056

4.5K 118 45
                                    

6:00 pm

i sighed, sa wakas at labasan na din. makakauwi narin ako!

sa dami ng ginawa ngayon, feeling ko puputok na ang utak ko. at talagang ang sakit na ng katawan ko ha! dumagdag pa kasi si jisoo, kung kelan kailangan siya ngayon, tsaka pa siya absent?! wala na nga si jimin, wala pa siya.

ano naman kaya ang nangyari sa kanila?

si jimin, ilang araw narin naman siyang absent. pero si jisoo, ngayon lang. at walang sabi sabi man lang. eh usually naman nagpapaalam pa siya.

hindi ko rin siya macontact kaya talagang nakakapagtaka.

kung puntahan ko kaya siya?

"unnie!" napalingon ako sa labas ng classroom, nandoon si lisa kasama si chaeyoung.

mabilis naman akong lumabas dala ang bag ko.

"oh, andito kayo?" tanong ko sa kanila, tsaka sila nginitian.

"makikisabay sana kami." sabi ni chaeyoung.

"nag overtime kasi ako sa dance practice namin, nagpasama ako kay chaeng. umalis na tuloy yung driver nila." paliwanag naman ni lisa.

"ah..." tumango ako. "pero balak ko lang sana mag commute ngayon kasi nag resign na yung driver namin. si kuya mino naman nacancel yung pagsundo sakin kasi may pupuntahan pa sila ni bobby." sabi ko.

naging hugis 'o' ang bibig ni lisa.

magsasalita pa sana si chaeyoung nang biglang may lumabas mula sa kung saan.

"ihahatid ko na kayo."

that. freaking. voice

"oh taehyung!" pagbati ni chaeyoung nang lumapit si taehyung sa amin. nakita ko siyang ngumiti at kumaway mula sa peripheral vision ko.

habang ako, hindi ko magawang tignan siya.

sobra akong naiilang. sobra!

"unnie, ihahatid niya daw tayo oh." sabi ni lisa at siniko siko pa ako. napakagat labi ako. nakatungo lang ako dahil ayoko talaga siyang tignan.

"come on, medyo gabi na din. hindi ko hahayaang mag commute kayo." sabi niya na nagpatayo ng balahibo ko. shit lang.

bakit ba parang ang sexy parin pakinggan ng boses niya?

bakit ba naapektuhan ako?!

"o-okay." sabi ko tsaka sinubukan siyang tignan,

na sana di ko na lang ginawa.

nakangisi siya, at talagang napaka gwapo niya lalo na sa suot niyang white loose na polo na naka unbotton pa ang dalawang butones.

nakaeyeglasses din siya at naka earphones na ngayon niya lang tinatanggal.

holy-

i hate to admit it but i can't sleep last night because of him.

para akong nababaliw dahil kahit tunog ng paghinga niya ay naririnig ko parin sa isipan ko.

i don't know how! it's insane!

"then let's go." sabi niya tsaka inilahad ang kamay niya sa harapan ko.

nagtaka naman ako. ganoon din si lisa at chaeyoung na nakatingin sa kamay niya.

ha?

"your bag."
cool na sabi niya at iginalaw ang ulo na parang tinuturo ang shoulder bag na hawak ko.

"pero..." napaiwas ako ng tingin. naiilang na talaga ako! nang-aasar pa yung tingin sa akin ng dalawa na parang kinikilig sila.

hindi niya parin inalis ang kamay niya habang seryoso siyang nakatingin sa akin,

kaya binigay ko na sa kaniya.

ngumiti naman siya tsaka nagsimulang maglakad habang hawak ang gucci shoulder bag ko.

sinundan lang namin siya habang hiyang hiya padin ako. sila lisa at chaeyoung naman, bumubulong bulong sa akin at inaasar ako. na nagpapainis sa akin.

"your bag." sabi ni lisa kay chaeyoung at inilahad pa ang kamay niya. inimitate niya ang pagkakasabi ni taehyung tsaka sila sabay na tumawa ni chaeng.

kinagat ko ang labi ko para pigilan ang sarili kong ngumiti.

bakit niya ba kailangang gawin yun?

bakit kailangan niyang magpaka gentleman? ugh. pabibo eh. pabibo!

kala mo naman.

pinagmasdan ko ang likuran niya habang naglalakad siya. tahimik lang siya at parang modelo kung maglakad.

may pagka malapad din ang likod at balikat niya na talaga namang...

aish jennie! stop thinking about him, please lang.

nakarating kami sa parking lot, pinatunog niya kaagad ang sasakyan niya which is not the bmw one. this time, 4 seater iyon na lamborghini. sosyal lang.

if i am not mistaken, that is lamborghini estoque. dahil kay dad at kuya mino, may mga alam din ako na luxury cars. you know naman, boys and their toys.

kung yung 2 seater na bmw ang dala niya, may reason pa ako para hindi makasabay sa kaniya. hindi naman kami kasyang tatlo sa shotgun seat.

i suddenly had the thought of it, ilan kaya ang sasakyan niya?

"ooh, nice car." sabi ni lisa na nauna na kaagad sa backseat. wow lang.

nilampasan ko yung shotgun seat at bubuksan ko na sana yung isang pintuan sa backseat nang biglang unahan ako ni chaeyoung.

"oops." sabi niya tsaka kumindat sa akin. pumasok na siya sa loob. napaka salbaheng bata.

asan na ang inosente at mabait na rosé?! huhuhuhu

binuksan ni taehyung ang pintuan para sa akin, wala na akong nagawa kundi doon umupo.

shit lang.

amoy taehyung yung loob ng sasakyan.

_________
⠀⠀⠀⠀⠀⠀⠀⠀
⠀⠀⠀⠀⠀⠀⠀⠀

[unti unti nang nakakapasok si Taehyung sa sistema ni Jennie lol.
Thank you for everything, guys! Sa lahat ng nagbabasa at nagaaruga sa book na ito, maraming salamat! Mahal ko kayo. At sa mga nag fofollow po sa akin, thank you po!!! Sorry dahil medyo slow update na tayo, blame the school. Smh.]

foreplay.Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon