26: The Lion and The Lamb

350 14 3
                                    

[Melissa’s POV]

Wow! Another POV para sa’kin??

YES!!!

Kasalukuyan akong tumitingin dito sa labas habang tinitingnan si allie na kasama ngayon si theo ang kanyang prince na umalis. Magdadate sila!!!! KYAAAAAAAA!!! Im so happy for them. Lalo na kay allie. Ang gwapo kaya ni theo. (>____<)

Jackpot siya!!!

At maswerte din naman si theo sa bestfriend ko noh.

Mabait at napaka down to earth. At maganda yan. Di lang nagaayos kase. (-____-)

Nang makaalis na sila allie para akong nanay na pinakawalan ang anak niya sa mapapangasawa niya. Naiiyak kase ako. Waaaaah! Congrats allie.

Papasok na sana ako ng may maaninag akong sasakyan na kulay itim na naka park sa gilid ng bahay nila allie.

Dahan dahan naman akong pumunta dun para tingnan kung sino yun.

Baka mamaya holdaper o di kaya akyat-bahay gang.

Nang makalapit na ako sa may bintana nung sasakyan, nagulat ako kung sino yung nasa loob.

“Ikaw?????” gulat kong sambit.

Si Leon yung nakasakay.

Isa siya sa miyembro ng DARK. Yung grupo nila GD at Theo.

At ang kinaiinisan kong mayabang. (>___>)

Ibinaba niya ang suot niyang shades at tiningnan ako mula ulo hanggang paa.

Parang iniscan niya yung buong katawan ko.

Tinakpan ko naman yung dibdib ko. Grrrrrrr! Hinayupak na lalake to.

“HOY! Bastos ka ba? Anong ginagawa mo dito?” mataray kong tanong sa kanya.

Wala naman siyang reaksyon sa sinabi ko at pinaandar na lang bigla yung kotse.

Aba naman!

Kita mo to kinakausap eh!

“HOY! Bumalik ka dito! Bakla!!!!” buong lakas kong sigaw.

CHE!!!!

Nagulat naman ako ng biglang huminto yung kotse at umatras yun pabalik sakin.

“Anong sabi mo?” walang reaksyon niyang tanong sakin.

Hindi ako nagsalita at binelatan ko lang siya.

Ang yabang kasi. Kala mo kung sinong gwapo.

Hambog!

Naglakad na ako papasok ng bahay nila allie ng maramdaman kong bumaba ng kotse si leyon at hinatak ang kamay ko dahilan para humarap ako sa kanya.

I'm the nerd's Boyfriend? (On Hold for a While)Where stories live. Discover now