008

8K 182 43
                                    

mabilis kong chineck kung tama ba ang number ni jennie. tinitignan ko bawat number dahil mukhang mali yata ang nasendan ko ng message. sino ba yung bartolome na yon? parang tama naman ang number na tinext ko.

"minemorize ko pa man din, tanga." sabi ko sabay buntong hininga. tinitigan ko ang number ni jennie na nakasave sa cellphone ko.

pasimple kong ninakaw ang number ni jennie sa cellphone ni jimin habang natutulog siya.

kaya eto.

pero mukhang hindi naman siya si jennie. kung sino man siyang bartolome siya.

"hoy taehyung, gisingin mo na si yoongi. bilis. labas tayo, kakain." biglang lumabas si namjoon mula sa kung saan. napangiwi naman ako.

"aish, joon. yoko nga. nakakatakot. si hoseok na lang."

"bakit ako?" mabilis na umiling si jhope.

"ako na lang sige." sabi naman ni jin hyung umakyat na siya sa taas para gisingin si yoongi.

napatingin ako sa iniwan niyang phone sa lamesa. biglang nagliwanag ang mundo ko nang may ideyang pumasok sa isip ko.

kaibigan niya din si jennie dahil girlfriend niya si jisoo noona. baka may number siya ni jennie!!

nagtype ako ng password niya. simple lang naman, jinpogi lang at tama na ang hula ko. pogi naman talaga siya, well.

nanlaki ang mata ko at napangiti ako nang makita ko ang contact name ni jennie doon. mabilis kong tinignan at chineck ang number niya.

napakunot ako nang makitang parehas lang ng number.

ito talaga ang ginagamit na number ni jennie! imposible naman na wrong number lang din si jimin at jin hyung kay bartolome. wow lang.

foreplay.Where stories live. Discover now