[Alexandria’s POV]
“OMG! Allie! Y-Yung cute k-kiniss ka sa ulo???” kinikilig na sabi ni Melissa.
“Ay. Parang hindi mo naman nakita millie.” Sabi ko.
“Ay.. eh di sana kung nakita ko sana hindi lang sa ulo ka niya na kiss.. kundi pati sa lips. Yieehiiiieeeeee!” pang aasar niya.
“Ano ka ba, millie. Hindi ganun yun.” Ramdam ko namang nagiinit ang mukha ko sa sobrang hiya.
Lalo na pag naaalala kong kiniss ako ni theo.
Si theo!!! Yung romeo ko! Hay~
Napa buntong hininga ako sa tuwing naiisip ko siya.
Hayyyyyy~~~
“Aray!” reklamo ko. Pano ba naman binatukan ako. (-___-)
“Ayan na naman yang pag daday dream mo. May pasok ho tayo ngayon. Tsaka ilang araw na ba nung huli kayong nagkita nung theo mo?” tanong niya.
Oo nga noh. Matagal na din nung huli ko siyang Makita.
Kahit sa library hindi pa siya pumupunta.
“Mag iisang linggo na.” matamlay na sagot ko.
Nagtataka kayo nasaan kami? As usual dito sa garden.
Tambayan namin eh.
“Hay nako. Busy na yon. Kaya ikaw mag concentrate ka nga sa pagaaral.” Sabi niya.
“Wow ha? Kelan ka pa naging masipag magaral?” tanong ko kay millie.
“Hmm.. can you keep a secret?” tanong niya.
“Oo naman. Parang ewan ka millie.”
“hahaha joke lang. siyempre sasabihin ko. Kasi sabi ni boyfriend, si Isaac? Nakwento ko na siya diba?” sabi niya.
Tumango naman ako.
Sino si Isaac?
Siya yung sinasabi nung mga witches na pinatulan daw ni Melissa na may asawa na. Pero ang totoo divorce na siya. Yun lang 10 years ang gap ni Melissa at Isaac. Kaya parang ang pangit diba? Mas bata ang edad niya. Pero mahal siya ni Isaac.
“gusto lang niya focus ako sa studies ko tapos magtatayo kami ng sarili naming business.” Masayang sabi niya.
“WOW! Si Isaac na talaga. Tama yan millie. Kamusta mo na lang ako kay Isaac ha?” sabi ko.
Tumango naman siya.
Tumayo na kami para mag ayos at bumalik sa room.
Pero may narinig akong ingay sa may likod ng school.
Meron kasing section sa school na OFF limits kasi ito yung lumang building at lubhang delikado sa mga estudyante ang magikot dito ng walang kasamang seniors or teachers.
At nandun ko nga narinig yung ingay sa likod ng OFF LIMITS na section ng school.
Pinakinggan ko ng maigi yun at tunog yun ng piano.
Napaka ganda.
Sino naman kaya ang nagpapatugtog ng napaka gandang tunog na yun?
Waaaaahh! At heto na naman ang pagiging dora the explorer ko.
Ang pagiging curious ko sa bagay bagay ang magpapahamak sakin eh noh.
Anyway, tinuloy ko pa din ang pagpunta sa OFF LIMITS area.
Tumalon ako sa nakaharang papunta sa area na yon.
“Wow.” Sambit ko habang nakatingin sa area.
YOU ARE READING
I'm the nerd's Boyfriend? (On Hold for a While)
RomanceThe Cool guy meets the nerdy girl. She hated him and He thinks she's stupid. What if the COOL guy falls for the girl? what will the nerdy girl do? will she accept his feelings? or it is a trap? Find out more about their cute love-story. GENRE: Roman...
