CHAPTER 13 - Confession

Magsimula sa umpisa
                                    

"Ah--boss. M-may problema ba?" tanong niya.

"Khym nlng Angela, no need to be formal anymore. Friends naman tayo dba? Sorry rin sa nung naging cold ako sa'yo, hindi ko kasi alam na magka-"

"Okay lang po yun! Alam ko naman ang reason kung bakit ee. Ayiee! Haha." tukso pa niya.

"A-alam mo pala?" gulat na sabi ko.

"Oo naman! Nagseselos ka sa akin nun ee kasi akala mo girlfriend ko si Nicole. Pero actually it was all a lie."

"Ah--so alam mo pala na may feelings ako sa kanya?" hiyang sabi ko.

"Yep! Umm gusto niyo po ba ng tulong ko?" tanong niya.

"That's why I'm here."

****************************************************************

Nicole's POV

GRABEEEEEEE ANG LAKIIIIIIIIIII NG BATHROOOOOOOOOOOOOOM! Mas malaki pa nga ito sa bahay namin eeh! Eh bathroom lang ang laki na, lalo na kaya ang whole rooms! Gusto ko ng tumira dito T________________T

Pagkatapos kong maligo, nagbihis ako kaagad at pumunta sa bedroom. Humiga ako and I didn't waste the chance to snuggle  the bed. Aaaaaaah ang lambot nito ohhh ~.~ Parang nakahiga ako sa marshmallows, ang sarap matulog neto. Ahhhhhhhhhhhh ~.~

.

.

.

.

.

*tok* *tok* *tok*

Huh?

*hikab*

Hindi ko namalayan na nakatulog na pala ako. Binuksan ko yung pinto, akala ko si Khym pero hindi, dalawang babae na staff ng resort ang nasa harapan ko.

"Umm, a-ano po yun?" tanong ko.

"Good Evening mam! Pinapapunta ka po sa Beauty Room kasi may okasyon po ngayong gabi. Iniimbita ka po." sabi nung isang staff.

"H-huh? Anong okasyon? Wala naman akong natatandaan na inimbita ako sa isang party, t-tapos wala akong damit para sa mga ganyan." sabi ko.

"Sumama ka nlng po mam. Kami na po ang bahala sa'yo." sabi nilang dalawa.

"T-teka!"

Wala na akong nagawa nung hinila nila ako papunta sa Beauty Room.

Naguguluhan ako sa mga nangyayari kasi wala naman talaga akong alam sa party na yun eh. At saka wala namang naibanggit si Khym saken na may party na magaganap dito. Baka nagkamali ng akala ang dalawang to?

"Sure ba talaga kayo na ako yung babaeng hinahanap nyo?" pagsisigurado ko.

"Siguradong sigurado po. Nicole po pangalan nyo dba? Vice President ng Heron Company?" tanong niya.

Ako nga talaga yung hinahanap nila!

"Eh, sino naman ang nag imbita sa akin?" tanong ko.

"Malalaman nyo po mamaya mam."

Naguguluhan na talaga ako sa mga mangyayari. Sino ba naman ang may pakana nito? Baka bigla nlng akong kidnapin nga dalawang to >< Sana wag lang.

.

.

At sa wakas, nakarating na kami sa Beauty Room. Tinawag ako ng isang bakla at sinimulang ayusin yung buhok ko.

"Ang ganda naman pes mo gurl! Inggit ako sayo haaa! Swerte naman ng taong maging heart to heart mo" sabi ng bakla.

"Ah-hindi naman ako maganda nu." mahinang sabi ko. Nahihiya kasi ako eh.

"Sus kunwari ka pa gurl! Laglag brief nila dahil sa beauty mo! Pati panty, dagdag na yun!"

Sira tong bakla na to oh? Pero nakakatawa yung sinabi niya.

Ilang minuto ang lumipas, inayos nila ang lahat. Make-up, hairstyle, manicure, pedicure, pagsuot ng gown ko at pati na rin sandals ko. Grabe ang mamahalin ne'to! LV tong dress ko, CL naman tong 2 inch high heels ko. Grabe, sino kaya ang gumastos ng suot ko ngayon? Komportable na komportable talaga ako sa suot ko ngayon. May taste talaga sa fashion ang bumili nito, pati ang sizes alam na alam niya.

Sinubukan kong lumakad, okay naman ang paglakad ko. Hindi naman talaga mataas yung heels ko eh. Humarap ako sa salamin at di ako makapaniwala sa nakita ko!

.

.

AKO BA TALAGA ITO?

.

.

"Maganda ba gurl?"

I'm so stunned. Hindi nga ako makapagsalita dahil sa suot at make over ko ngayon. Speechless talaga ako. Hindi ako makapaniwala na ako to! Grabe ang ganda ko!

"Ms. Lee?"

Tumalikod ako para makita yung tumawag saken. Isang captain ng isang ship o baka yacht?

"O-opo?" sagot ko.

"May naghihintay po sa inyo sa labas." sabi niya.

May naghihintay? Don't tell me siya yung tao ang gumastos nito? Ewan pero mukhang ninenerbyos ako, baka kasi di ko kilala ee, tapos inaya akong makipagdate. Nakakahiya yun! At saka ngayon ko lang napansin na wala sila Khym. Saan kaya nagpunta ang mga yun?

Sumunod na ako sa kanya.

"Umm Ms. Lee? Maglalagay muna ako ng blindfold sa mga mata mo. Okay lang po ba?" tanong ng lalake.

Wala na akung ibang choice kundi pumayag. Mukhang surprise talaga ito eh. Nagtanong ulit ako kung sino ang gumawa ne'to pero 'makikita mo rin' ang sagot nila. Hindi ko alam kung nasan na ako pero I can feel na malapit kami sa baybayin. Naamoy ko kasi yung dagat tapos ang lakas pa ng hangin. Buti nlng at pinatibay nila yung buhok ko.

Ilang minuto pa at tinanggal na ng captain yung blindfold at sinabi nya na pumunta daw ako dun sa yacht na may ilaw kasi naghihintay daw sha dun.

Grabe ang ganda! Parang pasko, kasi andaming colorful lights na nakapaligid. May mga floating lanterns pa nga ee! Wow...

May red carpet, at may mga arrow lights na dumidikta na dito daw ako dadaan, sinunod ko naman. Nasa yacht na ako. May nakita akong malaking table na dalawa lang ang chairs. Parang restaurant lang ang dating, pero may envelope sa mesa at kinuha ko agad.

Binuksan ko yun at binasa ang card.

.

.

.

.

.

Turn Around.

Ha? Tatalikod daw ako?

Sinunod ko naman yun.

Pero what I saw next was something so hard for me to believe.

Nanigas ako, pumipintig ng malakas yung puso ko, nanginginig ako sa nyerbyos, hindi ako makapagsalita! At dahil ito sa taong nasa harapan ko.

Naka white na long-sleeve lang sha, na may kasamang maitim na necktie, pencil dress at sandals. Parang pang office lang pero ang ganda niya. May inabot pa shang boquet of flowers.

"F-for you..."

.

.

.

I can't believe it.

.

.

.

.

.

Si Khym, nasa harapan ko...

Heart Lies (gxg)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon