Chapter Five

114 7 0
                                    

Chapter Five

"Aray, dahan-dahan naman."Pagmamaktol niya habang ginagamot ko ang sugat niya. Nasa clinic kami sa labas ng campus. Ayaw niya kasi doon sa clinic namin sa school kasi nandoon din sina Cloud at Maika.

"Sorry. Ikaw naman kasi ba't mo ba siya sinuntok? kaya ko naman ang sarili ko tsaka di na ko affected sa kanya."pagsesermon ko sa kanya pero sa totoo lang alalang alala talaga ako.

"Sorry Shane, but i can't help it. To see that his trying to get you back. I would not allow that to happen."

"Eh hindi ko na rin siya mahal, tsaka okay na ko ikaw lang naman yong di pa eh."

"Okay na rin ako. Sa ilang linggo't buwang naging tayo, I realized something. Mas deserve ko ang sang tulad mo Shane."Tiningnan niya ko at pinatigil ang kamay ko sa paggamot ng sugat niya, marahan itong hinimas at masuyong tumingin sakin. Waah, ano bang ginagawa niya sa kamay ko? tsaka sa puso ko na halos nagwawala na sa loob ng dibdib ko."I think I'm fallin for you Shane."mga salitang talagang nagpawindang sa natutulog kong kaluluwa.

"Ha.. a---aah hehe nanggogoodtime ka na naman eh, tigilan mo na nga yan di sayo bagay."inalis ko ang kamay ko sa pagkakahawak niya at mahina siyang tinapik sa balikat, pilit kong pinagtatakpan ang pinagsasabi niya kahit alam kong totoo yon. Dahil na siguro sa ayaw kong maging rebound tsaka malay mo bugso lang ng damdamin, naku ayoko nang mabiktima ulit.

"Shane, i'm serious. Totoo ang sinasabi ko, i'll prove to you that I don't want you to be with him again, you belong with me okay. With me and no one else."isang masigabong dagundong ang sumiko sa puso ko, para atang mahihimatay ako sa tuwa sa sinabi niya. Akalain mo yun, inlove siya sakin? haha naduling ata tu eh.

"Sige na Oo na, nandoon na tayo. Eh pano kung saktan mo din ako't pagmukhaing tanga tulad ng ginawa niya? ang hirap ng magtiwala ngayon Chris. Wasak na wasak ako nang makilala mo ko ayokong magmahal sa taong wala pa akong tiwala."

"Naiintindihan ko yun kasi parehas lang din naman tayo diba? Parehas tayong.. sawi". tapos ngumiti siya. Humay."Kaya please trust me, I know that its so hard to deal with the pain of losing someone na mas pinili ang iba kesa sayo. Kaya ako nandito para patunayan sayo.. na hindi ako katulad niya, hindi ko sisirain ang tiwala mo sakin, believe me I mean it."

Speechless ako, wala akong masabi as in. Kaya nagulat ako ng tumayo siya at niyakap ako ng mahigpit.

"Please maniwala ka sakin, I love you and I really do." bumitaw siya tapos mataman akong tinignan habang hinahawakan niya ang gilid ng mukha ko. Bumibilis lalo ang tibok ng puso ko ng papalapit ng papalapit na ang mukha niya sa mukha ko, mariin akong napapikit. Waah tama ba tong ginagawa ko baka sabihin niyang easy-to-get ako. Ayan na.. hindi ako makahinga..

"E-ehem."

Napapitlag kaming dalawa ng bigla na lang sumulpot ang 50 years old na si Mrs. Rodriguez, Doctor dito sa clinic bestfriend din siya ng yumao kung mama. Nanunukso siyang tumingin sakin, naku.. baka isumbong ako nito kay Papa..

"Pasensiya na Tita.. A-h hinihipan ko l-ang po yong mata niya.. Oo tama, na-napuwing kasi siya eh diba?"siniko ko ng mahina si Christian para pasang-ayunin sa palusot ko..

"A-hh opo Tita napuwing ako mabuti nalang hinipan ni Shane, kaya ayan wala na."parang timang si Christian na binuka pa ang kanang mata para ipakita kay Doc.

Ngumiti naman si Doc habang naglalakad palapit samin.

"Kayo talagang mga bata kayo, ang dami niyong palusot. Eh kitang kita ko na nga oh."tapos ngumuso siya na animo pinakita samin yong muntik na naming gawin kanina.

Napayuko ako sa sobrang hiya. Pakiramdam ko sa sobrang init ng mukha ko ay namumula na rin na parang kamatis sa hiya. Napansin yon ni Tita.

"Okay lang yon Hija't Hijo normal lang naman yan sa mga magnobyo tsaka alam niyo na rin yong mga dapat at di dapat niyong gawin kasi nag-aaral pa kayo alam niyo na ang magiging resulta pag nagmadali kayo."pagpapayo niya samin.

"Naku, Tita wala pa po sa isip ko yan".ginalaw ko ang kamay ko na sign na hindi ko pa naman talaga gagawin yon. Bata pa ko. hehe

"Ako din po Tita, study muna bago baby."nagulat ako sa biro ni Christian kaya hinampas ko talaga siya ng malakas. Dumoble yong pagpula ng mukha ko, kasi naman mga pinagsasabi ng lalaking to. Tumawa lang si Christian pati na rin si Tita napangiti sa sinabi niya.

"Ikaw talagang bata ka, mabuti't alam mo.
Mahal ang bigas ngayon no? kaya mag-aral muna kayo."nakangiting sabi ni tita."Oh siya nga pala, masakit pa ba yang sugat mo?."pagbaling niya ng tingin kay Christian at marahan ding tinignan ang namumula parin nitong pasa sa pisngi.

"Hindi na po masyado tita, galing po kasi ng nurse ko eh."nagpapakilig na naman. hehe

Mukhang pati si Tita kinilig sa tinuran niya.

"Naku Hijo naaalala ko sayo ang yumao kong asawa, katulad na katulad mo din siya palabiro pero mapagmahal."parang namasa masa ang gilid ng mata niya, matagal na din kasing patay si Tito almost15 years na. Nilapitan ko at Niyakap ko siya ng patagilid.

"Hwag ka na pong malungkot tita, andito naman po kami para patawanin kayo't alagaan."buong sensiridad kong sabi sa kanya. Mataman lang nakatingin samin si Christian..

"Oh siya siya baka magkaiyakan pa tayo dito.."sabay punas sa gilid ng mata niya. Kumalas din ako sa pagkayakap sa kanya.

"Sige po tita, we'll go now then.. ingat ka po lagi and thank you po.. Tara Shane"hinawakan niya ako, nilingon ko si tita at kumaway. Tumango sakin si Tita at Binigyan niya naman ako ng mapanuksong ngiti sabay kindat.

To be continued...

The Brokenhearted GirlTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon