4

267 6 0
                                    

"Buenos Tardes señor ,Como se llama de Lugar?" Mahinahong bati niya sa kutserong nakahinto malapit sa dinaungan nilang barko sabay pakita ng mapa ng intramuros kung saan nakatirik ang mansyon ng kanyang abuela na sinunod sa apelyido ng kanyang abuelo ang una nitong asawa,matagal narin mula ng dalawin nya ang mansyong yon dahil hindi naman sya talagang nagtatagal sa mundo ng mga mortal. ngayon lang.

Nagpakita ng interes ang kutsero ngunit halatang hindi nito naintindihan ang sinabi niya.

"Pasensya na binibini ngunit hindi po ako nakakaintindi ng Español. " Mababang boses na tugon nito.

Napalingon sya sa katabing si Delia na Bahagyang ginagaya ang sinabi nya kanina pero napukaw ng kutserong nasa harapan nila ang atensyon nito.

"Ahh ginoo,nais lang po namin makapunta sa intramuros. " Masayang pakikipag usap ng katabi niya sa kutserong hinihimas ng bahagya ang ulo ng alaga nyang kabayo.

"Si Señor. " Mahinahon nyang tugon sa wikang español.

Habang nasa daan hindi nya mapigilan mapakunot noo sa katabi dahil sa pagkaway-kaway nito sa bawat taong madadaanan ng kanilang karawahe.

"Yes hello. " Palatak pa nito sa wikang English na halatang ginaya at nakuha lang nito sa nakasabay nilang dayuhan sa barko.

"Alam mo señorita marunong ka naman mag salita sa wika namin,hindi po ba? Tapos marunong pa kayo sa wikang Engkanto at Español." Masayang pakikipag-usap nito sa kanya.

Kumunot ang kanyang noo at napabaling sa katabi.

"Si, Porque?" ("Oo, Bakit?")

"Humahanga na po talaga ako sa inyo señorita Farina! "

Halatang di nito naintindihan ang sinabi nya pero nagkunwari lamang ito na nakakaintindi. Napaka Komplikado talaga ng mga mortal kahit di nila alam ang ibig sabihin ng isang bagay nagkukunwari silang alam nila. Kasama rin ba yon sa emosyon? O sadyang kulang lang sa turnilyo ang utak ng kanyang katabi.

Hindi katulad nila na walang paligoy-ligoy diretso ang sagot sa bawat tanong na ibabato sa kanila.

"Andito na po tayo mga binibini." Nakangiting bati ng kutsero sa kanila.

Nagbigay sya ng bayad atsaka tumalikod samantala ang kanyang kasama ay kumaway pa at may pahabol na salita na sa tingin nya'y ginaya mula sa sinabi nya kanina ang isa.

"Buenos Tardes! Yes Hello. " Malakas na pagpapaalam ni Delia sa kutserong bahagyang natatawa sa dalawang lengguwaheng pinagsama nito.

"Tara na sa loob Delia. " Mahinahong sabi nya rito.

"Opo Señorita!" Maligayang sambit nito habang bitbit ang mga gamit na dala nila.

Hindi mawari ang reaksyon ni Delia ng makapasok sila sa loob ng Mansion de Ronquillo, ang mansyon na pinagawa ng kanyang abuela ang ina ng kanyang ama na mas pinili maging tao at kalimutan ang kanilang lahi para sa bagong pag-ibig na natagpuan sa mundo ng mga mortal. Kaya iniiwasan nya na malaman ng kanyang ama na narito sila sa lupa dahil siguradong makakaramdam ito ng poot sa kanya at uutusan agad syang bumalik sa kanilang lugar lalo na't hanggang ngayon ay hindi parin ito nakikipag-ayos sa ina.

"Mi hija! Pa'nong naparito ka? Ang iyong ama nasaaan? " Sunod-sunod na tanong nito habang di makapaniwalang nakatitig sa mukha nya at marahan syang hinahagkan sa magkabilang pisngi.

"Como Estas abuela? " Walang emosyon na salubong nya rito dahilan para mawala ang perpektong ngiti nito sa mukha at marahan na hinaplos ang kanyang buhok.

"Walang emosyon,hindi na nakakapagtaka. "
Wala sa sariling pahayag nito sa kanya habang pilit na ngumingiti.

Ang kanyang abuela ay napakabuting engkantada, ngunit kumawala ito sa mundo nila dahil sa pag-ibig sa isang mortal dahilan upang magalit ang kanyang abuelo na asawa nito sa mundo nila at gayon din ang kanyang ama na labis na kinagagalit ang pagtataksil ng kanyang ina sa kanilang lahi dahil lang sa pag-ibig.

The Enchantress of Biringanजहाँ कहानियाँ रहती हैं। अभी खोजें