin nya ang pagsilip ng isang hulma sa tuwing itinatapat nya ang papel sa liwanag ng lampara.

Tinapat nya ang binuklat na papel at napaawang ang kanyang labi ng sumilay roon ang isang magandang guhit ng kanyang mukha habang nakatalukbong ang isang manipis na kulambo.

The Enchantress of BiringanWhere stories live. Discover now