078

4K 108 40
                                    

author: real chapter na 'to. hahaha. thank you sa 28k reads tsaka sa patuloy na pag follow niyo sa akin! maraming salamat! i'm touchEd... sabihin niyo lang kung ano gusto niyong regalo hahahaha lels

Seen

______

nakarating kami sa masiones nila kuya jin. medyo malayo ito pero worth it dahil talagang maganda.

"confirmed, prinsepe pala talaga siya." sabi ni rosé na halos kasabay lang din namin. kasama niya si jimin at hoseok.

"agree. ang laki ng bahay niya." sabi ko habang nakamasid sa malaking bahay ni kuya jin. doble yata ng bahay namin.

magkasama kami ni rosé na pumasok sa loob habang sumunod naman samin yung mga lalaki. pagkapasok na pagkapasok namin, binati na kaagad kami ng ilang kasambahay nila kuya jin.

"saan po sila?" tanong ni chaeyoung. dinala nila kami sa living room na medyo ilang steps pa mula sa front door. grabe lang.

naroon na ang lahat, kami na lang pala ang kulang. nanonood sila ng tv habang kumakain ng chicken si jisoo.

"bilis na kasi, pahingi. ako naman nagluto niyan bakit ayaw mo mamigay." sabi ni jin kay jisoo. napatawa na lang ako. sa kanilang dalawa, parang puro pagkain ang pinag-aawayan nila.

"ah! chicken! i want some!" hindi ko na napigilan pa si rosé, tumakbo na siya papunta doon at nakihingi sa dalawa. napailing na lang ako.

"yo, get your girl some food." sabi ko kay jimin. ngumiti naman siya na ikinawala ng mata niya.

maya maya pa, nasa labas na kami, sa pool nila jin. lahat kaming babae ay naka rashguard, well, ayaw na namin makipagtalo sa kanila. habang ang mga lalaki ay naka shirt o sando.

nag-uusap kami ni lisa nang biglang marandaman kong umangat ako. napasigaw ako sa takot, "no! hala no! please!"

bigla bigla na lang akong binuhat ni taehyung na parang bagong kasal tsaka siya sumigaw at tumalon sa pool.

gulat na gulat ako na muntikan pa akong umiyak habang mahigpit ang kapit sa katawan niya.

"no! mommy! huhuhu!"

rinig na rinig ko ang tawanan nila habang ako ay takot na takot pa din.

bwisit ka taehyung.

kaagad ko siyang hinampas na idinaing niya.

"gago ka talaga eh no! pakyu ka." sabi ko sa kaniya na nakangisi parin sa akin. inirapan ko siya. nakahawak siya sa akin dahil masyadong malalim ang parteng iyon para sa akin. halos hindi na maabot ng paa ko. siya naman, hanggang dibdib niya.

inasar asar niya pa ako na bibitawan niya ako. at nang gagawin niya, kaagad naman akong yumayakap sa kaniya.

"mga damoves ni taehyung talaga, hanep." sabi ni namjoon na may hawak na salbabida. si hoseok at jin naman ay panay tawa sa amin.

napapanguso nalang ako habang parang tarsier na nakakapit sa kahoy. ang pinagkaibahan nga lang, kay taehyung ako nakakapit. and shit i can feel his hard chest.

"ahon na kasi tayo. please na." sabi ko sa kaniya.

"kiss mo muna ako." ngumuso siya at nilapit ang mukha niya sa akin. kaagad ko siyang sinamaan ng tingin. ano siya sinusuwerte? pagkatapos niya akong ihagis sa pool, walangya siya.

"lalalalala~" biglang lumapit si lisa na kumakanta habang naka piggy backride kay jungkook.

nang-asar pa si jungkook nang makita niya si taehyung. hindi naman siya pinansin ng isa na nakatingin parin sa akin.

"kiss na kasi." sabi ni jungkook. nag thumbs up naman si lisa.

"chikinini sa lips, bilis." sabi naman niya. hihilain ko sana siya kaso mabilis na kaagad silang nakalayo ni jungkook. baliw talaga.

tawa sila ng tawa, ganoon din si taehyung. nag flying kiss si lisa bago lumayo ng tuluyan sa amin. napailing na lang ako.

"laro tayo ng chicken fight!" sigaw ni jisoo na nasa pool bench kasama sila jin, rosé, namjoon at jimin. si hoseok naman muntikan nang malaglag nang magulat kay yoongi, naglalakad kasi siya sa gilid ng pool na malapit sa falls at nag seselfie.

"chicken fight?" tanong ni lisa. hay nako, si jisoo talaga. puro chicken nasa isip siguro niya.

"wag na tayong sumali. dito lang tayo." sabi ni taehyung tsaka ngumisi. lalo akong napakapit sa kaniya nang maglakad siya papunta sa mas malalim na parte ng pool.

"hala no, taehyung! please no...." sabi ko. halos hanggang sa leeg na lang niya. nakakapit na ang binti ko sa torso niya.

"wag kasi taehyung!" sigaw ko pa pero nasa dulo na kami. malapit sa falls kung saan malalim at hindi ko na talaga abot.

mabuti na lang at may pwedeng upuan na parte doon.

"kainis ka talaga, balak mo yata akong patayin eh." magkatabi kaming dalawa pero nakahawak padin ako sa kaniya. duh, pano kung madulas ako? mawalan ako ng balanse? edi nalunod ako?

"gusto lang kitang masolo, madaming epal eh." sabi niya at mabilis na humalik sa pisngi ko.

bakit ba ang landi landi mo? ang sexy sexy mo pa. ugh kainis ka talaga. tapos pakilig pa amputa.

lalo niyang nilapit ang mukha niya, napangisi na lang ako dahil alam kong may balak siya.

sneaky bastard.

"hajiman bangtansonyeondani
jingyeokhandamyeon eotteolkka."
halos mapatalon kaming dalawa nang biglang lumitaw si yoongi kung saan, naka salbabida siya at nakashades pa. tumawa tawa siya tsaka nagkibit balikat na parang wala siyang kinalaman.

"aish!" mabilis akong binuhat ni taehyung at dinala sa mababaw na parte.

wala na kaming nagawa kundi sumali sa laro na plinano ni jisoo at jin. ang mananalo? magkakaroon lang naman ng isang platong chicken. syempre eager din kami na manalo.

kalaban ko noong una si rosé at jimin. muntikan na akong mahulog buti na lang at matibay si taehyung.

maya maya pa, nahulog na si rosé.

"no, my chicken!" sigaw niya nang matalo sila. napatawa ang lahat sa kaniya.

sumunod naman si lisa at jisoo. sa huli, natalo sila jisoo na grabe ang panghihinayang.

#RipChicken

tuwang tuwa naman ang maknae couple. umahon na kaming lahat para kumain ng tanghalian. nakahanda na ang pagkain sa table na malapit sa pool.

at syempre, ang isang plato ng chicken na premyo kila lisa at jungkook.

foreplay.Where stories live. Discover now