14: Accidental meet up

471 24 11
                                    

[Theodore’s POV]

“Tomorrow will be a hard day again, sir.”

“I know.” Sabi ko habang niluluwangan ang tie ko. “I’m going somewhere.”

“Somewhere? You mean that ‘School’ again? Didn’t your father told you to-.”

I glared at him. At natahimik naman siya.

“I know what dad said. And I don’t care. Im going.” Pagkasabi ko nun ay pumunta na ako sa parking para umalis na sa nakaka stress na lugar na ‘to.

While driving, I received a phone call, Its from Ace.

Siyempre sinagot ko yun.

“Hello? Ano yun? Papunta na akong school.” Sabi ko.

[Si.. Si Boss..]

“Boss? Si GD? Bakit anong meron?” tanong ko. Napaaway na naman siguro.

[B-Basta.. malala siya.. Dalian mo. Dito sa clinic.]

*click*

Malala? Anong gulo na naman kayang pinasok ng taong yun.

Tsk. At binilisan ko na ang pagpapatakbo ng sasakyan.

Nakarating na din ako at dali daling pumunta ng clinic.

Nakita ko naman sa loob si Ace at katabi niya si GD na nakahiga sa kama at may benda ang kamay niya.

“Anong nangyari?” tanong ko kay Ace.

Humarap naman ito at mangiyak ngiyak.

“S-Si boss.. *sniff*.. na aksidente siya..” naiiyak na sabi ni Ace.

Lumapit naman ako kay GD at nagsalita, “GD pre.. kaya mo yan.” Sabi ko ng maramdaman ko na may humawak sa braso ko.

“Stupid. I’m fine.”

Pag tingin ko si GD pala ang nagsalita at natatawa sa’kin.

Napatingin ako kay Ace at halatang nagulat siya kaya binatukan ko ang sira ulo, bwisit! Nagdrama drama pa ako ok lang naman pala si GD. Buset!!!!!!!!

“Baliw ka noh. Ang OA mo tumawag. Tsk.” Sabi ko kay Ace.

“Aray! Eh kase… bakit ba!” reklamo niya habang hinihimas yung ulo niya na binatukan ko.

“OA ka kase. Tsk.” Sabi ko sabay tingin kay GD. “Nangyare?”

He shrugged and look at me with wicked smile on his face.

“You’ll see.” Sabi niya.

Nagtataka naman ako sa kung anong tumatakbo sa isip niya.

Magtatanong pa sana ako ng may biglang kumatok sa clinic.

“papasok na ko.” Sabi nung pamilyar na boses.

Titingin na sana ako sa pumasok kaso bigla namang may nagtext sakin. Tiningnan ko pero binura ko din, yung epal ko lang na sekretarya.

Binalik ko naman yung tingin ulit kay GD.

May lumapit sa kanyang babae.

Mahaba ang buhok nito.

Nakatalikod siya sakin kaya hindi ko Makita yung mukha niya.

“Oh. Yung inutos mo.” Sabi niya kay GD.

Ngumisi naman tong si GD at hinablot yung binigay nung babae.

Ice coffee yung binigay niya at agad naman ininom yun ni GD.

Sira talaga ‘tong lalaking ‘to.

Gawin daw bang utusan tong babae.

Sa bagay lagi naman niyang ginagawa yan.

Ah! Teka! Eto siguro yung sinasabi niyang binubully niya.

Ano namang kinalaman niya sa aksidente ni GD? O__o?

“Alright. You may leave.” Utos niya.

“Che! Hindi mo ko kelangang utusan. Kala mo kung sinong hari. UNGGOY!” sigaw nung babae.

Nagulat naman ako dahil walang kumakalaban kay GD.

Tiningnan ko ulit si GD.

Natatawa siya.

Natatawa?? O__O?

Kahit na ginanun siya nung babae ayos lang sa kanya??

WOW! Sino ba tong babaeng to at ang lakas ng loob niya kalabanin si GD? Si GD?? Na isa sa pinaka maimpluwensiyang tao sa school maski sa labas???

“Ah wait.” Sabi ni GD dun sa babae sabay tingin samin. “I’d like you to meet them.”

Nang humarap yung babae, hindi ko na nagawa pang magsalita at napa nganga na lang ako sa sobrang gulat.

“Alex.” Turo niya sa kanya. “theo and ace.” Turo naman niya samin.

Mukhang nagulat nga din si alex at natulala na lang siya.

Gusto niyang magsalita pero hindi na niya nagawa.

Her eyes were fixed to mine and mine to hers.

Hanggang ngayon ay hindi ako makapaniwala na kilala niya si GD.

“Guys, Alex here, will be my nurse for a week.” Casual na sabi ni GD habang nakangisi.

-----------------------------

A/N:

Guys alam kong maiksi itong chapter pero dont worry lets focus on the meeting up of our charas. okie? :)))

ano kayang mangyayari sa kanila? hahahaha XDD

---------------------> anjan yung pics nilang 3 ng magkita kita sila sa clinic. hahahaha i love alex' reaction. hahahaha

©Copyright.2013//ScarletMadness

I'm the nerd's Boyfriend? (On Hold for a While)Where stories live. Discover now