3: First Task

736 61 50
                                        

Alexandria's POV:

“Allie! Allie! Sorry na..” habol sakin ni Melissa.

Pero dire deretso lang ako sa paglalakad.

Hindi ko siya pinapansin. Naiinis ako na hindi ko maintindihan eh.

Feeling ko na betray ako.

Sarili kong best friend? Hindi nagsabi sa’kin ng totoo?

At malaking gulo ang pinasok niya.

AT pinagtakpan ko siya???? (>___<)

Hays. Tumigil ako sa paglalakad at tumingin ako kay Melissa.

Bakas sa mukha niya ang pagsisisi at pag aalala sa’kin.

Niyakap ko siya at umiyak naman siya.

“Sorry Allie. Umft.. kasi.. nainlove ako sa kanya. tsaka Divorce na siya sa asawa niya. Pero alam kong mali dahil hindi ko sinabi sayo. Im so sorry Allie.” Sabi niya habang patuloy na umiiyak.

Umalis ako sa pgkakayakap ko at tiningnan ko siya.

“Hayaan mo.. hindi masisiwalat ang sikreto mo. Ok? I forgive you. I will always protect you. Diba? Pangako ko yun?” sabi ko sa kanya habang nakangiti.

Ngumiti na din siya.

Buti naman. J ayokong nakikita siyang malungkot e.

“Dapat hindi mo na ginawa yung deal ng mga bruhildang yon. Kasi ayos lang naman e.” sabi niya.

Umiling ako.

“Hindi.. may plano din naman ako. Sasakyan ko lang sila para matahimik sila.” Ngumiti ako at umuuwi na kami ni Millie.

------------------------

Kinabukasan..

“Hey nerd! Here’s your first task.” Sabi nung lider ng mga witch.

Sumimangot ako at tiningnan ko yung loob nung sobreng binigay niya.

May nakasulat doon. Binasa ko at hindi na ko nagulat.

Expected ko namang ipapagawa nila yon.

“Eto lang ba? Sus. Easy.” Sabi ko.

Mukhang naiinis siya. Wahahaha! Bote nga! Bruha kase!

“FINE! Just do that! Or else..” sabi niya na mukhang pinapaalala sakin yung tungkol kay Melissa.

At ayun umalis na si bruha.

“So, gagawin mo yan Allie?” tanong sakin ni Melissa na kakaupo lang sa tabi ko.

“Oo. Madali lang naman to e.” sabi ko at inumpisahan ko na ang misyon ko.

~~~~~~~~~~~~~~

Tingin sa likod.

Tingin sa harap.

*Click*

Tago ulit.

Phew. Para naman akong spy neto. (>___>)

“KYAAAAAAAAAAAA!!! GD!!!!!!!!!! KYAAAAAAA!!!!” sigaw nung mga babae sa paligid.

Kainis buti na lang at nandito ako nakatago sa likod ng..

TRASH CAN??? OMG. (-____-“) I look pathetic.

Pero hayaan niyo na, misyon ko to e.

*insert Mission Impossible song here*

Dumm.. dumm.. dummm..

Dum dadam… tininewwww… tinenewwww..

Hahaha! Para akong engot.

At ng makuha ko na ang sapat na pictures na kelangan nung mga bruha, tumayo na ako sa pwesto ko para umalis ng matulak ako nung isang babae.

T-Teka!! Yung CAMERA!!!!

Lagot!!!!! Tumalsik! Naku pag nasira yon lagot ako!!! Waaaaaahhhh!

Hinabol ko yun.

Para akong action star kase nalusutan ko lahat nung mga babae don.

At yun nga malapit ko na siyang masalo..  ng..

*bam*

May nakasalo sa camera.

Pag tingin ko si… GD pala ang nakasalo.

Ang awkward kase nakayuko ako at nakatingin siya sa’kin na halatang gulat na gulat.

Tahimik din ang buong paligid.

“Yo! GD! Galing mo talaga sumalo.”

Sabi nung lalaking matangkad na katabi niya.

Mukhang ewan yung suot niya. Naka loose ang damit at may cap?? Wow huh.

Jejemon??

“Give the girl her camera, Gids.”

Sabi naman nung serious na guy. Nakakatakot siya. (>____<)

Ngumiti naman si GD sa kanila.

Hindi ngiti pero napaka EVIL SMIRK!!! KYAAA! Katakot din pala tong taong to. May tinatagong halimaw sa kaloob looban ng dugo niya. (O____O)

At binaling naman niya sa’kin ang tingin niya.

Medyo nangilabot ako pero hindi ko pinakita.

Unti unti niya akong nilapitan at napapikit ako.

Naramdaman ko namang pinitik niya ako sa noo.

“Aray!!” angal ko.

“You deserve it, glasses.” Sabi niya sabay smirk at nagpatuloy sa paglalakad.

Bumalik na din ang sigawan ng mga babae.

Habang papalayo sila, papalayo din ang mga nagsisigawang babae, hanggang sa ako na lang ang matira sa pasilyo na yon.

Tulala pa din dahil sa di malamang dahilan.

------------------------------------------

Author's Note:

What do u think of GD's Attitude? hahaha cool ba? too cliche? need improvement?? hahaha! XDD Excited to know sino yung dalawang kasama ni GD?? i'll reveal them next next updates. hahanap muna ako ng bagay na chara sa kanila. :))

olrayt?? hope u like this story. :)

Will post UD .... in a surprising manner. wahahaha! XDD

I'm the nerd's Boyfriend? (On Hold for a While)Tempat cerita menjadi hidup. Temukan sekarang