21: Ramen Princess

469 21 3
                                    

[Alex’s POV]

Bzzzzzzzzz…

Bzzzzzzzzzzzzzzzz..

“Ugh.. anong..”

Tiningnan ko ang phone ko na kasalukuyang nagvivibrate at ang nakalagay na caller.. sino pa ba.. eh di yung epal.. tssssss..

“HELLO?? Ang aga aga napaka istorbo mo!” iritang sabi ko.

[………]

“HELLO??? ME TAO BA?? Ibababa ko na ho.” Sarkastikong sabi ko.

[Tsss. Hurry. Im in front of your house.]

*Click*

Tss. Ang aga istorbo. Tapos binabaan pa ko?

OH COME ON!

Teka.. nasa labas daw siya ng bahay??? (O___O)

Dali dali akong lumabas para tumingin sa bintana.

At TOTOO nga! Nakaabang si Unggoy sa tapat ng bahay.

HALA HALA!!! Eh ang aga naman niyang pumasok???? (O___O)

Tumingin ako sa orasan at 7am pa nga lang.

Anong problema nitong lalakeng to???

“Arf Arf!”

Narinig ko naman si blue na kagigising lang din at agad ko naman siyang niyakap.

Agad agad naman din akong nagayos at naligo na.

Bumaba ako at nakita kong nagluluto pa lang si manang.

“Oh iha! Ang aga mo namang magising?” nagtatakang tanong niya.

Nga naman. Ngayon lang ako maaga nagising dahil sa hinayupak na unggoy sa labas. (-____-)

“Ah Eh. May gagawin pa kong project sa school manang. Mamaya na lang.” nagmamadaling sabi ko at hindi ko na siya pinatapos pa magsalita at lumabas na ako.

Pagdating ko sa gate nasa labas na pala ng kotse si Unggoy at nakasandal.

Tiningnan ko siya, he’s in his white simple shirt, pero napaka intimidating pa din niyang tingnan kahit simple lang ang suot niya. Maybe because of his strong presence na din siguro pero iba talaga ang aura ni GD. Yung tipong nakakailang tumabi sa kanya pero once na tumagal ka na sa pagsama sa kanya, nagiging komportable ka.

MULTIMEDIA ALERT ----------------> GD

Nagulat ako ng bigla siyang napatingin sakin. At ang classic poker face niya pa din ang kinaiirita ko. Parang walang pakiramdam tong tao na to eh.

“You’re late.” Casual na sabi niya.

“Late? Ang aga mo kaya. Tsaka if I know, kadarating mo lang.” sabi ko habang sinusungitan siya. Nakakainis kasi eh istorbo.

“I’ve been here for about 2 hours already.” Plain na sabi niya.

Nanlaki ang mga mata ko ng marinig yon.

“ANO??? Eh bakit hindi ka man lang kumatok or tumawag sakin agad????” gulat na sambit ko.

“I’ve called.”

Tinuro niya yung phone ko.

“Look at your phone.” Sabi niya.

Tiningnan ko nga ang phone ko at truelalooo~

Unggoy – 80 Missed Calls

“Ay.. he he he..” natatawang sabi ko.

Pero hindi ako natatawa. Kinakabahan ako. Baka murderin na ko neto. (T^T)

I'm the nerd's Boyfriend? (On Hold for a While)Where stories live. Discover now