Chapter Six

123 7 0
                                    

Chapter Six

Pauwi na ko ng bahay ngayon galing 7 eleven dahil inutusan ako ni Papa na bumili ng pang midnight snack kasi magmomovie marathon kami mamayang gabi..

Past 5pm na ko nakalabas sa store at bitbit ang malalaking Chips pati na rin in can na softdrinks..

"Hay di man lang ako sinamahan ni kuya, nakakaasar."pabulong kong sabi.

Habang paliko na ko sa isang street papasok ng Village namin, nakita ko ang isang pamilyar na kotse. Hindi ko nalang pinansin at dumiretso ako sa paglakad ng maagaw ang atensyon ko ng isang babaeng nasa 40 na siguro pero hindi halata dahil sa balat niyang malaporselana at halatang wala pang wrinkles. Sa tindig niyang pangmayaman at sa damit niyang magara, napansin ko rin ang tingin niya sa paligid na mukhang diring diri dahil pinupunasan niya ang mga braso niya. At sandali akong napatda sa kinatatayuan ko ng tumama ang paningin niya sakin. Lumapit siya sakin.

Bakit siya nandito? anong ginagawa niya sa lugar namin?

"Oh there you are."nakataas ang kilay niya sakin. Isa siyang nakakatakot na nilalang.

"M-agandang Hapon po." magalang kung bati sa kanya kahit na kinakabahan na ako sa takot.

"Hindi na ako magpapaligoy ligoy pa sayo Shane, pinagsabihan na kita noon na layuan mo ang anak ko."Si Cloud ang tinutukoy niya. Oo siya ang Mama ni Cloud. Nakakatakot talaga siya para siyang Mama ni Dao Ming Xi..

Huminga ako ng malalim. At direkta siyang tiningnan sa mata.

"Matagal ko na pong nilayuan ang anak niyo. Hiwalay na po kami."matigas kong sabi.

Ngumiti siya ng mapakla.

"You're a liar. Cloud said to me you two are back together. Kaya wag mo kong subukan Shane, hindi mo alam ang kaya kong gawin. Lumayo ka na sa anak ko."pagkasabi niya non ay mabilis siyang naglakad palayo. Di ko na magawang magalaw ang paa ko, hindi man lang niya pinakinggan ang explanation ko. Matagal na kaming hiwalay ni Cloud, tsaka bat sinabi yun ni Cloud bakit niya sinabing kami na ulit nasisiraan na ba siya ng bait?

Nakarating ako sa bahay na halos lutang..

"Bunso ano bang nangyari sayo at di mo pa ginagalaw ang pagkain mo?."bigla akong natauhan sa sinabi ni kuya. Nagdidinner na kami ngayon at halos kanina pa ko wala sa sarili.

"Oo nga nak. Kanina ka pa tulala dyan, nag-away ba kayo ni Christian?"nag-aalalang tanong ni Papa..

Ngumiti ako ng malapad para pagtakpan ang kanina ko pang pagkatulala.

"W-wala po Pa. Okay lang ako, tsaka di po kami nag-away ni Christian."

May kumatok bigla sa pinto kaya napahinto kaming lahat sa pagkain. Ako nalang yong nagbukas ng pinto.

"Hi."nakangiting bungad ni Christian.

Napangiti din ako ng maluwag ng makita ko siya. Ang gwapo-gwapo niya sa suot niyang gray na v-neck shirt at black maong pants, he wore such a nice smile that make my heart melt.

"Pwede bang pumasok?"nakangiti niyang sabi.

"A-ahh."napakamot ako ng konti."Hehe oo nga pala pasok ka."giniya ko siya papasok sa sala.

"Mukhang natutulala ka na sa kagwapuhan ko ah."sabi niya..

"Tss, asa ka namang gwapo ka.."inirapan ko siya para pagtakpan ang namumula kong pisngi at sobrang kilig na nararamdaman ko kanina pa.."Maupo ka na nga dyan, kumain ka na?"

"Hindi pa nga eh.. pwede bang makikain? gutom na gutom na kasi ako eh.."narinig ni papa yong sinabi niya..

"Chris, halika na dito sabayan mo na kami."sabi ni papa,

"Thank You Dad.. coming na po.."tumayo siya, tapos kumindat sakin saka tinungo ang dining area namin..

Napatulala na lang ako sa sinabi niya. Dad? feel na feel niya talaga ang pagtawag sa papa ko ng Dad ah. May sumilay biglang kakaibang ngiti sa labi ko, kinikilig ako haha.

Sobrang saya ko habang nakatingin kina Papa at Christian. Nasa sala kami ngayon nagmomovie marathon, halos mapuno ng tawanan ang bahay namin dahil sa pinapanood naming palabas. Magkatabi kaming nakaupo sa sahig habang kumakain ng crackers nasa upuan Naman si papa at kuya gusto kasi ni Christian sa sahig maupo kasi gusto niya maexperience magmovie trip na nakaupo sa sahig hindi sa upuan ng sinehan, kada kuha ko ng cracker at subo nito sinusulyapan ko siya at lihim na ngumingiti. Pero nagulat ako ng muli akong lumingon sa kanya, nakatingin na siya sa kin at ngumiti ng nakakaloko.

"Kanina mo pa ko tinitingnan, gwapong gwapo ka naman sakin."ngumiti siya sakin sabay kindat. Parang nanuyo bigla ang lalamunan ko dun ah, tapos pakiramdam ko lalagnatin ako.

Umiwas nalang ako ng tingin sa kanya baka makita niyang pulang pula na ko sa mga pinagsasabi niya.

"Hehe bigla ata lumakas ang hangin ah."palusot ko. Kanina ko pa kasi talaga siya tinitingnan.

"Palusot pa eh."tapos pinisil niya ang magkabila kong pisngi."Ang cute cute mo talaga pag naaasar."Ngumiti na Naman siya ulit.. waaah Tama na please di ko na kaya, sobra sobra na to.. halos sasabog na Ang dibdib ko..

"Okay ka lang? Bat Ang.. init init ng mukha mo?"sabay dampi ng kamay niya sa noo ko.

Napapitlag ako. Shet na malagkit, Ang init nga NG mukha ko.

"A--ah haha w-wala, o-kay lang ako. Wait Lang CR muna ko h-hehe."hiyang hiya talaga ako, bat ganun..? Bakit Ang init ng mukha ko.

Pagbalik ko sa sala, wala siya.. kaya sumilip ako sa balkonahe, nakita kung may kausap siya sa cellphone niya..

Hindi ko na sana pakikinggan ang pag-uusap nila pero pag talikod ko..

"Shut up Cloud, nasisiraan ka na talaga ng bait ano? Mahal ko si Shane kaya wag mo ng ipilit ang sarili mo dahil hindi ka na niya mahal.."dinig na dinig kong si Cloud ang kausap niya, saglit kong sinulyapan ang cellphone ko sa sahig na pinatong ko kanina pero wala na ito don.. Cellphone ko ata ang gamit ni Christian, pero pano nakuha ni Cloud ang no. ko?

Napansin kong iend call na ni Christian ang tawag ni Cloud at bahagya siyang nagulat nang makita niya kong nakatayo sa gilid ng pinto.

"Nakakagulat ka naman. Kanina ka pa dyan?"tanong niya.

"Di naman masyado, bigla ka kasing nawala kaya sinilip ko kung nandito ka. Si Cloud ba kausap mo kanina?"nag-aalala kong tanong,

Nong nakalapit na siya sa kin. Muli niyang dinampian ang noo ko ng palad niya.

"Hay, pinag-alala mo ko. kala ko nilalagnat ka.. Wag ka magpapaulan ah, uulan daw bukas sabi sa weather forecast.. Magdala ka ng payong,"grabe hindi naman talaga siya nag aalala niyan..

"Opo.. pero di mo pa sinasagot ang tanong ko.. Si Cloud ba kausap mo kanina?"

Naging seryoso bigla ang awra niya.
"How did he get your number? kala ko ba wala ka ng komunikasyon sa kanya?"

"H-hindi ko alam.. matagal na kong walang kontak sa kanya simula nong magbreak kami.. tsaka, nagpalit na ko ng number.." paliwanag ko.

"Magpalit ka ulit ng number mo".dinukot niya sa bulsa ang cellphone niya at tinanggal ang isang sim don at nilagay niya sa cellphone ko na hawak niya."Ito na bagong number mo, wag na wag mo tong ibibigay sa loko mong ex ah.. babasagin ko ulit mukha niya".saka niya inabot sa kin yong cellphone ko, yong sim ko naman na tinanggal niya pinutol niya at binulsa.. Ibang klase, galit ba siya?

"Galit ka?"

"No, galit ako sa kanya. Sira ulong yon gusto ka pang balikan, baliw talaga siya.. Idadamay ka pa sa kabaliwan niya.."nakita ko kung pano niya kinuyom ang palad niya. Galit nga talaga siya."Wag na wag kang lalapit o sasama sa lokong yon, baka mapahamak ka pa".

"Ha, anong ibig mong sabihin?"

"Wala, just don't mind it. Sundin mo nalang ako. Tara na, manood na tayo ulit."sabi niya, hinalikan niya muna ko sa noo sabay hawak sa kamay ko at giniya ako sa sala.

Ano bang ibig niyang sabihin? Ba't pakiramdam ko may tinatago sa kin si Christian.

To be continued..

The Brokenhearted GirlWhere stories live. Discover now