Chapter Seven

130 8 0
                                    

Chapter Seven

Christian POV's

Hindi ko alam kung ano ang tumatakbo sa isip ni Cloud ngayon. Lalo na sa nabalitaan namin ngayon na kalat na kalat sa buong campus na alam kung siya ang may gawa. Natatakot ako sa pwede niyang gawin kay Shane. No, hindi ako papayag. Kung pwede ko lang siya bantayan maghapon, sunduin sa bahay nila't ihatid pauwe gagawin ko.

"Hoy.. tulala ka dyan anong nangyare sayo?"nagulat ako ng konti sa biglang pagbungad ni Shane sa harap ko. May pagkakabute talaga tong girlfriend ko. She makes me smile everytime na sumusulpot nalang siya kung saan and that was the unique trait of her. Kahit na may pagkaweird siya minsan, pero sobrang ganda niya di niya lang talaga makita..

Nandito kami sa isang convenient store para bumili ng makakain. Dala-dala niya na ang mga pagkain na gustong niyang kainin para sa kanya lang talaga lahat ng binili niya. Ang takaw talaga ng babaeng to, di naman tumataba.

"Ano ba yang mga binili mo? ba't parang puro matatamis tska noodles.. Koreana ka ba, puro spicy pa yan.."panenermon ko sa kanya, puro naman kasi unhealthy food yong binili niya.

"Sabi mo, bumili ako ng gusto ko. Eh yan ang gusto ko eh, tch ibabalik ko na nga lang to dun."ang cute cute niya talaga pag nakasimangot. Pinigilan ko siya sa pagtayo, umupo naman siya pero nakasimangot."Oo na, sige na.. pero ngayon lang yan ah, next time sa restaurant na tayo para makakain ka naman ng masarap.. Para ka kasing PG eh.."PG means Patay Gutom. hehe

"Anong sabi mo?"naaasar na talaga siya. Namumula na ilong eh, pero ang cute.

"Wala, sabi ko kainin mo na yan kasi alam kong gutom na gutom ka na."binigyan ko siya ng mga signature smile ko pero inirapan niya lang ako. Why is she so gorgeous?

"Maiba ako.. Ba't tulalang tulala ka? dahil ba sa kumakalat na balita sa campus?"

Saglit akong natahimik at seryosong tumingin sa kanya.

"Promise me.. na hindi ka mawawala sakin.."nagulat siya sa sinabi ko, hindi niya kasi ako naiintindihan sa ngayon.

"Ba't naman ako mawawala? saan naman ako pupunta? tsaka lagi naman tayong magkasama ah.."pagbibiro niya.

"Shane I'm not joking, please promise me.."

"Okay.. okay, hindi ako mawawala sa tabi mo, promise.."ngumiti siya ng maaliwalas.. Gumanti rin ako ng ngiti sa kanya, kaya medyo namula na naman siya.. Ang cute niya talaga pag kinikilig.."A-no kain na tayo.. (matutunaw na ko sa ginagawa mo).."medyo binulong niya yong last line na sinabi niya, akala niya di ko narinig.. Hehe mukha talaga siyang timang kung minsan,

"What did you say?"pagmamaang maangan kung tanong, medyo nataranta siya ng konti sa tanong ko..

"W-wala.. sabi ko masarap tung noodles oh, tikman mo.."galing magpalusot ah, bilib na talaga ako sa kanya.. Mukhang masarap nga, naaamoy ko yung flavor na Beef, oo nga pala paborito niya ang Baka.. "Dali na, nangangalay na ko oh."pagmamaktol niya sakin kasi susubuan niya pala ko, hindi ko man lang napansin..

"Masarap?"..Ngiting tagumpay siya ngayon.. Halos mabuga ko na ang noodles, ang anghang..

Napaubo ako bigla kasi bumara sa lalamunan ko ang anghang ng noodles.. Nataranta naman siya bigla, kaya dali dali niyang binuksan ang isang bottle ng tubig at agad na binigay sakin..

"Okay ka lang? Sorry, di ko kasi alam na hindi ka pala mahilig sa maanghang."malungkot niyang sabi. Hinawakan ko naman ang kamay niya na nakapatong sa lamesa..

The Brokenhearted GirlWhere stories live. Discover now