2~

27.8K 496 16
                                    

HINDI inaasahan ni Shion na pagdating sa Pink Smoky Bar ay pagkakaguluhan rin siya ng mga kababaihang naroon. Nag-umpukan pa ang mga iyon habang nagpapakilala isa-isa sa kaniya.

Nang dumating siya sa bar na iyon ay ipinakilala siya ni Chernin sa mga kaibigan nito. They are all gorgeous pero hindi pa rin mawala sa isip niya ang babaeng nakita niya habang papunta siya roon. There was inside of him na gustong makita ulit ang red hair woman na iyon. Mataray man ito, hindi naman nabawasan ang kagandahang taglay nito.

Daig pa niya ang na-love at first sight sa babaeng iyon kahit puro katarayan lamang ang ipinakita nito sa kaniya. He really likes her.

Nang sa wakas ay nakaligtas siya sa mga babaeng umaligid sa kaniya ay muli siyang pumunta sa table ng mga kaibigan ni Chernin.

Malapit pa lamang siya ay namataan na niya ang babaeng bineso ng pinsang si Chernin. Teka, may kulay pula at maikli itong buhok! Awtomatikong bumilis ang lakad niya papalapit sa mga ito.

“Why not. Nangako ako kanina hindi ba? Kelan pa ako hindi tumupad sa usapan?” narinig niyang sabi ng babaeng may pulang buhok. Confirmed! Ito ang babaeng nagtaray sa kaniya. Kakilala ba ito ni Chernin? What a coincidence.

“Hi ladies.” Agaw-pansin niya sa mga ito.

Napansin niya ang pandidilat ng mata ng babaeng may pulang buhok nang makita siya. Sigurado siyang nagulat din ito tulad ng naramdaman niya. Talaga yatang pinagtatagpo sila ng tadhana.

“Hello Shion!” nakangiting bati sa kaniya ni Chernin. Ginantihan lamang niya ito ng ngiti saka muling tumingin sa babaeng may pulang buhok.

“Hi Miss Red hair.” Nakangiting bati niya rito.

Hindi ito sumagot.

“Eris, he is Shion. My cousin from Hongkong. Naipakilala ko na siya sa kanila kanina. Sa’yo na lang hindi.” nakangiting wika ni Chernin. So Eris pala ang pangalan nito? Nice name huh!

“What?” biglang sigaw ni Eris. 

“Hey, calm down.” Aniya. “So your name is Eris. Good choice of name.” he winked at her after saying that.

“Ang mga magulang ko ang sabihan mo niyan dahil sila naman ang nag-pangalan sa akin at hindi ang sarili ko.” Mataray na sagot nito. Bakit ba napakalaki yata ng galit nito sa kaniya?

Naghagikhikan ang kaibigan ni Chernin at yung fiance niyon na mukhang lalong ikina-inis ni Eris base sa hitsura ng mukha nito.

“Ooops, I’m sorry.” Natatawang saad niya. Gusto na niyang matawa ngunit pilit niya itong pinipigilan. Kahit kasi nagtataray si Eris ay nakakatuwa pa rin itong tingnan. 

“No!!!!” sigaw ni Eris saka mabilis na tumakbo papalabas ng bar.

“Anong nangyari do’n?” tanong ni Chernin.

“Ikaw naman kasi Shion, huwag mo kasing ipahalatang type mo si Eris.” Natatawang wika ng sa pagkakatanda niya ay Freidal ang pangalan.

Popular Girls : ErisTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon