19: Me, the Prince and Romeo

469 20 4
                                    

[Alexandria’s POV]

“Welcome.” Sabi ni theo pagkabukas niya ng gate.

Kasalukyan kaming nasa bahay "daw" ni theo.

Napakaganda nito, kulay white ang pintura, may gate, siyempre may pinto, sheesh , ano ba tong explanation ko.

BASTA Simple pero napaka elegant tingnan.

MULTIMEDIA ALERT:  ON THE SIDE-------------------->

Pumasok na kami sa loob at binuksan na niya yung pintuan.

Agad namang pumasok sila Ace kasama ang tulog pa din na unggoy at iniakyat na sa kwarto para magamot na yung ibang sugat niya.

Inikot ko ang mata ko sa loob.

Hindi ako makapaniwalang nasa loob na ako ng bahay ng aking romeo!

Kyaaaaa!

“Hey!”

Nagulat ako ng bigla akong tapikin ni theo sa braso.

“A-Ano yun?” tanong ko.

“Kumain ka na?” nakangiting tanong nito.

“hindi pa eh.” Sabi ko.

Oo nga noh? Ano ba yan hindi pa ako kumakain. (-___-)

Ilang oras na ba akong nawawala?

Tumingin ako sa relo ko at 4pm na.

Sheesh! Mabuti na lang at wala akong klase ng hapon. Kainis na mga kidnaper yun! Grrrrrr! Sarap upakan!

Bigla naman akong hinila ni theo at dere deretso na naglakad.

“Tara. Kain ka muna.” Sabi nito habang nakahawak pa din sa kamay ko.

Napatungo na lang ako.

Tinitingnan ko lang siya habang may kinukuha siya sa ref.

Umupo ako sa may lamesa habang inaabangan siya.

Pinagmasdan ko lang si theo, ang romeo ko. Uwaaaaaa!

Napaka gwapo niya.

Ang ganda ng mga mata, matangkad, maputi, ang lakas ng dating.

Napakadami siguro nagkakandarapa sa kanyang babae.

Obvious naman siguro noh?

Napaka gwapo, ang bait, talented at napaka artistic!

Siguro babaero to? (>___<) waaah! Bad alex! Wag mo pagisipan ng masama ang romeo mo! Waaaaah!

Hays. Napaka imposibleng magkagusto sakin ang tulad niya. (>3 >)

“Heto.” Sabi niya habang inaabot sakin ang isang energy bar.

“Salamat.” Sabi ko.

Umupo sa harap ko si theo at nagsalita.

“Kamusta pakiramdam mo?” tanong nito.

“Ok naman.” Ngiti ko. Oo ok na talaga ako. Kung hindi dahil sa kanila eh paniguradong traumatize ako ng bongga at baka wala na ko sa mundong to ngayon.

“Good. Sorry..”

Nagulat ako sa sinabi niya, nagsosorry siya? (O__o)?

Bakit?

“Ha? Bakit ka humihingi ng sorry? Wala ka namang kasalanan dun eh.” Sabi ko.

“NO!” sambit niya na ikinagulat ko.

I'm the nerd's Boyfriend? (On Hold for a While)Where stories live. Discover now