Chapter Fifteen

124 6 0
                                    

Hi Everyone! Septembermushroom here. Kumusta? Ano ba masasabi niyo sa story ko dahil Last Chapter na to gusto ko lang marinig ang mga comments niyo sa kwentong to. 🙂
Anyways, may bago akong story, His Driver sana po'y patuloy niyo parin suportahan ang mga sinusulat ko, at I hope na sana nagugustuhan niyo naman kahit na pangbeginner palang ang story ko. Hehe,

Abangan niyo sana ang Last Chapter na to ng The BrokenHearted Girl.

***

Chapter Fifteen

Christian's POV

Natatakot na naman ako sa gagawin naming to. Bat ba kasi di pa nahuling hinayupak na yon. Nakakaasar. Hindi pa siya natuluyan sa tama ng baril sa kanya.

Gumawa kami ng plano kanina para mahuli siya at si Shane na naman ulit ang magbubuwis ng buhay. Nilatag na din namin sa pulis ang plano naming magsusuot ng alarm device si Shane na nakaalarma din sa lahat ng pulis once na ginamit niya na ito at para malaman namin kung nakapasok na si Ivan sa Kwarto niya.

Lahat kami kinakabahan sa gagawin namin, kaya bago kami lumabas sa kwarto ni Shane ay niyakap ko muna siya.

"Shane naman, ayoko ng ganito."

"Hindi ako matatahimik pag hindi pa siya nahuli Chris. Nasa panganib pa rin ang buhay ko kapag lumabas ako dito na wala pa siya sa kulungan."

Napahawak ako sa sintido ko at tinignan siya. Alam kong natrauma siya sa mga nangyari kaya kahit ayaw ko sinuportahan ko parin siya para makulong na din si Ivan.

"Please this time, mag ingat ka na ha. Di ko na alam gagawin ko pag nawala ka na naman ulit."napangiti siya sa sinabi ko.

"Promise mag-iingat ako. Nandyan ka lang naman sa labas di ba? Magiging okay din ang lahat."

"I love you."

"I love you, too."

Niyakap ko ulit siya ng mahigpit saglit lang iyon at alam kong magugulat siya sa gagawin ko, hinawakan ko ang gilid ng mukha niya at walang anu-ano'y hinalikan ko siya sa labi.

Marahil ay nagulat siya bigla, pero umayon na rin siya sa paghalik ko. Saglit lang ang halik namin na yon pero punong puno ng pagmamahal, ayoko ng mawala siya ulit kaya gagawin ko lahat para matapos na to.

Hinalikan ko ulit siya sa noo.

"Be careful. Please, promise."

Tumingin siya sakin, ngumiti at saka itinaas ang kanang kamay patunay na nangangako siya.

"I love you so much."pabulong kong sinabi sa tenga niya.

At namula na naman siya sa ginawa ko.

"I love you, too much. Kaya sige na, don ka na sa labas. Kaya ko na to."matapang niyang sabi.

"Lalabas na muna ko, pindutin mo kaagad yang alarm device ah. Wag mong kakalimutan."

"Yes, boss."nakasaludo pa siya sakin.

Tumayo na ko at tinignan siya, saka naglakad palabas.

Mahuhuli ka na ngayon Ivan. Hindi ko na to palalampasin.

Third-Person

Nagmamadaling pumasok si Ivan sa isang office ng doctor.

Nakita niyang nakaupo ito pero nakatalikod sa kanya mukha itong tulog walang imik na nakahiga ito sa upuan.

Mabilis siyang kumuha ng lab. gown ng doctor na nakasabit sa may hanger stand.

"Sino ka?"nanginginig na tanong nito kay Ivan.

The Brokenhearted GirlWhere stories live. Discover now