Chapter Three (part 1)

149 8 0
                                    

Chapter Three (1)

Last subject na namin ngayong hapon at Hindi ako makapag isip ng maayos. Paano ba naman kasi, ewan ko ba sa kolokoy na yun. Bat niya ba sinabi yun.

--
"Magpanggap nalang tayong magboyfriend, okay ba sayo?"anak ng.. ano daw?! pakiramdam ko tuloy bumara yung pagkain sa lalamunan ko kaya bigla akong napaubo.

"Etong tubig oh ----

"Ano bang pinagsasasabi mo? wala ka man lang pasakalye dyan".

Tumingin siya sa sakin na parang nagsusumamo.

"Okay. Ganito kasi yun, girlfriend ko si Maika we've been together in almost two years.At bigla niya lang din akong brineak ng walang dahilan, tapos nalaman ko na lang na sinulot siya ng gago mong boyfriend."He look pissed.At alam ko kung ano ang nararamdaman niya, parehas kasi kaming sawi.

"Ahh. gusto mong maghigante? at magagawa mo lang yun pag nakipagcooperate ako sayo?."ngumiti ako ng mapait, eh sira ulo pala talaga tu eh sarap tadyakan. Idadamay pa ko sa mga kalokohan niya.

"Oo parang ganun na nga. Alam ko na nagmumukha na akong engot sa paningin mo but I want to win her back, mukhang nasisiraan na nga ata ako ng bait".pangiwi siyang ngumiti at tumingin siya sa malayo na animo may tinatanaw kahit wala naman.Mukhang desperado nga ang loko.

"Hindi naman madali yang gusto mo eh. Hindi kita gusto at mas lalong di rin kita type."umiling-iling ako." oo sira na nga yang tuktok mo."

"Para din naman sa tin to, malay mo magwork. Malay mo marealize nila bigla na tayo parin pala ang mahal nila at hindi sila para sa isat isa. Why dont we give it a try, try lang. Please?."nagsusumamo na siya at this time, nakatingin na siya sakin pero di ko siya tinitingnan.He's waiting for my response.

Lecheplan, mas mahirap pa ata tu sa exam kanina. Ang hirap sagutan.

"Saglit naman, pwede bang pag isipan ko muna?."tumayo na ko, at naiilang na tumingin sa kanya"Tara, pasok na tayo."

"Okay sige. Sabay tayong umuwi mamaya, at dapat may sagot ka na."tumayo na siya at kinuha ang box na pinagkainan niya pati na rin yung sakin, oo nga pala nakakahiya. Hinablot ko ulit yung box na pinagkainan ko.

"Ako na. Salamat."at itinapon yun sa trash bin malapit sa dinaraanan namin papunta sa room.Hindi pa nga ako umu oo sa kanya eh tapos ang sweet niya na agad? lalaki nga talaga oh kala lahat ng babae madadaan nila sa mga ganyan ganyan.Naku wag ako.
--

Napapatda ako bigla ng pukpukin ni Sir ang desk. Anu ba yun? nawawala na ata ako sa sarili ko.

"Are you done Ms. Contiz?"tanong ni Sir. Ang gwapo niya talaga, binata pa kasi at balita ko kakabreak lang din niya nung nakaraan sa gf niya. Bat ba ganun ang mga lalaki? mahal ka tapos iiwan ka sa bandang huli.

Napakurap ako bigla. "Y-yes s-ir, tapos na po."

"Okay. Pass your answer sheet on my table and you can go."ika ni Sir.

Sabagay last subject na namin ngayon kaya makakauwe na ko.

"Okay Sir. Thank you!"ngumiti ako sa kanya at umalis na siya sa harap ko't pumunta sa table niya.

Inayos ko muna ang mga gamit ko pagkatapos lumakad ako papunta sa table niya at pinasa ang papel.

Nang akmang palabas na ko sa pinto ay siya namang pagbunggo sakin ni Christian dahil tapos na rin siya at ipapasa niya na ang papel niya. Tiningnan ko siya ng masama.

"Antayin mo ko."pabulong niyang sabi.

Padabog akong lumabas ng pinto at masama siyang tinitigan sa bintana ng classroom habang nakasandal sa labas sa tapat ng room namin.

"Kaasar naman. Bat ko ba kasi siya kinausap kanina kung alam ko lang na ganto di ko nalang sana siya kinausap." pabulong kong sabi at humugot ng malalim na hininga sabay buga na may kasamang disappointment.

Di ko na namalayang mabilis din pala siyang nakalapit sa kin.

"Anong binubulong bulong mo dyan? tara na."tapos lumakad na siya at iniwan ako.Kaasar talaga tu, siya may sabing antayin ko siya tapos iiwan lang din ako. Hay, nakakarami na talaga siya sakin.

Sumunod nalang din ako sa kanya, para akong aso.

Hanggang sa makalabas kami sa campus ay wala parin kaming imikan.Habang naglalakad kami ay natanaw ko na namang magkasama si Cloud at Maika na sweet na sweet na nag-uusap sa labas ng kotse ni Cloud.

Ayaw ko silang tignan, kaya tumalikod ako at nagbalak na sa kabila nalang dumaan.

Marahan namang hinigit ni Christian ang braso ko at pinaharap sa kanya. Nakayuko lang ako at alam kong mataman siyang nakatingin sakin.

"Tatakas ka na naman? Paano mo siya makukuha ulit kung ganyan ka.Sinabi ko na sayo ang plano diba?"

"Pero-

"I will not accept your but's Shane.Deal with me."maawtoridad niyang sabi.

Inangat ko ang mukha ko at tumingin sa kanya.Alam kong pulang pula na ang mata ko at kanina pa nagpipigil sa pag-iyak.

Tumango nalang ako at nagulat ako ng bigla niyang hawakan ang kamay ko.

"Oh well look who's here."napatingin ako sa nagsalita, si Maika, nakangiti. Nakalapit na pala siya samin.

To be continued..

The Brokenhearted GirlWhere stories live. Discover now