3

20.2K 416 3
                                    

"DAMN!"

Malakas na sigaw ni Eris ang pumaibabaw sa gitna ng pool. 

"Ouch!"

Napatingin si Eris kay Shion. Sapo nito ang nasaktang pisngi. She just gave him a punch dahil matapos ang ilang minutong pag-e-enjoy niya sa pool ay hindi na niya namalayang nakisawsaw na rin pala ito. He just wearing his trunks for Pete sake!

"Iyan ang nababagay sa tulad mo! Maniac!" Sigaw niya saka mabilis na umahon sa pool. 

"Humanda ka sa'kin red head woman!" Sigaw nito habang mabilis na ring umaahon sa pool. 

Mabilis niyang isinuot ang robe niya na nakasampay sa may couch na inuupuan niya kanina. 

Tinungo niya ang pinto. But in her dissappointment, naka-lock iyon. Huminga siya ng malalim. "Chernin! What the hell are you doing? Open this damn door!" Malakas na sigaw niya sa may pintuan. 

"Kung naka-lock iyan, wala ka ng magagawa." Nang-aasar na wika ni Shion na naupo sa may couch malapit sa pool. 

Wala siyang ibang madadaanan bukod sa pintong iyon. It was a covered swimming area. Exclusive lamang iyon sa malalapit na kaibigan ni Chernin. Kahit bintana ay wala roon. 

Sinadya ba iyon ng mga kaibigan niya? Humanda ang mga iyon sa kaniya. 

Lumingon siya kay Shion na mukhang natutuwa pa sa nangyari. "You! Kasalanan mo ito! Siguro, plano niyo ito!"

Nilapitan niya ito at dinuro-duro. 

Hinablot nito ang kamay niya. "Don't dare to point at me again red head woman!" Anito sa seryosong tinig. Nakahawak pa rin ito sa kamay niya na ginamit niyang pan-duro rito. 

Ilang hibla lamang ang layo ng mukha nito sa mukha niya. "Or else.."

"What?" Aniya sa matatag na tono. May kakaibang kaba siyang naramdaman sa dibdib niya habang nakikipagtagisan ng tingin kay Shion. Kung akala nito ay madadala siya sa mga titig nito, nagkakamali ito. 

Nanlaki ang mata niya ng unti-unti nitong inilalapit ang mukha nito sa mukha niya. Hahalikan ba siya nito? No way! Gusto niyang lumayo rito ngunit parang nakadikit ang mga paa niya sa sahig. Hindi siya makakilos. Gahibla na lamang ang layo ng mga labi nila. 

Shit! Hindi siya papayag na mahalikan nito. "Or else, I will kiss you. A kiss that you'll never forget.." Anito. 

Nakahinga siya ng maluwag matapos siya nitong bitawan. Dinilatan niya ito ng mata. "Bastard!" Sigaw niya rito saka tinungo ang dulong bahagi ng pool. 

Tumawa ito. "Are you expecting a kiss from me? Nah. Not now." 

Nilingon niya ito. "I hate you!" Muli siyang nag-martsa pagkasabi niyon. 

Naupo siya sa gilid ng pool. Maghihintay siya hangga't may mag-magandang loob sa isa sa mga kaibigan niya ang magbubukas ng pinto. Hindi niya yata kakayanin ang makasama ang gangster na ito sa loob ng ilang oras. Wala itong alam kung hindi ang buwisitin siya. 

Popular Girls : ErisTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon