080

4K 94 51
                                    

mommy: where are you? sabi ng kuya mo, umalis ka daw?

mommy: come home na jendeuki :(

5:49 pm

jennie: mommy?

mommy: yes?

jennie: dito po muna ako matutulog. sleep over daw kami, holiday naman bukas. walang pasok.

mommy: oh, okay. sino kasama mo?

jennie: sila jisoo.

mommy: kasama mo ba si taetae?

jennie: uhm opo. please don't tell kuya.

mommy: of course, hun! enjoy your stay there!

mommy: have fun.

jennie: thanks my.

_______

"di niyo kasi sinabing overnight naman pala, wala tuloy akong dalang damit." pagrereklamo ni rosé. sa aming mga babae, siya lang kasi ang pinaka tipid nagdala ng damit ngayon. well, si jisoo din dahil nabasa kanina ang mga damit niya nang ilang beses siyang pagtripan at inihulog sa pool nang makapag palit siya.

mabuti na lang at sobra ang damit ko. napahiram ko pa si jisoo. si lisa naman, sakto lang ang damit niya para mamayang gabi o bukas.

"marami akong damit na dala, pahiramin na lang kita." sabi ni jimin. wala ng nagawa si rosé kundi sumang-ayon. lumingon naman sa akin si jimin at ngumiti, parang kilig na kilig. hahaha.

"tara manood na tayo!" sigaw ni jin na kakatapos lang magshower. galing siya sa kwarto niya na katabi lang nitong entertaiment room. sosyal, diba?

"pero wala pa yung iba." sabi ni jisoo. hindi pa kasi tapos sila taehyung, namjoon, at hoseok na manligo. habang si yoongi naman ay natutulog dun sa kwarto ni jin. basta na lang siya pumasok at natulog dun dahil daw malambot at malaki yung kama.

"aish, pabayaan mo na sila pikachu, darating din sila." sabi ni jin at tumabi kay jisoo. nagkatinginan na lang kami ni rosé nang magyakapan pa ang dalawa. napatawa na lang si lisa.

"pahiramin mo na ako ng damit, bilis." sabi ni rosé kay jimin. maya maya ay umalis na ang dalawa para magpalit ng damit si rosé.

nagyayakapan padin sila jisoo at jin habang sa kabilang sofa naman ay nakaupo si lisa at jungkook. busy sa pagce-cellphone si lisa habang sinusubuan siya ng chichirya ni jungkook.

tunguna ang sweet ha. nakaka out-of-place tuloy. ako lang ang solo eh.

"jennie, tawag ka ni taehyung." sabi ni kuya hoseok na kakadating lang at basa pa ang buhok. inagaw niya ang chichirya kay jungkook.

"ha? bakit daw? nanliligo parin ba siya?" tanong ko sa kaniya.

"oo, papakuha yata yung towel niya."

"ha? edi sana ikaw na lang. ibibigay lang naman pala." sabi ko. nagkibit balikat naman siya tsaka tumabi kay lisa. napanguso na lang ako at padabog na pumunta sa kwarto ni taehyung. nakakainis yun, ako pa talaga ha? hay nako.

"jennie!" naabutan kong sumisigaw siya mula sa loob ng banyo.

"ano?!" sigaw ko.

"liguan mo ako." sabi niya sabay tawa. ugh gago talaga. sarap niyang sapakin eh.

"ano ba kailangan mo?!" sigaw ko.

"yung towel mo sana? nabasa yung towel ko sa pool eh. remember?"

napailing na lang ako. oo nga pala. katangahan kasi nila kanina eh, hay nako.

"okay, sandali." sabi ko at mabilis na tumakbo sa kwarto namin nila rosé. nagshare kaming apat sa kwarto, dalawa naman yung kama kaya kasya na kaming apat.

grabe lang talaga ang bahay nila kuya jin, parang hotel eh.

kinuha ko yung pink na towel na nakahanger malapit sa pinto. may nakaemboidered na kulay gold na jennie doon.

napangisi na lamang ako tsaka pumunta sa kwarto nila taehyung. kumatok ako sa banyo.

"ito na oh." sabi ko. bumukas naman ang pinto at inilabas niya ang kamay niya. mabilis kong binigay ang towel ko. hindi pa ako nakakaalis nang biglang bumukas lalo ang pintuan at lumabas siya na topless at tanging yung towel ko lang yung suot niya.

yung nakabukol kaagad sa towel ang napansin ko.

"ahhhhh!" sigaw ko at mabilis na tumalikod at nagtakip ng mata. shit lang, bakit..... bakat na bakat?

parang sobrang init na kaagad sa kwarto, pinagpapawisan na ako at randam kong mainit na ang pisngi ko. shet lang.

"honeymoon na tayo babe." sabi niya nang marandaman ko ang presensiya niya sa likuran ko.

putek ha. bakit ba ang galing galing niya lumandi?

"loko ka! tigilan mo ko." mabilis akong lumabas sa kwarto. naririnig ko pa ang tawa niya na lalong ikinabwisit ko.

"argh, taehyung!" sigaw ko at habang tumatakbo palayo doon.

pero shit lang, ganoon ba talaga dapat kalaki....yun?

foreplay.Where stories live. Discover now