Epilogue

23.4K 566 27
                                    

“FLOWERS for you red head woman!”

Mabilis na napalingon si Eris sa may pinto ng shop niya. She was excited about that guy standing there holding a big bouquet of flowers. Isang tao lang naman ang tumatawag sa kaniya ng red head woman.

“Shion!” sigaw niya saka lumapit rito. 

“I’m not Shion.” Ani lalaking tinanggal ang harang na bulaklak sa mukha nito. Hindi pamilyar sa kaniya ang lalaking ito. Pero sumigaw ito ng red head woman.

Lumungkot na naman siya. Dalawang lingo na ang nakalipas mula nang umalis si Shion. Siya ang nag-decide na wala silang communication upang mas masulit nito ang mga araw na kasama ang pamilya nito. Missed na missed na niya tuloy ito.

“Sino bang hinahanap mo ha?” pagtataray niya sa lalaki.

“Ah, napag-utusan lang po ng lalaking nasa labas.”

Nabuhayan siya ng loob. Hinawi niya ito at mabilis na lumabas ng shop niya. Pero sa kasamaang-palad, wala naman siyang nakitang anino man lang ni Shion roon. Sumimangot siya. “Kainis.”

“Sabi ko sa’yo, hindi bagay sa’yo ang sumimangot.”

Napatunghay siya nang marinig ang boses na iyon. “Shion!”

He was standing looking at her. May hawak itong paperbag. Hindi na niya ito pinagsalita bagkus ay niyakap ito ng mahigpit. “Pinagti-trip-an mo naman ako eh.” Reklamo niya.

“Para naman ma-excite ka.” Sagot nito.

Kumalas siya sa pagkakayakap. “Kelan ka pa dumating?”

“Ngayon lang, dito nga ako dumiretso eh. Nasa sasakyan ko pa ang bagahe ko. Iyong lalaking nasa loob ng shop mo, nakita ko lang iyan diyan naglalakad kaya inutusan ko.”

“Ikaw talaga. Daming kalokohan. How’s Hongkong?”

“Hongkong pa din. We’re okay now and ako na ang CEO ng kompanya namin.”

She smiled. “I’m happy for you.”

“Pasalubong ko nga pala sa’yo.” Iniabot nito ang papaerbag sa kaniya.

“Ano ‘to?”

“Tingnan mo na lang kasi.”

Kinuha niya ang maliit na teddy bear na nasa loob ng paperbag. “Hindi naman ako mahilig sa teddy bear.”

“Hind mo ba nababasa iyong nasa tiyan niya?”

Tiningnan niya iyon. May nakalagay na press me. Pinindot niya iyon at ikinagulat niya ng magsalita ang teddy bear. Will you marry me? Will you marry me?

She was amazed. Napatingin siya kay Shion at doon sumambulat sa kaniya ang hawak nitong singsing. “Like what that teddy bear said, will you marry me Eris?”

There are tears of joy in her eyes. “Yes Shion, I will. I will marry you.”

“Yes!” anito saka siya binuhat. “Thank you Eris.”

“Hmmp! Pasalamat ka mahal kita kahit stranger ka lang para sa’kin dati.” Biro niya.

“Oo na! Pasalamat ka rin mahal kita kahit pa pula ang buhok mo.”

She kissed him to make him feel how she loves him. Masaya siya na nahanap niya ang lalaking magpapasaya sa kaniya at magpaparamdam ng totoong pagmamahal. Minsan kasi, mapalaro talaga ang tadhana. You will never know na ang lalaki palang nakatakda para sa’yo ay nakabangga mo na nang hindi mo inaasahan. 

*WAKAS*

Popular Girls : ErisTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon