7

177 4 0
                                    

"Colegio de San Juan de Letran! naku binibini napakaraming makikisig na ginoo akong nakikita sa paligid ng eskwelahan na iyan maging sa harapan ng Unibersidad ng Santo Tomas baka isa sa kanila ang aking magiging kabiyak at sinusumpa ko rin na balang araw maaakit ang mga nakikita kong makikisig na ginoo sa aking alindog! " Walang mayaw na palatak ng kanyang kasama na walang iba kundi si Delia.

Suot nila ang ordinaryong kasuotan ng mga binibini sa Europa na may antas sa buhay habang nalilibot sa paligid ng Intramuros kalalabas lamang nila sa kanilang paaralan bilang estudyante ng Santa Isabela,paaralan para sa mga binibining katulad nilang dalawa ni Delia.

Hindi sya naiinip kapag kasama nya ang tagapagsilbi sapagkat talaga namang napakaingay at makwento nito, hindi nya mapigilang mapailing o hindi kaya mapakunot noo sa mga salitang lumalabas sa makamundong labi ng kasama.

Nariyan na pagnasaan nya ang pinakabatang prayle ng Simbahan ng San Agustin na si Padre Bernardino dahil sa kakisigan nito na hindi raw nababagay magsuot ng damit ng mga prayle, bagay raw ito magsuot ng kasuotan ng mga mag-aabogasya. Sigurado daw syang lalo itong kikisig.

Nariyan naman ang napakagwapong ginoo ng Colegio de San Juan de Letran na kanina nya pa raw napapansin na tumitingin sa diresyon namin habang kami ay marahan na naglalakad.

Ngunit may mga oras na natutuwa ako sa kanya tulad ngayon.

Natutuwa ako dahil kanina pa sya nagpapakita ng interes na matuto ng wikang kastila para raw medyo may alam na sya kapag nakipag-usap sa magiging kaklase namin at ngayon tinanong nya sa akin kung ano ang salitang "gwapo" o makisig sa wikang kastila at sinagot ko naman sya ng seryoso.

"Hermoso ang gwapo sa kastila. "

Muli itong nagtanong.

"Eh, binibini ano naman po ang kuya sa español? "

"Hermano. "

Ngumisi ito sa kanya na parang may binabalak na kung ano.

Bigla itong lumapit sa isang ginoo na tunay ngang mapapantayan ang kakisigan ng mga engkantado sa mundo namin, pakiwari ko'y estudyante ito ng Santo Tomas sapagkat nalalapitan ang kinatatayuan namin sa eskwelahan ng mga ito.

"Ah. Hermanong Hermoso! Hermanong Hermoso! " Mala-españolang tawag ng kanyang tagasilbi sa ginoong ngayon palang nito makakausap.

Lumingon ito sa gawi nila at marahan na naglakad habang binubuyo ng mga kaibigan nitong mga ginoo na halatang natutuwa sa naging mapangahas na asal ni Delia.

"Porque Señoritas? " Tumingin sa direksyon nya ang mata ng ginoong tinawag ni Delia ngunit hindi nito mabanaag ang kanyang mukha dahil sa pulang kulambo na nakatakip dito na nakasanayan nya ng gawin tuwing tumutungo sa mundo mga mortal sapagkat alam nyang lahat ng ginoo ay maaring maakit sa kanyang taglay na kagandahan, Hindi na rin iyon nakakapagtaka sapagkat tagapangalaga sya ng hangin at engkantada pa sya kaya't normal lang na sya'y matawag na hermosa ng mga mortal.

"Umm, Binibining Farina paki-paliwanag po ang sinabi ng ginoo. " Nag-aalangan na Bulong nito sa kanya na bahagyang nagpatawa sa seryoso nyang mukha.

Mang-aakit tapos di naman pala kayang panindigan.

"No problemo Señorito, pwede ka ng bumalik sa pakikipag-usap sa iyong mga amigos. "

Lalo itong tumitig sa gawi nya at ngumiti samantalang tumutulo naman ang laway ng kanyang tagasilbi na si Delia dahil sa labis na pagtitig sa ginoong kanilang kaharap.

"Ako nga pala si Ginoong Victorino Mercado." Tinanggal nito ang sumbrero at nilagay sa tapat ng dibdib at bahagyang yumuko bilang pagpapakilala.

"Ah! ako si Delia! Delia Zam--Gonzales pala." Zamora kasi ang apelyido nitong si Delia kaya siguro'y di pa sya sanay na gamitin ang apelyidong Gonzales.

Ngumiti ang ginoo atsaka tumingin naman sa gawi ko parang hinihintay ang pagpapakilala ko.

"To! una na kami. " Paalam ng mga kaibigan nito sa ginoong kanilang kausap ngayon.

"Si! " Sigaw naman nito pabalik.

Tatalikod na sana sya at ipagpapatuloy ang paglalakad ng bigla syang tinawag muli ng Ginoo Napanganga sya ng makitang nakatulala parin si Delia sa mukha ng kanilang kaharap.

Hindi ba nito alam na mukha na syang stupida sa kakanganga?

"Binibini maari ko bang malaman ang iyong pangalan? " Mahinahong tanong nito sa kanya.

Ngunit tumalikod na lamang sya at iniwan si Delia na hanggang ngayon ay nakanganga parin sa kaharap na ginoo.

"Binibini kahit ang iyong unang ngalan lang!" Pahabol na sigaw nito, hindi na sya nakatiis at Lumingon.

Tama nga sya ng hinala hindi sumunod si Delia nakatitig parin ito sa ginoong nagngangalang Victorino.

Wala syang nagawa kundi bumalik sa kanina nilang pwesto at hilahin ang kasama nyang si Delia na parang nabato sa kinatatayuan, ngunit hinawakan ng ginoo ang kanyang braso winasik nya ang kamay nito dahil baka mamaya dumami ang kanyang nobyo.

Sa mundo ng mga mortal kapag nadampi ang balat ng lalaki sa babae ay nangangahulugang sila'y may relasyon kaya hanggang maari iniiwasan nyang madampi ang balat ng ginoo sa kanyang kamay at baka kung anong sabihin ng mga makakakita ngunit sadyang mapangahas ito.

Humawak muli ito ng marahan sa kanyang braso at sa pagkakataong ito napalakas ang kanyang pagwasik dahilan upang lumipad sa ere ang pulang kulambong nakatakip sa kanyang mukha na kakulay ng kanyang suot na malubong damit ng mga babae sa Europa na kulay dugo sa labis na pagkapula na bumagay sa mestisa nyang kutis.

Halatang Nagulat ang kanyang kaharap dahil tumambad sa harapan nito ang napaka amo nyang mukha na may pinaghalong pagkairita at pagpipigil dahil sa inasal ng ginoo ngunit di maikukubli ang perpektong ganda nito.

Kusa itong napabitaw sa braso nya at ginamit nya iyong pagkakataon upang mahila ang kanyang tagasilbi na walang silbi kapag hinahinan ng makikisig na ginoo sa harapan.

"Exquisite." Namamanghang wika ng ginoong na nagpahinto sa kanyang paglalakad.

Alam nyang nagsalita ito sa wikang English.

"Carolina ang pangalan ko. "

Tsaka sya tuluyang naglakad paalis habang hila-hila sa kamay ang tagasilbi na nakatulala parin.

Hindi nya napansin na hindi nya pala napulot ang kanyang pulang kulambo kaya pinulot ito ng binata ngunit parang isang hangin na nawala sa harapan nya ang dalawa.

"Kataka-taka? " Mahinang sambit ni Victorino sa sarili habang nangingiti dahil hawak nya ang pulang kulambo ng binibining umagaw sa atensyong ng pihikan nyang puso.

"Magkikita tayong muli Binibining Carolina."





The Enchantress of BiringanWhere stories live. Discover now