7:

600 38 17
                                    

Melissa’s POV:

Nandito ako ngayon sa room namin at ako ay nagaaral dahil magkakaron ng quiz daw. Ano ba naman yon. (>___<) hindi pa man din ako mahilig mag review kasi nakakatamad. Buti pa si Allie, matalino. (T____T)

At ayun bumuklat buklat ako ng notes na sinulat ko kahapon.

Napilitan pa nga ko e. kasi naman si Allie e. baka magalit . ahahaha

“Nasaan ba yung babaeng yon?” bulong ko sa sarili ko habang hinahanap si Allie sa room.

Ay! Oo nga pala pupunta daw siya ng library.

Eh ang tagal niya e. 30 minutes na siyang wala. (-___-“)

Bigla namang dumating si Alexandria sa may pinto at parang nagdaday dreaming pa ang lokaret. Dahan dahan siyang pumunta sa upuan namin at bumuntong hininga sabay ngiti.

Hala?? Pumunta lang sa library nabaliw na??? (O___o)?

“Hui!” sita ko sa kanya.

At mukhang tsaka lang siya natauhan nung kinurot ko yung pisngi niya. Hehehe

“Aray!!! Ano ba!” sigaw niya.

Sabay naman ako nagtakip ng tenga dahil ang lakas ng pagkakasigaw niya.

“Shh!! Ano ka ba allie.. wag ka nga maingay diyan. Ikaw naman kasi e.”

“Ano ba yan.. nerd na nga maingay pa.”

 

 

“Nababaliw lang yan.”

 

 

“Crazy Nerdy Girl.”

Narinig kong nagbulungan yung mga kaklase namen.

Hay. Lumipas na ang 1 week pero heto pa din, bullied pa din kami.

Ano bang meron?

Sa dating school naman namin hindi ganito. Sikat pa nga si Allie kasi nga matalino siya tapos palaging may naiuuwing karangalan sa school namin dahil nga siya ang sinasabak sa mga Quiz bee, or kung ano ano pa.

Pero dito? Ibang iba na talaga pag college ka. (T__T)

Business kasi tinatake ni Allie ngayon since siya daw ang magmamana ng kanilang kumpanya balang araw. Ang cool noh? Ako naman tinake ko to kasi nandito si allie. Wahahaha! Oo na ako na loka loka. Bleh!

Tiningnan ko ulit si Alexandria at nakita kong malapit na niyang upakan yung mga nagsalita kanina. Pinigilan ko siya kasi baka mapaaway siya ng wala sa oras. Kilala ko pa man din ‘to. Hindi siya lumalaban kung hindi kailangan pero huwag na huwag siyang gagalitin. Masama magalit e. Papa nga niya takot sa kanya e. Ako pa kaya? (>___<)

I'm the nerd's Boyfriend? (On Hold for a While)Where stories live. Discover now