24: The world against her

401 15 2
                                    

[Alex’s POV]

Hinahanap ko si Bea pero hindi ko siya Makita sa school.

Nakakainis naman kasi si unggoy eh. Bakit ba ganun siya sa kanya? Pasalamat nga siya nagustuhan pa siya ng isang maganda noh. (>___>)

Patuloy pa din ako sa paghahanap nang makasalubong ko si Melissa.

“Oh. Allie! Kanina pa kita hinahanap eh. San ka ba galing?” tanong niya.

“Ah. Kay unggoy lang, millie. Bakit mo ko hinahanap? Nawawala ba ko?” mapangasar kong tanong sa kanya.

“Natural espren kita. Lokaret ka din noh. Tsk. Tara na.”

Agad naman niya akong hinila papunta sa room namin.

“T-Teka, Millie! Si Bea kasi. Hinahanap ko. Paano siya?” tanong ko.

Hindi naman sumagot si Melissa at patuloy pa din sa paglalakad habang hawak ang kamay ko.

“Hui! Millie?” tanong ko.

Bigla naman siyang huminto sa paglalakad at humarap sakin.

“Allie. Wag mo na hanapin ang babaeng yon. Pabayaan mo siya.” Malamig na tugon niya.

Nagulat naman ako sa sinabi niya.

Bakit ganyan si Millie?

Pati ba siya ganyan kay Bea???

“What? Anong sinasabi mong pabayaan?? Anong bang sinasabi mo dyan?” agad kong inalis ang pagkakahawak niya sa kamay ko.

“Allie!” mukhang nagulat siya sa ginawa ko dahil nanlaki ang mga mata niya. “She’s.. basta.. don’t go near that girl!”

Nakarinig naman ako ng mga tawanan at hiyawan.

Napatingin ako sa may bintana ng hallway at doon nakita ko si Bea.

Kasama niya ang yung mga witches. Ano bang pangalan niya? Ah basta!

Kitang kita kong buhusan siya ng tubig sa damit niya nung isa sa mga kasama ni witch na babae.

“Tsk. Such a flirty. How dare you make a move at our prince like that. Sino ka sa akala mo?” mataray na tugon ni Witch.

“Yah. She’s a total slut.” Sambit naman nung isang kasama niya.

“Imagine? You introduce yourself to the prince, but ano.. pinansin ka ba niya?? NO! hahahhaha! So pathetic.” Sabi ni witch habang naka cross arms.

“Yeah! Pathetic!” sabat naman ng mga kasama niya.

Nakita ko naman ang mukha ni Bea na nangangalaiti at nakayuko.

“Hahaha! Don’t ever make asa na the prince will notice you. UGLY.” Pagkasabi niya nun ay tinulak niya si Bea dahilan para matumba ito. Nakayuko pa din si bea at walang imik.

Agad agad naman akong bumaba para tulungan siya.

Pipigilan pa sana ako ni Melissa pero sinamaan ko siya ng tingin.

Habang pababa ako nakasalubong ko sila witch.

Hinarangan nila yung dadaanan ko.

“You. You’re lucky na naawa sayo si prince kaya ka niya ginawang slave niya. PERO don’t expect na magugustuhan ka niya. Tsk. Dream on, nerdy.” At tiningnan niya ako mula ulo hanggang paa bago siya umalis.

Agad naman akong pumunta kay bea.

Tumingin lang ito sakin at niyakap ako.

Niyakap ko lang din siya.

I'm the nerd's Boyfriend? (On Hold for a While)Where stories live. Discover now