Chapter Ten

103 5 0
                                    


"Cloud? ano bang kailangan mo sakin?"

"Nakikipagbalikan na ko sayo pero ayaw mong makinig sakin, kaya sa ayaw at sa gusto mo mapapasakin ka."at akma na niyang akong hahawakan. Sinipa ko siya sa maselang parte ng katawan niya kaya namilipit siya sa sakit at tumakbo ako palayo sa kanya.

Di ko alam kung nasaan ako, madilim ang buong silid at halos butas nalang ng mga dingding ang nagsisilbing ilaw. Parang nasa luma akong building. Takbo lang ako ng takbo at pilit na hinahanap ang daan palabas. Nang malapit na ko sa labas.

"Shane!."sigaw ni Cloud na may hawak na baril at nakatutok saakin. Kaya paghakbang ko ulit palayo sa kanya, narinig ko nalang ang pagputok ng baril at pagtagos ng bala nito sa likod ko.. Naramdaman ko ang hapdi at sakit sa likod ko. Nahilo ako kaya nabuwal ako sa pagkakatayo. Ganito pala ang pakiramdam pag nabaril ka.

Naramdaman ko ding may nakahawak sakin at di ko maaninag ang mukha. Pero pamilyar ang boses niya. Habang tinatawag niya ang pangalan ko at umiiyak habang pilit akong ginigising. Namamanhid na ang katawan ko, at tanging sigaw nalang niya ang naririnig ko..

Napabalikwas ako sa higaan sa lakas ng katok sa pinto. Sobrang lakas din ng tibok ng puso ko, at paghawak ko sa mukha ko tumatagaktak ang pawis ko. Narinig ko nalang na bumukas ang pinto at iniluwa nito si Christian, si Papa at si Kuya.

"Shane okay ka lang?.."agad na lumapit si Christian sakin na sobrang nag aalala pati si Papa at Kuya..

"Bunso, ano ba nangyare ba't nagsisisigaw ka?"

"O-kay lang ako.. te-teka, sumigaw ako?"maang kong tanong."Binabangungot ata ako eh, hehe. pero okay lang ako.. Tara almusal na tayo, tanghali na oh.."pag iiba ko ng usapan, ayoko ng ikwento sa kanila yon ksi di naman yon mangyayare panaginip lang yon. Lumabas na sina Papa at Kuya. Kaya tumayo na ko at umakbay naman sakin si Christian.

"Okay ka lang ba talaga?"pag uusisa niya parin.

"Oo naman, gutom lang to.. tsaka natulog kasi ako ng busog kaya binangungot ako.."

"Hm. Baka di ka lang naligo eh. Haha"siniko ko nga sa sikmura pero mahina lang."Aray!"

"Humihirit ka na kasi, aga aga pa eh. Siya nga pala kumusta naman tulog mo kagabi don sa sala? Malamang pinapak ka ng mga lamok dun."pang aasar ko sa kanya.. Malapit na kami sa hapag kainan at busy na sina papa at kuya sa paghanda ng mga plato kaya tumulong na ko, habang si Christian naman tumulong paglapag ng mga almusal..

"Pano papapakin ng lamok yan eh, binilhan ko ng katol at binigyan ko ng kumot na lampas tao.. Kawawa naman yang boyfriend mo, pagnadengoy iiyak iyak ka.."sabi ng mabait kong kuya.. Nakaupo na kami sa harap ng hapag kainan..

"Nagseselos na talaga ko sayo Christian, sobrang close mo na pati sa Kuya ko.. Kita mo, kinumutan ka pa tapos binilhan ka ng katol samantalang ako, aasarin lang ako niyan tapos bago ko magising susulatan at dodrawingan pa niyan ang mukha ko.. lakas ng trip niyan eh.."nakapout kong sabi pero masaya ako kasi super close na sila ng kuya at talagang mabait si Kuya lalo na pag may nakikitulog dito sa bahay..

"Oh wag ka ng magselos bunso, susubuan nalang kita.. say aaahhh.."

"Kuya naman eh.." at pinagtawanan nila ako, nagmumukha akong isip bata pagkasama ko tong kuya ko..

Cloud's P.O.V

"Ma, we need to stop Ivan. Isumbong na natin siya sa pulis."

"Hindi. Hayaan mo lang siya, he knows what he's doing."

"Pano niya malalaman ang ginagawa niya eh baliw siya!"malakas na dumapo ang palad ni mama sa pisngi ko.

The Brokenhearted GirlHikayelerin yaşadığı yer. Şimdi keşfedin