022

5K 141 64
                                    

tapos na ang klase namin, sabay kami ni jisoo lumabas. pero dahil may iba pa siyang lakad, nauna na siyang umuwi. ako naman, susunduin ako ng driver namin dahil hindi ako masusundo ng magaling kong kapatid. siguro inuuna na naman ang landi.

naglalakad na ako sa may hallway nang marandaman ko na parang may sumusunod sa akin. ang weird lang ng pakirandam.

naghihintay na ako sa harapan ng building namin dahil dito naman ako susunduin, ayoko namang maglakad pa sa gate dahil sobrang layo. masyadong malawak at malaki ang school namin.

nagtitipa ako sa phone ko ng message para kay rosé nang biglang may tumakip sa mga mata ko.

"lisa?" tanong ko.

si lisa at jisoo kasi ang mahilig mang ganito. siguro ay si lisa ito dahil kanina pang umalis si jisoo.

pero isa ang napansin kong kakaiba, masyado naman yatang malaki ang kamay ni lisa?

"sino ka?!" tanong ko habang pilit na inaalis yung kamay niya. nakarinig ako ng bahagyang tawa. mahina lang iyon.

"kiss mo muna ako." napamura ako nang marinig ko ang boses na iyon.

"taehyung?!" gigil na sigaw ko sa kaniya. tinanggal na niya ang kamay sa mata ko tsaka pumunta sa harapan ko. he smiled at me, as if we are close. tsk.

"kiss mo na 'ko." sabi niya tsaka ngumuso at inilapit ang labi niya. mabilis kong nilayo ang labi niya gamit daliri ko.

"pwede narin 'yon." sabi niya habang hawak ang labi niya. i rolled my eyes.

sana lang ay mabilis na dumating ang driver namin. i hate when this guy is around.

"sabay ka na lang sakin, mukhang kanina ka pang naghihintay." sabi niya tsaka tinuro yung kotse niya na nakaparada sa may gilid.

okay, cool bmw.

"ayoko." i told him. hindi niya ako maaakit na sumakay sa kotse niya. hindi niya ako maaakit na sumama sa kaniya.

"bilis na. date tayo." pinaglaruan na naman niya ang dila niya. napaiwas ako ng tingin.

pakshet ka, taehyung. ang hot mo sana. kaso nakakapag init ka din ng ulo. naloloka ako.

"saan naman?" nakisakay na lang ako habang naka crossed arms.

ngumi siya tsaka muling dinilaan ang labi niya.

ang pakboy lang ng dating!

"sa motel." sabi niya tsaka kumindat.

napanganga ako sa sinabi niya.

napaka bastos talaga!

dahil sa inis ko, tinuhod ko ang dapat tuhudin. dapat lang yon sa kaniya! dapat lang yon sa mga pakboy na katulad niya!

mabasag sana itlog niya. walangya siya.

"ouch! shit! saktan mo na ang puso ko wag lang 'to, jennie! mahal pa man din kita pero ganito ginawa mo sakin."

sigaw niya sa akin na halos marinig na ng lahat. napakagat ako ng labi.

mukha na siyang nakakaawa ngayon, talagang hawak niya ang pagitan ng hita niya at halatang halata ang sakit sa mukha niya.

tangina. di dapat ako naaawa.

he deserves it.

"sabi ko kasi sayo, wag ako!"

sigaw ko sa kaniya tsaka nagsimula nang maglakad palayo. bahala na. kahit pumunta pa ako sa gate para doon maghintay, okay lang. or kahit maglakad pa ako papunta sa bahay. bahala na. basta malayo lang sa kagaya niya.

-

[ako na lang kasi taehyung. wag na daw siya. hahahahaha joke lang]

foreplay.Where stories live. Discover now