22: Meeting Bea

431 16 6
                                    

[Melissa’s POV]

“Ang tagal naman nun.” Sambit ko sa sarili ko habang hinihintay si allie sa may bench sa labas ng building namin.

“Anong oras na ah.” Reklamo ko.

Ang tagal ni Alex. Dapat kanina pa siya nandito.

“Millie!”

Wah! Si alex! Agad naman akong lumapit sa kanya at hinug siya.

“Ang tagal mo.” Sabi ko habang naka pout.

“Sorry. Nandito naman na ko eh. Besides maaga pa. hehehe.” Sabi niya.

Ngumiti naman ako at hinawakan na siya sa kamay pero lumingon siya sa likod niya. Napalingon din naman ako at nakita ko si GD na parating. Tumingin ito kay alex.

“See you later.” Sabi nito ng walang ekspresyon saka umalis.

Napatingin ako kay alex at nagpout.

“Bakit?” nagtatakang tanong niya.

“Bakit kasama mo yun?” nguso ko kay GD.

“Ah. Sinundo niya ko eh millie. Tapos nagpasama lang siya saglit sa resto. Bakit?” tanong niya.

Nagshrug lang ako, “Wala. Tara na.” ngiti ko.

Tss. Nakakainis bakit kasama niya si GD?

Kahit gwapo siya hindi ko hahayaang mainlove si Allie sa kanya. NO!

Hindi naman sa against ako pero kasi.. lagi napapahamak sa kanya ang espren ko no! (>___>) pero siyempre wala naman akong karapatan pero NO NO NO pa din!

Sa gitna nang pakikipag argue ko sa sarili ko eh hindi ko namalayan na huminto na si allie at ako naman eh natigilan. Tiningnan ko siya pero nakatingin siya sa harap niya. Napatingin din ako at may nakita akong isang magandang nilalang.

Supermodel ang dating ng babaeng ‘to.

With her blond hair and her mesmerizing eyes na bagay sa kanya, talagang maganda siya. Ang tangkad at ang kinis ng balat. Inggit ako! (T^T)

“Alex! Oh! Nice to see you!!!” bigla niyang niyakap si allie at na-echapwera ako agad. (O___O)

“Bea! Bakit nandito ka?” gulat na tanong ni Allie.

“Ah. My classes starts today eh. I think I’m lost.” Sabi nito na para bang nagpapacute.

“Ah! Sige ano bang class mo? Patingin ng sched mo.” Sabi ni allie.

“Ah this paper ba? Here.” Sabi ni Bea habang iniabot yung sched niya kay allie.

“Ah! Sakto parehas tayo ng schedule. Ang swerte mo.” Sabi ni allie.

“Wow Gosh! Thanks Alex! I thought I’ll be lost.” Sambit ni bea.

“Walang problema. Nga pala, Bea siya si Melissa, bestfriend ko. Melissa si Bea.” Sabi ni allie habang pinapakilala niya ko.

Humarap naman si bea sakin sabay iniabot ang kamay niya para mag shake hands. Inabot ko naman yun at nagshake hands kami. Friendly naman pala pero mukhang sosyalera.

“Nice meeting you.” Ngiti ko.

“Yeah.”

Pagtingin ko nagiba ang reaksyon sa mukha niya.

Binitawan naman niya agad ang kamay ko tapos dumikit siya kay alex.

“Come, alexie. Let’s go na sa room natin. Please?” nagpuppy eyes siya.

I'm the nerd's Boyfriend? (On Hold for a While)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon